;
embed embed2
  • What Is The Ideal Age Gap Between Children? For Solenn Heussaff, A Two To Three Year Gap Is Good

    Ilang taon nga ba ang dapat na pagitan bago magka-anak uli?
    by Angela Baylon .
What Is The Ideal Age Gap Between Children? For Solenn Heussaff, A Two To Three Year Gap Is Good
PHOTO BY instagram/solenn
  • Laging trending at nakakaaliw ang ano mang update mula sa #SosBolz family kaya naman marami ang napapaisip kung kailan masusundan ang anak ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Thylane o mas kilala bilang 'Tili.'

    Ito ang walang pag-aatubiling sinagot ni Solenn, 36, sa kaniyang recent guesting sa GMA-7 show na 'Mars Pa More.' Tanong sa aktres, 'Ngayong happy na kayo with Tili, this year na ba ang second Baby Bolz?' na agad niyang sinagot ng 'Yes.'

    "I'm not getting any younger," paliwanag ni Solenn. Dagdag niya pa, pagdating sa pagkakaroon ng anak, "I think it's a nice gap to have at least two, like a three-year gap."

    Batid din ng aktres ang iba't ibang mga factor na nakakaapekto sa pagbubuntis ng isang babae habang nagkaka-edad. Kaya naman, ani Solenn, ""Syempre naman, my clock is ticking-ish. Pero ayun, in the next two years dapat."

    READ ALSO: Moms In Their 40s Share Joys And Fears Late Motherhood Brings

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi ito ang unang beses na sinabi ni Solenn na handa na siyang bigyan ng nakababatang kapatid si Tili. Setyembre 2021 sinabi ng aktres na nais niya talagang magkaroon ng dalawang anak ngunit nag-aalangan pa dahil sa sitwasyon ng COVID-19 noong nakaraang taon.

    READ ALSO: Solenn Heussaff Plans For Baby No. 2 This 2022 

    "Actually, gusto ko to be quite honest because 36 na ako, and gusto ko ng dalawang anak. So now would be the perfect time but let's see. Baka sometime next year kasi takot din ako sa delta variant [kasi] yung first pregnancy ko mahirap," ani Solenn sa panayam sa '24 Oras.'

    Kung ang asawang si Nico ang tatanungin, dalawang anak rin ang nakikita niyang ideal na bilang ng anak upang masigurong matututukan at mabibigyan nya ng sapat na panahon at pag-aalaga ang mga anak. Pero giit ng Argentinian sa ekslusibong panayam sa Cosmo.Ph, nakasalalay pa rin ang desisyon kung kailan sila magkakaroon ng bagong baby kay Solenn.

    Aniya, "Yes, we want one more. We just don't know when because it's not my call, it's Solenn's call. But we want at least one more."

    "I think two is good. I don't want to have too many kids. I want to be able to give enough time to my kids. So too many kids, I think, I dunno how it would be. I think two is a good number."

    Mayroon Nga Bang Ideal Age Gap Bago Sundan Ang Anak?

    Isa ang age gap o iyong tagal ng panahon na hihintayin bago masundan ang anak sa mga iniintindi pagdating sa family planning. Bagamat hindi talaga mapupunto o masasabi kung ano ang pinakaperpekto o ideal na age gap para sa magkapatid, sinasabi ng mga eksperto na hangga't maaari ay maghintay ng 18 months hanggang 24 months bago muli magka-anak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ayon sa Healthline, kung wala pang 18 months bago mabuntis muli pagka-anak, lumalaki ang tiyansa ng preterm births o maging mababa ang timbang ng baby. Mas mainam rin mabigyan ng panahon ang nanay na magkaroon ng mas mahabang panahon upang maka-recover sa mga tinatawag na pregnancy stressors tulad ng:

    • weight gain
    • depleted mineral and vitamin reserves
    • changing emotional components
    • physical demands of caring for the baby


    Bukod sa health complications, dapat ring isipin ang sitwasyon kung handa na ang bawat miyembro ng pamilya sa pagkakaroon ng bagong baby. Alam ng bawat magulang na hindi biro ang pag-aalaga ng sanggol. Halos bawat minuto at oras ay dapat na inilalaan para matutukan sila.

    READ ALSO: How To Prepare Firstborn For The Arrival Of Second Baby

    Ayon sa isang article ng Romper, three years ang pinaka-ideal na age gap. Napatunayan na ito ng isang writer ng nasabing parenting website na si Rae Goodman base sa kaniyang personal na karanasan.

    Ani Goodman, dahil toddler na ang naunang anak nang muling magkaroon baby, hindi siya ganoon kahirap pagsabayin ang pag-aalaga sa mga anak. Hindi niya parehong kailangan buhatin ang mga anak, mas nakakaunawa na rin ang naunang anak at mas nakakaintindi kaya mas hindi na kailangan tutukan.

    Gayunpaman, sa ganitong age gap, hindi pa rin nalalayo ang angkop na mga aktibidad na maaari nilang gawin tulad ng mga laruan, librong babasahin, o palabas na maaaring panoorin.

    Paliwanag ni Goodman, "With a baby and a 3-year-old toddler, I could go to story time at the library. I think if I had a 5-year-old child, though, they would have been bored. With a baby and a 3-year-old, I can go to the little kid's playground."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami pang ibang pag-aaral o paniniwala ng iba tungkol sa mga dapat na isipin at bigyan prayoridad kung dapat na bang magkaroon ng karagdagang miyembro ang inyong pamilya. Pero sa huli gabay lamang ang ito at ikaw at iyong partner pa rin ang mas makakaramdam at makakapagsabi kung handa na ba kayo na magka-anak muli.

    Magbasa ng tips kung paano ihahanda ang anak kung magkakaroon na ng bagong baby dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles