embed embed2
Maaaring Maipasa Ng Buntis Ang STD Na Ito Sa Kanyang Baby
PHOTO BY Shutterstock/Kzenon
  • Puwedeng ma-infect ang lalaki o babae ng gonorrhea o tulo, isang sexually transmitted disease (STD). Ang nakakatakot, kung ang isang buntis ay may tulo, maaari niyang maipasa ito sa kanyang baby sa panganganak na vaginal delivery. Kaya kailangang mabigyan kaagad siya ng gamot sa tulo upang hindi na makahawa pa.

    Posibleng magkaroon ng ligtas at malusog na pagbubuntis habang nagpapagamot sa gonorrhea, ayon sa American Pregnancy Association (APA). Maski pa nauna ang pagkakasakit kesa sa pagbubuntis o kaya nahawa habang nagdadalang-tao.

    Una sa lahat, dapat masuri ang buntis kung infected siya ng bacterium na Neisseria gonorrhoeae. Nakukuha ang gonorrhea bacteria mula sa sexual contact — maging oral, anal, o vaginal man — sa taong infected na nito. Kumakalat ang bacteria sa urethra, rectum, cervix, hanggang sa lalamunan at mga kasukasuan.

    Sintomas ng tulo

    Ang problema, sabi ng Planned Parenthood Federation of America (PPFA), puwedeng hindi makaramdam ng sintomas ng tulo ang buntis at ang kanyang asawa o partner. Kung mayroon mang sintomas, kadalasan mild lang raw kagaya sa urinary tract infection (UTI). Matutukoy lang ang sakit sa pamamagitan ng gonorrhea test.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mainam na maging alerto kung ikaw o ang iyong partner ay nakararanas ng ganito:

    • Hirap at hapdi sa pag-ihi at pagdumi
    • Pangangati at pagkirot sa may puwitan
    • Pagdudugo mula sa anus
    • Pananakit o pamamaga ng isang testicle ng lalaki
    • Pagtulo ng nana mula sa ari ng lalaki
    • Pagdami at pagiging irregular ng vaginal discharge ng buntis
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kapag hindi kaagad masuri at magamot ang buntis mula sa gonorrhea, maaari siyang magkaroon pa ng pelvic inflammatory disease (PID). Ito naman ang sanhi ng scar tissue na babara sa fallopian tubes at magdudulot ng ectopic pregnancy, infertility, at chronic pelvic pain.

    Paano puwedeng ma-infect si baby ng gonorrhea

    Sa oras ng kanyang panganganak, kung vaginal delivery ang pamamaraan, malaki ang posibilidad na madapuan ng bacteria ang sanggol habang lumalabas mula sa puwerta. Kadalasan, ang mga mata ni baby ang natatamaan ng infection at puwedeng maging mitsa ng pagkabulag kung hindi maagapan.

    Dahil walang sintomas madalas ang gonorrhea, nirerekomenda ng doktor ang pagbigay ng medication sa mata ni baby pagkapanganak para maiwasan ang infection, ayon sa WebMD.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sakaling mahawa si baby kay mommy, gamot sa tulo rin ang ibibigay sa kanya. Ang traditional treatment kasi para sa uncomplicated gonorrhea, tulad ng ceftriaxone, ay ligtas para sa mga sanggol.

    Nirerekomenda ng mga eksperto na kumuha ang buntis ng gonorrhea test sa una niyang prenatal checkup. Matutukoy ang gonorrhea bacteria sa urine sample at cell sample, na mula sa cervix, urethra, anus o di kaya sa throat. Susuriin din ang discharge galing sa vagina, urethra, o di kaya sa anus.

    Gamot sa tulo

    Ang magandang balita, may antibiotics na gamot sa tulo. Napatunayan sa isang pag-aaral na ligtas at epektibo ang ceftriaxone at spectinomycin para sa mga buntis.

    Pero, mababa ang epekto at hindi rekomendado ang pag-inom ng amoxicillin na may kasamang probenecid.

    Bukod sa buntis, diin ng mga eksperto na dapat magpagamot din ang kanyang asawa o partner kahit wala itong nararamdamang sintomas. Kailangan kasing maputol ang hawaan para sa tuluyang paggaling.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Karaniwang nireresetahan ng dalawang uri ng antibiotics ang maysakit dahil may strains ng gonorrhea bacteria na mahirap puksain.

    Mainam din na sundin ang mga paalala ng mga eksperto at kumonsulta sa doktor:

    Tapusin ang pag-inom ng mga niresetang gamot

    Gawin ito kahit wala nang nararamdaman na sintomas.

    Iwasan ang pagtatalik sa loob ng pitong araw

    Kung mayroon ka lang one dose ng medication, maghintay ng isang linggo pa pagkatapos maubos ang gamot bago makipagtalik. Kung seven days ang pag-inom ng gamot, ipagliban ang sex hangga’t maubos lahat ng gamot.

    Kumuha muli ng gonorrhea test pagkaraan ng 3 months

    Kailangan kasing makasiguro na wala na talagang infection sa katawan.

    Huwag i-share ang gamot kanino man

    Maaaring magkaiba ang ireseta ng doktor para sa iyo at sa iyong partner. Paalalahanan na lang ang isa’t-isa na inumin ang kanya-kanyang gamot.

    Gawin ang follow-up checkup

    Bumalik sa doktor lalo na kung hindi mawala ang sintomas kahit tapos nang inumin ang mga gamot.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maaaring maging infected muli

    Hindi one-time deal ang gonorrhea, kaya puwedeng magkasakit anong oras. Makabubuti ang ibayong pag-iingat pagdating sa pakikipagtalik.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles