Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Tingnan ang Iyong SSS Maternity Benefits sa Ilalim ng Expanded Maternity Leave Law!
PHOTO BY Pixabay
  • Totoong magastos ang pagbubuntis at panganganak. Kaya dapat na pinag-iipunan ito nang mabuti. Kaya nga malaki ang naitutulong at kapakinabangan sa mga mommy ng pagiging miyembro ng Social Security System o SSS dahil sa benepisyo na makukuha mo pagdating sa maternity.

    Ang pagkakaroon ng tulong pinansyal mula sa SSS ay malaking bagay para gumaan ang alalahanin sa gastusin sa panganganak. Mahalaga na malaman ng mga first-time mommy ang ganitong suporta at karapatan na inilalaan sa kanila ng batas.

    Pero ano-ano nga ba ang kalakip na benepisyo ng SSS maternity leave?

    Maternity leave ayon sa Expanded Maternity Leave Act

    Bago naisabatas ang 105-Day Expanded Maternity Leave (EML) Act o Republic Act No. 11210, nakadepende ang maternity leave sa paraan ng panganaganak — 60 days para sa vaginal delivery at miscarriage at 78 days naman para sa caesarean delivery. Hanggang apat na pagbubuntis lang din pwede magamit eto.

    Salamat sa EML na nilagdaan noong Pebrero 20, 2019 at epektibong ipinatupad noong Marso 11, 2019, sakop sa maternity benefit ang kahit sinong ina na nagtatrabaho, anuman ang kanyang civil status, sa bawat panganganak nito at saka maging anuman ang paraan ng panganganak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Noong Mayo 1, 2019 inilabas ang Implementing Rules and Regualtion (IRR) ng nasabing batas. Gayunpaman, retroactive ito na ibig sabihin lahat ng nanganak simula ng Marso 11 ay maaaring gamitin at matanggap ang halagang nakapaloob sa maternity benefit.

    Maaari ding mailipat ang pitong araw sa ama ng bata (kasal man o hindi sa nanay) o sa sinuman tatayong tagapag-alaga o caregiver ng baby na hanggang 4th degree ang relasyong pampamilya, kinakasama ng ina, kahit ano pa ang kasarian. Kapag nagdesisyon ang ina na ibigay ang pitong araw, 98 na lamang ang matitira sa kaniyang maternity leave at iyon lamang din ang babayaran sa kaniya ng SSS.

    Kailangan namang abisuhan ng babaeng miyembro ng SSS ang kaniyang employer kapag nais niyang ibigay ang pitong araw ng kaniyang matenity leave. Samantala, maaaring gamitin ang ibinigay na pitong araw na maternity leave ng tatay o tagapag-alaga nang magkakasunod na araw o putol-putol basta hindi pa natatapos ang maternity leave period ng ina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kapag ibinigay naman sa tatay ang pitong araw na maternity leave, dadagdag pa ito sa pitong araw na paternity leave sa nakasaad sa Republic Act No. 8187 ng 1996. Ngunit, ipinagkakaloob lamang itong Paternal Leave Act na ito kapag kasal ang tatay sa bagong mommy at magkasama sila sa iisang bahay. Hindi ina ito ina-apply pa sa SSS kundi sa kaniyang employer lamang bilang bahagi ng kaniyang karaniwang work leave.

    Para sa mga solo parents naman saklaw ng Solo Parents’ Welfare Act ng 2000 o Republic Act No. 8972, may dagdag pang 15 days bukod sa 105 days na maternity leave.

    Sa EML, may opsyon ang mga bagong mommies na i-extend pa ng 30 araw ang kanilang maternity leave pero wala na itong bayad o lakip na suweldo. Kapag ninais na i-extend ang maternity leave, kailangan na abisuhan ang employer 45 araw bago matapos ang 105 days na leave.

    Maaari din namang gamitin ng bagong mommy ang kaniyang sick leave at vacation leave para tumanggap ng suweldo sa kaniyang idinagdag na 30 araw pa na maternity leave. Pero sa mga makakaranas na makunan (miscarriage), binibigyan ng 60 araw na may bayad ang kanilang maternity leave. Maaari ding i-apply ang maternity leave bago ang inaasahang petsa ng panganganak basta hindi sosobra sa itinakdang bilang ng leave.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung sakali man na magkaroon ng dalawang miscarriage o magkasunod na nakunan ang ina, makatatanggap pa rin siya ng maternity benefit para sa parehong pangyayari pero ang halaga na matatanggap na maternity benefit claim ay mababawasan na batay sa nakuha nang halaga sa una.

