embed embed2
Gamot Sa Ubo Para Sa Buntis: Puwede Ba Ang Over-The-Counter Drugs?
PHOTO BY iStock
  • May hatid na ginhawa ang pagdating ng tag-ulan dahil napapatid nito ang init, ngunit panahon rin ito ng ubo, sipon, at trangkaso. Apektado lalo na iyong may iniinda na karamdaman o maselang kondisyon dahil hindi sila basta-basta makakahanap ng lunas. Kailangan nilang mag-ingat, tulad ng pag-inom ng gamot sa ubo para sa buntis

    Hindi garantisado ang kaligtasan ng mga buntis sa pag-inom ng mga gamot lalo na ang mga over-the-counter-drugs na hindi nangangailangan ng reseta ng doktor para mabili sa botika. Ito ay ayon sa American Academy of Family Physicians (AAFP). Kulang pa daw ang pag-aaral at pagsusuri sa ganitong paksa. 

    At kahit may iilang uri ng mucolytic na gamot sa plema at ubo na napatunayan nang ligtas para sa mga buntis, paalala ni Dr. Mariel S. Nevado-Gammad na kailangan pa ring magpakonsulta muna sa doktor at mabigyan ng reseta. Si doktora ay kasapi ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society at ng Philippine Society for the Study of Trophoblastic Disease.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Giit pa ni Dr. Nevado-Gammad sa naulat nang panayam niya sa SmartParenting.com.ph na ano mang sintomas na maramdaman ay kailangang matignan muna ng doktor. Aniya, iwasan ang self-medication. Hintayin muna na alamin ng doktor kailan ito nakaramdam ng sintomas at magsagawa ng physical examination para malaman kung anong sakit ang gagamutin.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ngayong panahon ng community quarantine, na hatid ng COVID-19 pandemic, ay pinapayagan na ang pasyente — buntis man o hindi — na komunsulta sa doktor sa pamamagitan ng telepono (telemedicine) at makakuha ng reseta gamit ang internet (e-prescription). 

    “Safe options” ang plain cough syrup, cough expectorant sa umaga, at cough suppressant sa gabi. Pero kung duda sa pag-inom ng gamot sa ubo para sa buntis, payo ni Dr. Nevado-Gammad na gumamit na lamang ng natural remedies.

    What other parents are reading

    Dugtong niya na ang ilan sa natural na paraan ay ang pagmumog ng tubig na may halong asin at pag-inom ng maligamgam na tsaa, tulad ng gawa sa luya. Dagdagan din daw ang vitamin C sa katawan sa pamamagitan ng pagkain ng citrus fruits at pag-inom ng supplement. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gumamit din ng humidifier, ayon naman sa What To Expect, para lumuwag ang pakiramdam dahil sa baradong ilong at maplemang ubo. Siguraduhin lang na warm-mist ang uri nito at hindi cold-mist. Huwag ding gamitin ang humidifier nang todo at matagal.

    May karagdagang practical tips mula pa rin sa Healthline website. Magpahinga daw nang gumaang ang pakiramdam. Dalasan ang pag-inom ng tubig at mainit na sabaw, tulad ng chicken soup. Gumamit ng saline nose drop para lumuwag ang bara sa ilong. Makakatulong din daw ang pagpahid ng menthol rub sa dibdib at pagngata ng lozenge.

    What other parents are reading

    Subok na ang bisa ng essential oil, tulad ng peppermint at eucalyptus, sa pagbibigay lunas sa ubo. Ngunit may paalala ang mga eksperto sa mga buntis tungkol sa paggamit ng ano mang essential oil. Ang sabi ng Parents magazine, iwasan ito habang nasa unang trimester pa lamang. Baka daw magkaroon ng uterine contractions o kaya magkaroon ng hindi magandang epekto sa ipinagbubuntis na sanggol.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Puwede na daw sa pangalawa at ikatlong trimester, pero pili lang ang mga essential oil na ligtas gamitin. Kabilang sa listahan ang eucalyptus, na kilala bilang pangtanggal ng ubo at plema. (Basahin dito ang essential oil recipes na ligtas gamitin para sa buntis.)

    Ang sabi naman ng isang post sa Mayo Clinic Health System, nakakatulong ang peppermint na maibsan ang bara sa ilong na nagdudulot ng pag-ubo. Paalala lang ng gumawa ng post, si Emily Sisco, isang certified nurse-midwife, na hinay-hinay lang sa paggamit ng essential oil. Mag-umpisa muna daw ang buntis sa paggamit ng isang patak at, kung walang maging problema, dagdagan mula tatlo hanggang limang patak.

    Tulad ng iba pang gamot sa ubo para sa buntis, komunsulta muna sa doktor bago gumamit ng essential oil. Nakasalaylay rin kasi dito ang kaligtasan at kalusugan ng sanggol sa kanyang sinapupunan.

     

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles