embed embed2
  • Madalas nangyayari almoranas sa buntis sa third trimester, simula sa Week 28.
    PHOTO BY Shutterstock/George Rudy

    Isa ang almoranas sa mga pangkaraniwang sintomas ng pagbubuntis. Katunayan, tinatayang mula 25% hanggang 85% sa mga buntis ang nagkakaroon ng tinatawag sa medical term na hemorrhoids, ayon sa isang clinical publication.

    Sang-ayon ang mommies sa SmartParenting.com.ph Parent Chat. Sabi ng isa sa kanila, “I got scared kasi halos five times nangyari sa ’kin na may blood kasama sa poo poo ko…Ngayon lang ’to when I got pregnant.”

    Saad naman ng isa pa, “Before meron na ’ko nito, pero naging worse siya no’ng nagbuntis ako…When, I gave birth, lalo pa naging worse kasi every poop ko, masakit na, nagbi-bleed pa. Then pag super sakit, nagkakalagnat ako.”

    Bakit karaniwan ang almoranas sa pagbubuntis

    Bagamat kadalasang sumusulpot ang almoranas o hemorrhoids sa kalagitnaan ng second trimester at third trimester, ayon sa What to Expect, puwede itong magsimula nang mas maaga. Nangyayari ang almoranas kapag namaga ang mga ugat sa puwitan o rectum bilang varicose veins.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dulot naman ang varicose veins ng dumadaming blood supply para sa buntis at sa kanyang baby. Idagdag pa ang weight gain, pressure sa pelvic blood vessels, at extra progesterone hormone na nakaka-relax ng blood vessels.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Isa pang dahilan kaya nagkakaroon ng almoranas ay ang pressure mula sa lumalapad na uterus para magkasya ang lumalaking sanggol sa sinapupunan. Tinutulak nito ang mga ugat sa rectal wall upang mamaga, umumbok, at mangati.

    Gumagrabe ang kondisyon kapag hirap pati dumumi o constipated ang buntis. Habang umiire ka kasi nang todo, lalong napi-pressure ang mga ugat sa rectal area at namamaga pa nang husto.

    Ang matinding pag-ire rin habang nanganganak ang dahilan naman kung bakit ang buntis na wala namang almoranas ay nagkakaroon pagkalabas ni baby. 

    Mga paraan para maibsan ang almoranas sa buntis 

    Nagkakasundo ang mga ekperto kung paano tugunan ang problema sa almoranas. Mayroon silang mga suhesyon na maaari mong subukan.

    Right diet

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan na malaki ang parte ng constipation sa hemorrhoids. Kaya mainam na ugaliin ang pagkain ng high fiber food at dalasan ang pag-inom ng tubig.

    Para sa mommies sa Parent Chat, may mga subok na silang mga pagkain at inumin upang mapadali ang kanilang pagdumi:

    • Oats
    • Prune juice
    • Cereal milk
    • Bran cereals
    • Papaya
    • Pineapple
    • Pomelo
    • Green leafy vegetables

    Over-the-counter remedy

    Payo ni Dr. Yvonne Butler Tobah ng Mayo Clinic na komunsulta sa doktor para sa hemorrhoid cream, rectal suppository, at stool softener na ligtas gamitin ng buntis. Makakatulong ang mga ito para gumaang ang iyong pakiramdam at hindi ka mahirapang dumumi.

    Sitz bath

    Sabi naman ni Dr. Massarat Zutshi ng Cleveland Clinic, ang sitz bath ang “one of the best treatments” para sa hemorrhoids. Magagawa ito gamit ang sitz bath tub na sinusuot sa toilet bowl. Lalagyan ito ng warm water at saka uupuan sa loob ng 15 minutes ilang beses kada araw, lalo na raw pagkatapos dumumi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mabibili ang sitz bath tub sa medical supplies store at online shops. Pero may matipid na version ang isang mommy sa Parent Chat: arinola. 

    Aniya, binili niya ang pinakamalaking arinola na nakita niya. Tuwing gabi raw pagkatapos maligo, nilalagyan niya ng mainit na tubig ang arinola. Uupo siya doon mula 15 hanggang 30 minutes. Sabi pa niya, “The steam helped the ache away…Hay, sarap ng feeling!”

    Relief kung may almoranas at buntis

    Makakatulong rin na gumaang ang pakiramdam dulot ng almoranas sa buntis, kung susubukan mong:

    • Umiwas sa pag-upo nang matagal
    • Gumamit ng hemorrhoid pillow na hugis donut kung nahihirapang umupo
    • Matulog nang nakatagilid, sa kaliwang bahagi
    • Gawin nang regular ang Kegel exercises
    • Huwag puwersahin ang pag-ire
    • Gumamit ng maligamgam na tubig at puting two-ply toilet paper bilang panglinis pagkatapos dumumi
    • Magpunas nang banayad lang para hindi mairita ang puwitan
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles