embed embed2
  • Congenital Anomaly Scan: Bakit Mahalaga ang Prenatal Test na Ito

    Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa congenital anomaly scan, pati ang halaga nito.
    by Graciella Musa and Rachel Perez . Published Aug 24, 2019
Congenital Anomaly Scan: Bakit Mahalaga ang Prenatal Test na Ito
PHOTO BY iStock
  • Ang bawat pagbubuntis ay kakaiba, ngunit nangangailangan ang bawat isa ng pinakamahusay na prenatal care upang masigurong malusog pareho ang nanay at sanggol mula pagbubuntis hanggang sa panganganak (at siyempre, hanggang sa mga susunod pang panahon). Ang isang test na mahalaga para sa kalusugan mo at ng iyong anak ay ang congenital anomaly scan.

    Ang congenital anomaly scan (CAS), o kilala rin sa tawag na 20-week scan, ay isinasagawa sa ikalawang trimester, sa pagitan ng ika-18 hanggang ika-22 na linggo ng pagbubuntis. Inirerekomenda ng International Society of Ultrasound in Obstetrics and Gynecology (ISUOG) ang CAS bilang bahagi ng prenatal care routine para sa lahat ng kababaihang nagdadalantao. 

    Ang CAS ay isang karaniwang 2D o 3D ultrasound lamang kaya siguradong ligtas ito para sa ina at sa sanggol. Naglalayon itong ma-check kung ilang sanggol ang iyong dinadala o kung may mga abnormalidad ang 'fetus', gaya ng anencephaly (nawawalang mga bahagi ng bungo), problema sa puso at bituka, at mga congenital malformation gaya ng pagkabingot at spina bifida.

    What other parents are reading

    Ganito ang proseso ng tipikal na CAS: Una, iche-check ng sonographer kung ang dinadala mo ay isang sanggol, kambal, o higit pa. Iche-check niya rin ang tibok ng puso ng sanggol, ang posisyon nito sa iyong sinapupunan, at ang kaniyang sukat at edad.

    Maliban sa nabanggit, i-checheck niya rin ang antas ng iyong amniotic fluid, ang placenta, pati ang anyo at puwesto ng sanggol sa iyong matris, at ang kaniyang umbilical cord. Kung higit sa isang sanggol ang iyong dinadala, tutukuyin niya kung ilan ang amniotic sacs.

    Pagkatapos, susuriin niya ang iba pang mga mahahalagang detalye:

    • hugis at struktura ng ulo at utak ng sanggol
    • mukha ng sanggol upang makita ang bibig (kung may bingot o wala)
    • gulugod ng sanggol upang makita kung diretso ang mga buto
    • abdominal wall ng sanggol upang masigurong nabibigyang-proteksyon nito ang kaniyang internal organs
    • puso ng sanggol pati ang mga chambers at valves nito
    • bituka, bato, at mga braso, binti, daliri sa kamay at paa
    • kasarian ng sanggol (maaari rin itong malaman nang mas maaga sa pamamagitan ng iba ng prenatal testing)
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Aabutin ng isang oras o higit pa ang buong proseso. Nakadepende ang tagal ng proseso sa posisyon ng iyong sanggol dahil nakadepende ditto para ma-check maigi ng sonographer ang mga nabanggit na detalye. Nagkakahalaga ito ng Php 1,600 hanggang Php 4,000.

    Isang soon-to-be mommy sa Smart Parenting Village ang nagtanong kung pareho lang ang CAS sa tipikal na 3D/ 4D ultrasound - ang sagot, hindi. Kasunod nito, agad namang binigyang-diin ng iba pang mommies sa Village ang kahalagahan ng CAS upang ma-check at mabantayan ang paglaki ng sanggol sa sinapupunan. Ang 2D ultrasound ay tipikal at sapat na rin upang maisagawa ang CAS; samantala, optional naman ang pagsasagawa nito sa pamamagitan ng 3D/ 4D, o kung inirekomenda ng doktor.

    Maraming mga buntis ang natatakot sumailalim sa CAS dahil sa mga ipinapahiwatig ng mga salitang "abnormalidad" o "anomalya". Ngunit kadalasan ay wala namang problemang natutukoy, at nakikitang maayos namang lumalaki ang sanggol. Kung may hinala ang sonographer na mayroong problema, imumungkahi niya na makipag-ugnayan ka agad sa iyong doktor. Makakatulong din ang follow-up tests upang masigurado ang resulta.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Ito na lang ang isaisip: Anuman ang resulta, siguradong napakalaking tulong nito para sa iyong doktor upang mapangalagaang mabuti ang iyong pagbubuntis at ang iyong sanggol.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Congenital Anomaly Scan: What Makes This Prenatal Test Essential

    Alamin ang iba pang prenatal tests para masiguro ang kalusugan ng inyong ipinagbubuntis.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close