    More from Smart Parenting

    Daily Maternity Allowance

    Ibinibigay ito sa isang SSS member na hindi makapagtrabaho dahil sa panganganak o kaya naman kung nakunan sa pagbubuntis. Para makuha ang computation nito, i-add ang anim na pinakamataas na buwanang sahod para makuha ang kabuuang monthly salary credit.

    Pagkatapos, i-divide ang kabuang monthly salary credit sa 180 days para makuha ang average ng daily salary credit. Kapag nakuha mo ito, ito ang magiging katumbas ng daily maternity allowance mo. Pagkatapos, i-multiply mo ito sa bilang ng maternity leave mo para makuha ang kabuuang halaga ng maternity benefit mo.

    Sa kabilang banda, may mandato sa mga employer na i-advance ang kabuuang halaga ng maternity benefit sa loob ng 30 araw simula nang mai-file ang maternity leave. Magre-reimburse naman ang SSS ng nasabing halaga batay sa naging computation mula sa average ng daily credit kaya isa sa mga requirements ang pagpapasa ng employee ng SSS Maternity Reimbursement form at ang mga kinakailangang dokumentong lakip nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paalala lamang na binibilang ang kontribusyon gamit ang semester at quarter. Binubuo ang semester ng anim na magkakasunod na buwan sa isang taon. Ito ay mula Enero hanggang Hunyo at mula Hulyo hanggang Disyembre. Samantala ang quarter naman ay binubuo ng tatlong magkakasunod na buwan sa isang taon. Ito ay Enero hanggang Marso, Abril hanggang Hunyo, Hulyo hanggang Setyembre, at Oktubre hanggang Disyembre.

    Maaari lamang makakuha ng benepisyong ito ang miyembro na nakapagbayad ng kaniyang kontribusyon nang tatlong (3) magkakasunod na buwan sa loob ng isang taon bago siya manganak o kaya nang makunan.

    More from Smart Parenting

    Ipaalam ang pagbubuntis sa kompanya o sa anumang tanggapan ng SSS

    Ang member ng SSS na kukuha ng benepisyong ito ay kailangang magpaalam sa kompanyang pinagtatrabahuan. Kung nagbabayad ng voluntary o self-employed naman, ipaalam sa malapit na opisina ng SSS. Hangga’t maaari ipaalam ito sa ika-60 araw ng pagbubuntis sa pamamagitan ng Maternity Notification Form o SSS Form Mat-1. Maaari itong ma-download sa website ng SSS.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I-fill out ang form at lakipan ito ng patunay ng iyong pagbubuntis gaya ng ultrasound report at photocopy ng UMID o SSS ID card o kaya naman dalawang valid IDs. Ipasa ang form na ito at mga kahingiiang patunay sa kompanya na siya namang magbibigay ng abiso sa SSS.

    Kapag voluntary o self-employed member, direkta na ipasa ang form at iba pang requirements sa SSS.

    Kailangan ding kompletuhin ang Maternity Benefit Reimbursement Application Form para sa maternity reimbursement at lakipan ito ng mga hinihinging katibayan gaya ng certified true copy o authenticated birth certificate ng iyong baby; medical abstract o operating room record duly certified ng ospital para sa caesarean delivery; at D & C (dilation and curettage) para sa miscarriage.

    Sa mga empleyadong miyembro ang HR ng kompanya ang mag-aabot ng salary credit samantalang SSS naman ang magbibigay ng allowance sa mga boluntaryong nagbabadayad o self-employed.

    Bagaman maaaaring makuha ang maternity benefit sa SSS hanggang 10 taon simula nang manganak basta kompleto ang lahat ng requirements, sikapin pa rin na mai-file ito nang mas maaga. Tiyakin na maagang naasikaso ang pagpa-file ng maternity notification upang hindi magkaaberya sa pagkuha ng benepisyo ng maternity sa SSS. Sikapin ding na kompleto ang mga lakip na kahingian o mga papeles bago i-file ang mga ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Higit sa lahat, kailangan na natitiyak na aktibong miyembro at maayos ang kontribusyon sa SSS. Paalala rin na hanggang pang-4 na anak lamang ang maaaring makinabang sa benepisyong ibinibigay na ito ng SSS.  At kapag nakabalik sa trabaho, abisuhan din ang inyong kompanya sa pamamagitan ng HR na kayo ay magre-report nang muli.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa 

    All Moms Who Gave Birth From March 11 Onwards Will Receive 105-Day Paid Maternity Leave

    How to Apply for SSS Maternity Benefit Whether You're Employed or Not

    Get to Know Your SSS Maternity Benefit Under the Expanded Maternity Leave Law

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles