embed embed2
Tinanong Sa Doktor: Safe Bang Uminom Ng Yakult Ang Buntis?
PHOTO BY Shutterstock/MilletStudio
  • Kapag buntis, nagiging maingat tayo sa mga kinakain natin o iniinom. May ilan ding ipinagbabawal o dapat iwasang mga inumin at pagkaing nagtataglay ng microorganisms na gaya ng salmonella. na makukuha sa mga hilaw o hindi lutong pagkain (makapagdudulot ito ng komplikasyon sa pagbubuntis).

    Isa sa madalas na itanong din sa amin ang probiotics at ang paborito nilang Yakult. Bawal ba ang Yakult sa buntis?

    Ano ba ang probiotics?

    Ang mga pagkain o inuming may probiotics ay nagtataglay ng microorganisms tulad ng lactobacillus at bifidobacterium ngunit ligtas naman ito para sa mga buntis sapagkat ang bacteria na ito ay gaya rin ng karaniwang matatagpuan sa bituka ng tao. Nakapagdudulot din daw ng malusog na pagbubuntis ang probiotics ayon sa ilang pag-aaral.

    Ang probiotics ay kombinasyon ng good live bacteria at/o yeast na karaniwang natatagpuan sa ating katawan. Nabubuhay ang mga bacteria na makikita sa probiotics sa ating bituka, bibig, vagina, urinary tract, balat, at baga.

    Ano ang nagagawa ng probiotics sa ating katawan?

    Kapag naririnig natin ang bacteria, una nating naiisip negative ang kahulugan, makasasama sa ating katawan. Ngunit may dalawang uri ng bakteriya — ang good at bad bacteria.

    Taglay ng probiotics ang good bacteria kaya nakatutulong ito nang mabuti sa kalusugan at malakas na pangangatawan.

    Kapag nagkakasakit tayo, pumapasok sa ating katawan ang bad bacteria at dumarami ito. Ito ang nagpapahina sa ating resistensiya at pangangatawan. Sa tulong ng good bacteria, nalalabanan nito na maalis ang pagpadami ng bad bacteria sa ating katawan at maibalik ang balanse nito at makadama tayo ng ginhawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag sinabing mong probiotics sa Pilipinas, Yakult ang una nating naiisip. Nagtataglay ito ng isang uri ng bakteriya, ang Lactobacillus casei strain Shirota. Nakatutulong diumano ang pag-inom nito para sa food digestion.

    Bawal ba ang Yakult sa buntis? Sagot ng doktor 

    Sa pagbubuntis, isa sa nagiging problema ang constipation. Noong buntis ako, isa sa kasama sa routine ng checkup ko sa aking OB ang pagtatanong niya na kung kumusta ang aking pagdumi.

    Sa totoo lang, wala akong problema sa mga naunang trimester, pero sa third trimester, doon na ako nahihirapan sa araw-araw na pagdumi. Kaya bukod sa pag-inom ng maraming tubig, naitanong ko rin sa OB ko kung “bawal ba ang Yakult sa buntis?”

    Sabi niya safe at healthy ang pagkonsumo ng buntis sa mga inumin at pagkaing may probiotic. Kaya pinayagan naman niya ako pero may limitasyon lang na isang beses sa isang araw. At talaga namang malaki ang naitulong nito na maging maayos ang aking pagdumi.

    Ayon sa mga eksperto, ang mga inumin o pagkaing na probiotics ay ligtas para sa mga buntis dahil may benepisyong nakukuha mula rito.

    • Nakatutulong ito na maging maayos ang pagdumi at maaaring maiwasan ang constipation.
    • Nababawasan nito ang nararanasan na heartburn, acidity, o ang pakiramdam ng pagiging bloated.
    • May connection din daw it na mabawasan ang risk ng preeclampsia.
    • Nakatutulong din daw ito na makaiwas sa  pagkakaroon ng gestational diabetes.
    • Nababawasan daw din nito ang mga vaginal infection.
    • Napapababa ang chance ng pagkakaroon ng allergy.
    • Napapabuti nito ang ating immunity system para labanan ang anumang sakit at infection.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Anong pagkain at inumin ang may probiotics?

    Ayon sa ilang pag-aaral, mababa ang bacteria na nagmumula sa probiotics kaya hindi ito mapanganib para sa buntis. Bagaman limitado ang mga naisasagawang pag-aaral, wala ring naitala na insidente na nakasasama ito sa fetus.

    Ang katawan natin ay may good at bad bacteria ngunit kung minsan dumarami ang bad bacteria. Maaari lamang itong mabalanse kung maaalis ang labis na bad bacteria sa pamamagitan ng pagpapataas ng good bacteria.

    Dahil taglay ng probiotics ang good bacteria nagiging panlaban ito ng katawan sa bad bacteria na mapababa ang chance na magkaroon ng infectio o anumang health problem.

    Bukod sa Yakult, nagtataglay rin ng probiotics ang:

    • yogurt
    • buttermilk
    • kimchi
    • miso
    • pickles
    • cottage cheese

    Subalit dapat na tiyakin na relaible ang source o produkto na nagtatalagay ng probiotics.  Mahalagang masigurong balanse at masustansiya ang iyong kinakain at may tamang pagkonsumo ng mga pagkain at inumin kapag buntis.

    Kahit na sinasabi na hindi bawal ang Yakult sa bunti, kailangang kumonsulta rin muna sa inyong doktor para malaman ang karagdagang mga pagkain o inumin na mayaman sa probiotics sa iyong diet, . Tandaan na ang bawat pagbubuntis ay magkakaiba. Makabubuting nakatitiyak ka kung safe sa iyo ito nang makaiwas sa anumang komplikasyon.

    Sources: National Center for Biotechnology Information, Yakult, American Pregnancy Association

    What other parents are reading
      

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles