embed embed2
Ano Ang Duphaston At Bakit Ito Nirereseta Sa Buntis?
PHOTO BY Shutterstock/Stefano Garau
  • Isa sa pinakaiingatan sa pagbubuntis ang pampakapit kay baby sa sinapupunan nang hindi siya malaglag. Kadalasang may prescription na gamot ang doktor upang maiwasan makunan. Ang popular na gamot ay ang dydrogesterone, na ibinebenta sa pamamagitan ng brand name tulad ng Duphaston.

    Duphaston: Pampakapit ng baby? 

    Kilala na pampakapit ng baby ang Duphaston. Ayon sa Abbott, ang pharmaceutical company na gumagawa ng Duphaston, ginagamit ito bilang prevention ng threatened at habitual miscarriages. Kasama din ang Duphaston sa treatment ng dysfunctional uterine bleeding (DUB) problems at iba pang menstrual irregularities.

    Binibigay din ito ng mga doctor sa mga babaeng dumadaan sa fertility treatments ("workup" kung tawagin). Familiar ang gamot sa mga nagdaan ng intrauterine insemination (IUI), maging in vitro fertilization (IVF).

    Maraming mommies ang nagsasabing epektibo ang Duphaston bilang pampakapit ng baby. Ang active ingredient kasi nitong dydrogesterone ay isang synthetic form ng female hormone na progesterone.

    Ibig sabihin, nagagaya nito ang mga kakayahan ng progesterone, na tinatawag ding “pregnancy hormone.” Kabilang dito ang pagsiguro ng malusog at makapal na uterine lining para maging ligtas at alaga si baby hanggang ipanganak siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Safe ba ang Duphaston?

    Kapag mababa ang progesterone level habang buntis, maaaring magkaroon ng spotting o bleeding, at saka cramping. Pag dating naman sa posibleng pagkalaglag ng sanggol, hati pa rin ang opinyon ng mga eksperto sa usaping ito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May mga naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang kakulangan ng progesterone sa buntis at meron namang nagsasabing wala itong kinalaman sa kahahantungan ng pagbubuntis. 

    May babala ang mga nagsasabing may epekto ang progesterone. Anila, ang mababang level nito ay puwedeng magdulot ng “inadequately prepared uterus.” Kapag naman may kakulangan sa kapal ng endometrial lining sa uterus, magiging mahirap para sa embryo na kumapit at magpatuloy pa ang pagbubuntis. 

    Hindi pa lang malinaw kung sanhi ang low progesterone level ng miscarriage, bagamat may mga buntis na talagang nakunan dahil dito. Baka raw kasi ang miscarriage mismo ang dahilan ng low progesterone level.

    Ayon sa What to Expect, may mga pag-aaral kasing lumabas na hindi nakakatulong ang pagbibigay ng supplemental progesterone sa mga buntis na may threatened miscarriages. Wala raw ebidensya na lumiit ang pagkakataon na makunan o di kaya tumaas ang tsansa na magpatuloy ang pagbubuntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Iba naman ang resulta ng isa pang pag-aaral na may titulong “A Systematic Review of Dydrogesterone for the Treatment of Threatened Miscarriage” at nailathala noong 2012. Mayroon itong natuklasang 21 reports ng dydrogesterone treatment, kung saan 1,380 ang nakilalang pasyente. Lima naman ang randomized trials, kasama ang 600 buntis na pasok sa criteria para sa metaanalysis. 

    Ipinapakita sa systematic review na may hatid na tulong ang paggamit ng dydrogesterone sa pagbaba hanggang 47 percent ng tsansang makunan ang buntis at hanggang 11 percent naman ng miscarriage rate. Suhestiyon ng pag-aaral na ito na pagbigyan ng doktor ang kahilingan ng kababaihan na gumamit ng ganitong gamot kung nanganganib ang kanyang pagbubuntis.

    Miscarriage misconceptions

    Hindi nga biro ang makunan, sabi sa ulat ng American Psychological Association (APA). Sinabi dito ni Dr. Emma Robertson Blackmore na may hatid ang miscarriage na panganib ng depression at anxiety symptoms nang mahabang panahon. 

    Kahit pa daw mabuntis muli at ligtas na manganak ang kababaihang nakaranas na ng miscarriage, malaki pa rin ang posibilidad na dumaan siya sa postpartum depression. Ito ang natuklasan ng psychiatry professor sa University of Rochester Medical Center mula sa kanyang research na nailathala sa British Journal of Psychiatry noong 2011.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Itinuwid sa ulat ng APA ang common understanding na mababawasan ang dalamhati kapag nakunan sa mga unang linggo ng pagbubuntis. Wala naman daw kasing kinalaman ang haba ng gestation sa tindi ng mararamdamang lungkot, pati na anxiety at depression.

    Isa pang misconception ang hindi pagiging apektado ng mga kalalakihan. Ang totoo, nasasaktan din sila, lalo na kung binabale-wala ang kanilang nararamdaman ng mga taong malalapit sa kanilang mag-asawa. 

    Kaya naman para sa buntis, gagawin niya ang lahat para masiguro ang pagkapit ni baby. Pero mainam na pag-usapan muna sa doktor ang paggamit ng gamot tulad ng Duphaston para sa tamang dosage, timing, at duration.

    Mabibili ang Duphaston sa 10mg tablet mula sa halagang Php80 kada piraso. Humihingi ng reseta ng doktor ang mga kilalang botika, kahit sa pag-o-order nito online. Paalala ng Department of Health (DOH) na maging alisto sa pekeng gamot o iyong hindi rehistrado, kaya naglabas sila ng advisory noon pang 2017. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles