;
embed embed2
  • Kimchi, Spicy Wings, Bicol Express: Bawal Ba Sa Buntis Ang Maanghang Na Pagkain?

    Kapag buntis, talagang nagkakaroon ng mga pagbabago sa iyong panlasa.
    by Anna G. Miranda .
Kimchi, Spicy Wings, Bicol Express: Bawal Ba Sa Buntis Ang Maanghang Na Pagkain?
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.

    Para sa karamihan, mahiwaga at para bang rollercoaster ride ang pagdadalantao. Isa sa mga masasabing pagsubok dito ang tinatawag na paglilihi, o kakaibang food cravings.

    Exciting nga raw ang bahaging ito dahil ang mga hindi nila kinakain noon ay bigla na lamang nilang hinahanap-hanap palagi kahit abutin pa ng hatinggabi ang asawa nila sa paghahanap! Ang tanong lang: bawal ba sa buntis ang maanghang na pagkain?

    Hindi lamang food cravings ang nagiging kapansin-pansin sa panahong ito kundi pati na rin ang food aversion. (Basahin dito ang palitan ng kuwento ng mommies sa Parent Chat online community ng SmartParenting.com.ph.)

    Bakit nga ba nagkakaroon ng pregnancy cravings? May paliwanag si Andrei Rebarber, MD, associate director ng Division of Maternal-Fetal Medicine sa NYU Medical Center, New York. Aniya, "No one really knows why pregnancy cravings occur, though there are theories that it represents some nutrient that the mother may be lacking -- and the crave is the body's way of asking for what it needs."

    Ayon naman sa mga pag-aaral, ang high hormone levels ang nakapagpapabago sa panlasa (sense of taste) at pang-amoy (sense of smell) ng buntis. Para sa karamihan ng mga babae, ang kanilang pinaglilihian ay maikakategorya sa apat: matamis, maanghang, maalat, at maasim.

    Dagdag pang paliwanag ni Dr. Rebarber, "My biggest concern is when food cravings replace good nutrition -- in other words, a woman will fill up on the foods she craves and skip the nutritious foods her body and her baby really need."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kabilang sa listahan ng best foods o pinakamasustansyang mga pagkain para sa buntis, ayon sa BabyCenter, ang itlog, kamote, salmon, beans, at whole grains. 

    Bawal ba sa buntis ang maanghang na pagkain?

    May kanya-kanyang kuwento ang mga nanay tungkol sa karanasan nila noong sila’y naglilihi. May ibang naghanap ng pakwang nilunod sa gatas, itlog na maalat, maasim na maasim na mangga, at chocolate cake! Mayroon ding naglihi sa kimchi at hot na hot na Bicol express!

    Ngunit alam ba ninyong may mga pamahiin sa buntis pala tungkol sa pagkain ng maanghang kapag nagdadalantao? Pinaniniwalaan ng iba na kapag maanghang na pagkain ang gusto ng buntis, lalaki ang magiging kasarian ni baby. Nariyan din ang mga kuwentong may epekto raw ang kinakain sa magiging hitsura at physical attributes ng bata. 

    Para naman sa ilan, posibleng natural instinct lamang ito para mag-"cool down" dahil pinagpapawisan ka nga naman sa anghang ng spicy wings at kimchi, na nagdudulot din ng pagbaba ng iyong body temperature.

    Isa pa sa mga paniniwala tungkol sa pagkain ng maanghang ang kakayahan nito para makatulong sa panganganak ng buntis. Ayon sa isang pag-aaral  na kinabibilangan ng 201 babaeng respondents noong 2011, kalahati ang nagsabing sumubok sila ng non-prescribed self-inducing labor. Dalawampung porsiyento sa kanila ang nagsabing kumain sila ng maanghang na pagkain para mag-induce ng labor

    Sa huli, tandaang wala pa itong scientific basis. Kahit mag-mukbang ka ng maanghang na pagkain, kung hindi pa lalabas si baby, hindi ka pa rin talaga manganganak. (Basahin dito ang signs of labor.) Nagtanong kami sa mga mommy kung totoo bang bawal sa buntis ang maanghang na pagkain. Narito ang ilan sa kanilang mga sagot:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Nope. I craved spicy food nung preggers ako. Depende din siguro sa tolerance ni buntis kasi may ibang buntis na nagkaka-heartburn pag kumain ng spicy.” - Dang 

    “No. Marami din akong spicy food na kinain noon. Blame it on Korean food!” - Andrea 

    “Puwede pa rin yata in moderation kasi nagko-cause ng contraction ang spicy food. Kaya ang iba kumakain ng maanghang to induce labor lalo kung kabuwanan na.” - Monette

    May sagot naman ang mga eksperto kung ano ba talaga ang tamang sagot. Anila, walang masamang epekto ang maanghang na pagkain sa sanggol sa iyong sinapupunan.

    Para sa iyong buntis, maaari raw mayroong side effects ang pagkain ng spicy foods. Kabilang diyan ang heartburn, indigestion, at gastrointestinal (GI) distress. Tandaang habang lumalaki ang uterus, itinutulak nito ang stomach acids pataas sa iyong esophagus.

    Pero sa huli, sabi pa ng mga eksperto, hindi bawal sa buntis ang maanghang na pagkain. Puwedeng-puwede mong lagyan ng hot sauce ang paborito mong pizza! Maihahanda mo pa rin ang spicy wings at kimchi sa susunod mong birthday. Paalala lang nila na maging maingat at iwasan na mapararami ang kain.

    Makatutulong din kung tatandaan ang sumusunod na mga dapat gawin ng buntis:

    • Uminom ng maraming tubig.
    • Pumili ng magandang klase ng mga ingredients o sangkap.
    • Siguraduhing malinis ang paghahanda ng pagkain upang makaiwas sa kontaminasyon at iba pang bacteria.
    • Hinay-hinay lang muna. Kung hindi ka sanay sa pagkain ng maanghang, iwasang kumain ng spicy na mga pagkain nang madalas. Dahan-dahan lang din sa pagkain.
    • Hugasan nang mabuti ang kamay bago at pagkatapos maghanda ng pagkain. Lalo na kung hahawak ng mga sili, maghugas ng kamay nang mabuti.
    • Sa unang trimester, iwasan muna ang spicy foods kung ikaw ay may morning sickness dahil mas napalalala ito ng maanghang na pagkain.
    • Sa ikalawa at ikatlong trimesters, posibleng makaranas ka ng pagkahilo, pagtatae, gas, bloating, at mga sintomas ng GERD. 
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Payo din ng mga eksperto na mas lalong pahalagahan ang pagpili ng masustansyang pagkain. Para sa iyong pang-araw-araw na diet, kumain ng mga gulay, prutas, whole grains, at mga pagkaing mataas sa protein ang ilan sa mga dapat kainin ng buntis.

    Makatutulong din ang pag-iwas sa dairy products at pagpili ng fat-free na mga produkto. Mahalagang tandaang hindi na lamang ikaw ang kumakain kundi pati na rin ang sanggol sa iyong sinapupunan. Kaya mainam, halimbawa, na alam mo kung bawal ba sa buntis ang maanghang na pagkain.

    Basahin dito para sa mga bawal kainin ng buntis.

    What other parents are reading

     

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles