Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Bawal Nga Bang Kumain ng Talong ang Buntis?
PHOTO BY iStock
  •  

    Hindi maikakaila na mayaman ang ating bansa sa mga pamahiin. Nagsimula ang pag-usbong ng mga ito dahil sa kawalan ng paraan ng ating mga ninuno na ipaliwanag ang mga bagay-bagay na nararanasan nila noon.

    Maraming pamahiing iniuugnay sa pagbubuntis, lalong-lalo na tungkol sa mga dapat at hindi mo dapat kainin. Sa Smart Parenting Village, maraming nanay ang nagtatanong kung totoo nga ba ang mga ito. Alin nga ba ang may basehan at alin ang talagang pamahiin lang?

    Bawal kumain ng talong ang buntis

    Sabi nila, kapag kumain ka raw ng talong habang buntis ka, mangingitim daw ang balat ng iyong anak kapag umiiyak siya. Mangungulubot din daw ang balat tulad ng sa loob ng talong at magkakaroon din daw ng balat (birthmark). Sa aming pagsasaliksik, napag-alaman naming walang scientific basis ang pamahiing ito. Hindi makakaapekto sa balat ng iyong anak kung kakain ka man ng talong. 

    Gayunpaman, may ilang nagsabi na bawal ang talong dahil may nicotine content ito. Ayon sa The Daily Meal, kailangan mong kumain ng 20 pounds na talong o nine kilos ng talong bago mo maranasan ang nicotine effect na katumbas ng sa isang sigarilyo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kapag kumain ka ng mapuputing pagkain, puputi rin ang anak mo

    Kung hindi iitim ang anak mo sa talong, hindi rin siya puputi dahil sa puto, labanos, o kung ano pa mang maputing pagkain. Walang kinalaman ang kulay ng kinakain mo sa kulay ng magiging anak mo.

    Mabubulag ang anak mo kapag kumain ka ng maanghang

    Masusunog daw ang mata ng anak mo na siyang magiging dahilan ng pagkabulag niya kung madalas kang kakain ng mga pagkaing maanghang. Ayon sa mga eksperto, hindi ito totoo. Mas dapat maging concerned ka sa pagkakaroon ng heartburn kung palagi kang kakain ng maanghang habang ikaw ay buntis. Hindi rin totoong magiging mainitin ang ulo ng anak mo kapag kumain ka ng mga maanghang.

    More from Smart Parenting

    Magiging kambal ang anak mo kapag kumain ka ng kambal na saging

    Isa ito sa pinakamatandang pamahiin sa listahang ito at siguradong alam mo na na hindi ito totoo. Ang pagkakaroon ng kambal na anak ay dahil sa genetics. Kung nasa lahi ninyo ang kambal, malaki ang chance na magkaroon ka ng kambal na anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Magiging masiyahin ang anak mo kapag kumain ka ng maraming chocolates

    Mas malaki ang chance na magkaroon ka ng gestational diabetes kaysa masiyahing anak kapag kumain ka ng maraming tsokolate habang ikaw ay buntis. Bagaman maraming nag-iisip na nakakapagpasaya ang tsokolate dahil sa taglay nitong mga tinatawag na “pleasure-inducing compounds,” ayon sa mga eksperto, maliit na porsyento lamang ito at ang talagang nakakapagpasaya sa tao ay ang experience ng pagkain ng tsokolate.

    More from Smart Parenting

    Sisipunin ang anak mo kapag uminom ka ng malamig na tubig habang buntis

    Hindi magkakaroon ng sipon ang iyong anak habang nasa loob siya ng sinapupunan. Ang amniotic fluid ay tumutulong upang maging stable ang temperatura sa paligid ng iyong anak kaya’t hindi siya nakakaramdam ng init o lamig.

    Mainit ang katawan ng mga buntis dahil sumasailalim ang katawan nila sa maraming metabolic changes. Ito’y dahil na rin sa maraming demands ng sanggol sa loob. Dahil dito, mas kailangan ng mga buntis na maligo at uminom ng tubig madalas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Manganganak ka ng hindi oras kapag kumain ka ng pinya at papaya

    Kamakailan ay nabalita sa New York Post na may isang burger joint sa Minnesota na dinadayo ng mga buntis dahil sa kanilang “Labor Inducer” burger. Mayroon itong angus beef patty, honey-cured bacon, peach caramelized onions, spicy mustard, at Cajun remoulade na inilagay sa pretzel bun. Sa tala ng restaurant, dalawa pa lang ang nanganak matapos kumain ng naturang labor-inducing burger.

    Matagal nang sinasabing may mga pagkaing nakakapag-induce daw ng labor tulad ng pinya, papaya, at talong, ngunit ayon sa mga eksperto, walang sapat na scientific data para suportahan ang mga claims na ito. Gayunpaman, dahil mayroong enzyme na bromelain ang pinya na sinasabi nilang “magpapahinog sa cervix,” pinapayuhan ng mga eksperto na hintayin ang payo ng iyong doctor bago ka kumain ng maraming pinya.

    More from Smart Parenting

    Wala namang masama kung maniniwala ka sa mga pamahiin, lalo na kung wala namang kinalaman ang mga ito sa iyong kalusugan. Ngunit kung ikaw ay buntis, mas makakabuti sa iyo at sa iyong anak kung sa medical experts ka magtanong at maniwala. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka pa bang mga alam na pagkaing hindi raw pwede sa mga buntis? I-share mo na yan sa comments. Maaari ka ring mag-share sa mga kapwa mo nanay sa pamamagitan ng pagsali sa Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles