Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Paano Mag-Apply ng SSS Maternity Benefit Kung Ikaw ay Empleyado o Self-Employed

    Maari mo pa ring makuha ang benepisyong ito sa SSS kahit hindi ka nagtatrabaho
    by Lei Dimarucut-Sison .
Paano Mag-Apply ng SSS Maternity Benefit Kung Ikaw ay Empleyado o Self-Employed
PHOTO BY Pixabay
  • Malaki ang pag-asang dala sa mga kababaihan ng Expanded Maternity Leave Act, na naglalayong bigyan ng 120 araw na paid leave ang mga bagong panganak na nanay (Ang Expanded Maternity Leave Act, na naging ganap na batas noong Marso 11, 2019, ay nagbibigay ng 105 na araw ng paid leave sa mga babaeng bagong panganak). Pero bukod dito, malaking tulong din ang dala ng Social Security System (SSS) Maternity Benefit.

    Sino ang maaring makinabang sa SSS Maternity Benefits?

    “SSS maternity benefit is for all members of SSS regardless of employment status,” (Ang SSS maternity benefit ay para sa lahat ng miyembro ng SSS, anuman ang kanilang employment status) ang sabi ni Sharlene M. Picache, dating HR specialist. Ayon sa SSS website, ang mga empleyadong babae (may-asawa o wala) na nanganak, o nagkaroon ng ectopic pregnancy, or nakunan, ay maaring makinabang sa SSS maternity benefit. Kailangan lamang ay matupad niya ang mga sumusunod:

    - Nakabayad ang babaeng empleyado ng hindi bababa sa tatlong buwang kontribusyon sa loob ng 12 na buwan bago ang semester na siya ay nanganak o nakunan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Halimbawa, kung ang due date niyo ay Disyembre ngayong taon, makikinabang ka sa benepisyo kung nakabayad kayo ng kontribusyon ng kahit tatlong buwan lamang mula Hulyo 2018 hanggang Hunyo 2019. Magbilang ng anim na buwan (isang semester) bago ang iyong due date, at i-check ang inyong kontribusyon mula sa buwan na iyon hanggang 12 buwan pabalik. 

    - Nagbigay-alam ang babaeng empleyado sa kanyang employer o sa SSS (para sa mga self-employed, boluntaryo, o mga miyembrong hindi na nagtatrabaho) na siya ay nagdadalantao at nagbigay ng patunay nito. Sa ibaba, nakalista ang mga patunay ng pagbubuntis na hinihingi kasama ng paraan ng pag-apply para dito.

    More from Smart Parenting

    Paano mag-apply ng SSS Maternity Benefits

    Kailangan mo munang ipagbigay-alam sa iyong employer at sa SSS ang tungkol sa iyong pagbubuntis sa pamamagitan nito:

    1. Fill-up-an ang SSS Maternity Notification (i-download ang form dito).

    2. Ipasa ang Maternity Notification form kasama ang patunay ng inyong pagdadalantao. Ito ay maaring alinman o lahat ng mga sumusunod: Ang inyong pregnancy test stick, ultrasound report, o medical certificate galing sa inyong doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Ihanda ang mga photocopy ng inyong Unified Multi-Purpose ID card (UMID) o SSS biometrics ID card at dalawang valid IDs na may pirma, at kahit isa na may litrato ninyo at araw ng kapanganakan. Kung wala pa kayong UMID o SSS ID, kailangan ninyong kumuha nito. 

    Kung ikaw ay empleyado, ang inyong kumpanya ang magfa-file ng inyong mga dokumento sa SSS. Ipasa lamang ang inyong mga dokumento sa Human Resources (HR) sa pinakamadaling panahon dahil kailangan itong mai-file 60 araw mula sa petsa ng pagbubuntis. Maaring hindi ma-approve ang inyong application kung lumagpas ang petsa ng inyong pagbibigay-alam dito.

    More from Smart Parenting

    Nasabihan ko na ang SSS. Ano ang kasunod?

    Siguraduhing mayroon kang kopya ng SSS Maternity Notification Form na inyong ini-file, na may tatak na katibayang natanggap na ito ng SSS. Ito ay isa sa mga hihingin sa pag-apply mo ng reimbursement ng inyong SSS Maternity Benefit. Heto ang kailangan mo kapag ikaw ay nakapanganak na:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    1. Ang iyong SSS Maternity Notification Form na tinatakan ng “Received” ng SSS.

    2. SSS Maternity Benefit Reimbursement Form na iyong na-fill-up-an (i-download ito dito).

    3. Photocopy ng iyong UMID o SSS biometrics ID card at dalawang valid IDs na mayroon pirma, at kahit isa na may litrato at araw ng kapanganakan

    4. Katunayan ng panganganak o proof of live birth (birth certificate). Para sa mga nanganak nang “normal”,  Kumuha ng certified true copy ng rehistradong birth certificate mula sa local civil registrar (gamitin iyong may tatak na “Certified True Copy”) o galing sa NSO, na maaring abutin ng dalawa hanggang apat na buwan bago makuha. (Basahin dito kung paano nakakuha ang isang nanay ng birth certificate ng kanyang anak mula sa NSO kahit wala pang isang buwan). Hindi mo maaring gamiting katunayan ang birth certificate na galing sa ospital kung saan ka nanganak.

    Para sa mga na-CS, nangangailangan ang SSS ng katunayan ng C-section bukod pa sa certified true copy ng birth certificate. Maaring ito ay certified true cop ng operating room record, surgical memorandum, discharge summary report, medical clinical abstract, delivery report, o isang detailed invoice ng C-secion delivery charges para sa mga nanganak sa ibang bansa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Paano kung nakunan ako o nagkaroon ng ectopic pregnancy?

    Maari ka pa ring makakuha ng benefits. Kailangan mong magpasa ng obstetrical history na nagpapakita ng kung naka-ilan ka nang pagbubuntis, na pirmado ng iyong doktor, at katibayan ng pagkalaglag ng iyong pagbubuntis. Maari itong alinman o lahat ng ito: Pregnancy test stick bago at pagkatapos ng pagkalaglag, ultrasound na katibayan ng pagbubuntis, medical certificate tungkol sa iyong pagbubuntis, dilation & curettage (D&C) report, o certified true copy ng iyong hospital at medical record. Kung nagkaroon naman ng stillbirth, kailangang magpasa ng registered death o fetal death certificate.

    Magkano ang maaring makuha mula sa iyong SSS maternity benefit?

    Ganito kuwentahin ang SSS maternity benefit: 100 percent ng average daily salary ng miyembro x 60 araw para sa normal delivery, o 78 araw para sa C-section o kapag nakunan.

    Sa 12 na buwang nabanggit sa itaas, idagdag ang anim na pinakamataas mong kontribusyon para makuha ang iyong total monthly salary credit. I-divide ang inyong total monthly salary credit ng 180 na araw para makuha ang iyong average salary credit o inyong daily maternity allowance. I-multiply ito sa 60 o 78 na araw para makuha ang kabuuang halaga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa ilalim ng batas, obligado ang kumpanya na i-advance ang maternity benefit ng empleyado sa loob ng 30 araw pagkatapos mai-file ang maternity leave application. Ire-reimburse naman ng SSS ang halagang ito sa kumpanya.

    More from Smart Parenting

    Pareho ba ang proseso kapag ikaw ay self-employed SSS member?

    Ipapasa ng mga self-employed member, voluntary member, at mga miyembrong hiwalay na sa kanilang employer ang Maternity Notification form sa pinakamalapit na SSS branch. Maari rin nilang ipaalam sa SSS ang kanilang pagbubuntis sa pamamagitan ng SSS website, sa SSS Self-service Information Terminal (SSIT), o sa SSS Mobile App

    Pagkapanganak, i-fill-up ang Maternity Benefit Application Form (i-download dito) at i-attach ang inyong SSS Maternity Notification Form na may tatak galing sa SSS. (kung online mo ipinasa ang iyong pregnancy notification, sapat na ang “Maternity Notification Submission Confirmation”) Huwag kalimutan ang certified true copy ng registered birth at photocopy ng UMID o SSS biometrics ID card, kasama ang dalawang valid IDs na may pirma, at isang ID na may litrato at araw ng iyong kapanganakan. Kailangan mo ring isama ang proof of birth (gaya ng nasabi sa itaas).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga miyembrong nahiwalay na sa kanilang employer ay kailangang magbigay ng certificate of employment na nagpapakita ng petsa ng pag-alis at isang certificate na walang naibigay na advanced payment galing sa huling employer. Sa ilalim ng batas, hindi mo na maaring makuha ang iyong maternity benefit kapag nakuha mo na ang iyong sickness benefit.

    Maari pa bang makuha ang benefit ang isang stay-at-home mom o kung siya ay hindi nagtatrabaho?

    Ayon kay HR specialist Loida M. Pondevida, maari ito basta mayroon kang kahit 3 buwan lang na kontribusyon bago ang semester ng iyong due date. Payo niya, alamin ang status ng inyong membership sa pamamagitan ng paghingi ng Static Information Sheet mula sa SSS. Tandaan na sa ilalim ng batas,  maari mo lamang makuha ang SSS Maternity Benefit para sa iyong unang apat na pagbubuntis o pagkalaglag.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa How to Apply for SSS Maternity Benefit Whether You're Employed or Not

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles