embed embed2
Mahihirapan Daw Manganak Kapag Uminom Ka Ng Malamig Na Tubig?
PHOTO BY Shutterstock/Arkom Suvarnasiri
  • “Naku, bawal sa buntis ang malamig na tubig!”

    “Inom ka nang inom ng malamig na tubig, lalakí ‘yang baby mo! Mahihirapan kang manganak.”

    Marahil marami sa atin ang nakarinig ng ganitong mga pahayag mula sa ibang tao lalo na sa mga matatanda na sinasabi sa mga buntis. Isa lamang ito sa mga myth at iba pang paniniwala sa pag-inom ng malamig na tubig.

    May ibang nagsasabi na magiging sipunin daw ang magiging anak. Sa iba naman ay magkakaroon ng komplikasyon pagkasilang. Totoo nga ba ang paniniwalang ito? May paliwanag nga ba ang siyensya rito?

    Bawal nga ba sa buntis ang malamig na tubig?

    Noong buntis ako, nang nasa first trimester ako, madalas akong nagsusuka kaya naipayo pa nga sa akin ng aking OB na ngumuya ng yelo o gawin itong kendi. Makatutulong daw ito sa akin na maibsan ang nararamdaman.

    Kahit uminom din daw ako ng tubig na maraming yelo ay ayos lang. Pinayagan din niya ang pagkain ng ice cream pero vanilla flavor lamang at may tamang dami din para maibsan ang aking pagsusuka. Wala naman daw itong magiging epekto sa aking baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naalala ko nang mapa-ultrasound ako para malaman ang gender ng baby ko, pinakain din ako ng ice cream at pinainom ng malamig na tubig para gumalaw ito sa aking tiyan.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Wala naman siguro talagang kaugnayan ang paglaki ng baby sa pag-inom ng malamig na tubig dahil nakasalalay ito sa ating pagkain at sa nutrisyong nakukuha nila mula sa atin habang nasa sinapupunan natin sila.

    Benepisyo ng pananatiling hydrated

    Talaga namang kapag buntis ka, mas kailangan mo ang pag-inom ng maraming tubig para sa amniotic fluid, pag-produce ng maraming dugo, pag-develop ng bagong tissue, dagdag na nutrisyon, pagbuti ng digestion, at paglabas ng mga dumi a/o toxin sa katawan.

    Mainit din ang pakiramdam ng buntis kaya madalas ang pag-inom mo ng tubig para manatiling hydrated.

    1. Nababawasan ang pagiging constipated
    2. Naiiwasan ang pagkakaroon ng hemorrhoids o almuranas
    3. Nababawasan ang pagmamanas
    4. Nagkakaroon ng malambot at makinis na balat
    5. Napataas ang energy
    6. Napapanatili ang malamig na pakiramdam
    7. Naiiwasan ang pagkakaroon ng UTI
    8. Naiiwasan ang insidente ng preterm labor
    9. Napapabuti ang ating immune system
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dami ng tubig na kailangang inumin ng buntis

    Ang inirerekomenda ng mga doktor ay 8-12 baso ng tubig kada araw o katumbas ng 2.3 liters.

    Mapapadalas ang iyong pag-ihi dahil sa maraming tubig na naiinom mo at kung pale o colorless ang kulay ng iyong ihi ay walang dapat ikabahala.

    Ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig ay hindi lamang nakabubuti para sa iyo para maging hydrated habang buntis kundi maging sa kalusugan ng iyong baby.

    Paano iwasan ma-dehydrate kung buntis

    Karaniwan na sa unang trimester ng pagbubuntis nararanasan din ng ibang mom-to-be ang hirap sa pag-inom ng tubig dahil sa pagbabago ng panlasa katulad sa experience ko. Naging mapait na panlasa ko noon o parang lasang kalawang ang tubig para sa akin.

    Paano kung hindi sapat ang naiinon na tubig, ano ang puwedeng gawin na makatutulong na maiwasang ang dehydration?

    • Iwasan ang caffeine.
    • Dagdagan ang pagkain ng prutas.
    • Maglagay ng prutas gaya ng katas ng lemon, limes, and frozen raspberris sa iyong tubig.
    • Uminom ng gatas, juice, tsaa, at humigop ng maraming sabaw.
    • Huwag magpainit o magtagal sa arawan.
    • Sa loob ng bahay na lamang mag-ehersisyo at  gawin ito sa umaga o sa gabi.
    • Pakiramdaman ang iyong katawan, uminom ng tubig paunti-unti kahit hindi nauuhaw.
    • Ipinagbabawal marahil ang pag-inom ng tubig na malamig pagkatapos kumain. Ito ay upang hindi mamuo ang fats sa iyong belly nang hindi lumaki ang iyong tiyan.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakatutulong din ang maligamgam na tubig sa mabuting sirkulasyon ng dugo sa ating katawan at sa maayos na digestion.

    Sa kabilang banda, hindi na usapin kung dapat bang malamig o maligamgam na tubig ang inumin ng buntis kundi ang dami nang iinumin niyang tubig kada araw.

    Pero mahalaga ang pagkonsulta at palagiang pagpapa-checkup sa inyong doktor para matiyak ang kaligtasan ninyo ni baby. Siyempre pa, sundin ang rekomendasyon at ipinapayo niya sa iyo para sa ligtas at malusog na pagbubuntis.

    What other parents are reading

     

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles