embed embed2
  • Makating Balat Habang Nagbubuntis? Narito Ang Ilang Paunang Lunas Ayon Sa Isang Eksperto

    Normal na maranasan mo ito dahil na rin sa pagbabago ng hormones sa iyong katawan.
    by Ana Gonzales .
Makating Balat Habang Nagbubuntis? Narito Ang Ilang Paunang Lunas Ayon Sa Isang Eksperto
PHOTO BY Unsplash
  • Sa mga buntis, kaakibat ng paglaki ng iyong tiyan ang ilang mga pananakit at discomforts tulad ng morning sickness, pagkahilo, heartburn, at ang nakakairitang pangangati ng iyong balat.

    Paliwanag ni Dr. Maynila Domingo, isang obstetrician-gynecologist, normal lang ito. "Common 'yun, 'yung pruritus, during pregnany," sabi niya. "That may be due to several factors—hormone is one of them, pati 'yung pangingitim."

    What other parents are reading

    Ayon sa Mayo Clinic, kabilang sa mga sintomas ng pruritus ang pamumula ng balat at pagkakaroon ng mga butlig o spots. Mapapansin mo rin na dry ang iyong skin at sa mga malalang kaso, may pagbibitak ng balat o pagkakaroon ng scaly skin.

    Sa datos naman ng National Center for Biotechnical Information, lumalabas na 20% ng mga babaeng buntis ang nakakaranas ng pruritus. Sa ilang malalang kaso, maaaring mahirapan kang matulog dahil sa sobrang kati.

    What other parents are reading

    Maraming maaaring maging dahilan sa likod ng pruritus kaya mahalagang magtanong ka sa iyong doktor para mabigyan ka niya ng tamang lunas na hindi makakasama sa iyo at sa batang dinadala mo.

    Payo ni doktora Maynila, kailangan ay mild soap ang gamit mo sa pagligo at paghuhugas ng ano mang bahagi ng iyong katawan. "Use emollient lotion, kasi, kapag mas dry ang skin, mas makati."

    Babala naman ni dok, kailangang mag-ingat dahil may mga sakit na nagmamanipesto o lumalabas bilang pruritus. "You have to be careful because we also have a disease during pregnancy na it manifests as pruritus or pangangati, pero in reality, it reflects pala 'yung pagtaas ng mga bile salts—'yung byproducts sa liver saka sa gallbladder."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Dagdag pa ni doktora, kung mayroon ka ng ganitong sintomas, kailangang i-report mo na ito agad sa iyong OB para makita niya ang itsura ng lumalabas na pangangati sa iyong balat. "Baka kailangan naming i-test 'yung liver enzymes. May ite-test sa dugo," paliwanag niya. "Kasi, kahit anong pahid mo diyan, kung 'yun pala 'yung cause, mangangati't-mangangati ka. May kailangan kaming additional treatment."

    Ngunit kung mayroon lang kaunting pangangati, sapat na ang pagpapalit ng sabon sa brand na mas mild sa balat at paggamit ng emollient lotion. "I give lotion with low to medium potency na steriods. Kailangan 'yun ng prescription kaya kailangan mag-consult for that."

    Nakakaranas ka ba ng matinding pangangati sa balat? Iwasan ang pagse-self medicate. Makabubuting ikonsulta mo ito sa iyong doktor para makita ang dahilan sa likod nito at mabigyan ka ng tamang lunas.

    Pwede mong panoorin ang buong interview namin kay doktora Maynila dito:

    Kung gusto mong maging bahagi ng mga susunod na Smart Parenting Events online webinars, expert talks, at lives, mag-register na dito.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles