embed embed2
  • Class picture ng mga nanay kasama sina Iza Calzado at Vicky Herrera pagkatapos ng "Nanay Time."
    PHOTO BY Jocelyn Valle

    Bagamat ang usaping postpartum depression ay malaya nang napag-uusapan sa bansa ay meron pa ring sektor ng lipunan na hindi ito natatalakay. Kaya naman appreciated ng 30 kababaihang buntis at bagong panganak na galing sa low-income communities ng Taguig City ang pagkakataong matutunan ang paksang ito.

    Tahimik silang nakinig sa postpartum talk na ibinahagi ni Michele Alignay, isang family life specialist at psychologist, bilang parte ng “Nanay Time” event na inorganisa ng women-centered organization na She Talks Asia sa SM Aura Tower.

    Pahayag ni Alignay na mainam na magkaroon ng awareness ang isang bagong ina tungkol sa postpartum depression, kahit na minsan ay hindi ito mapipigilan dahil na rin hindi nako-control ang hormones. 

    Aniya, “The first step is to have a healthy mindset na iba ang buhay mo as a mom, and it’s really a role that you have to fulfill…Kaya lang you are not in control of a lot of things. Pangalawa, alagaan mo ang sarili mo to be the best of health, mentally, emotionally, and psychologically.”

    Paalala pa niya na huwag maliitin ang nararamdamang depresyon. Mas mabuti daw na humingi ng tulong sa mga taong makakaintindi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ang “Nanay Time” ay kabilang sa grassroots program ng She Talks Asia, na nabuo noong 2017 sa panguguna nila Iza Calzado, Lynn Pinugu, Vicky Herrera, Sarah Meier, at Bianca Gonzalez.

    Paliwanag ni Lynn sa SmartParenting.com.ph  na naisip nila ang postpartum talk dahil marami pa rin ang hindi nakakaintindi sa depression na dinadanas ng mga bagong ina. Madalas ay nasasabihan ang mga ito na nag-iinarte lang.

    Saad niya, “It’s difficult for any woman to give birth, right? But can you imagine if you come from a low-income community, giving birth has that additional layer of hardship, right? Meaning, you don’t have access and the resources to give your kids the best care, the best health, or you don’t have access to caregivers, so it’s you, it’s all you.”

    Para maisakatuparan ang kanilang layunin ay nagdesisyon silang makipagtulungan sa local government units (LGU), na siyang may record ng mga bagong panganak sa kani-kanilang lugar. Ang una nilang nilapitan ay ang Taguig City, sa pangunguna ni Mayor Lino Cayetano, na kilala ring TV director.

    Lahad ni Iza, na isa namang actress-producer, “We found out from one of their programs ’yong nagbibigay ng crib na parang baby bag. They’re discouraging moms from giving birth at home. So kasama nito, kailangan nakapagpa-check up ka, dapat nakapagpa-bakuna ka, ang panganganak mo either sa lying-in clinic o sa ospital, mga gano’n para maka-receive ng gano’ng bag.”

    What other parents are reading

    Nakisali rin si Iza sa Zumba session sa nasabing event, na pinangunahan ni Coach Kristie Bonifacio. Enjoy siyang gumalaw-galaw kasama ng mga buntis at bagong ina.
    PHOTO BY Jocelyn Valle
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Masaya pahayag ni Iza sa amin, “Ito talaga ang pinangarap ko. Masaya naman ang conferences, of course, there’s always, like, an adrenaline rush after. High na high talaga kami. Everyone’s like whooo! 

    “But then, ang dami-daming Pilipino na puwede pa naming mas makausap, mas matuto din sila, at matuto kami mula sa kanila. It’s just a way for us to expand our tribe, our community, and, of course, our messanging.” 

    Kuwento ni Vicky sa event na kada taon ay mayroon silang conference tuwing March, bilang ito ang itinalagang Women’s Month, at isa pang conference bago matapos ang taon. Noong 2018 ay nagpokus sila sa body love at mental health naman sa sumunod na taon.  

    Lahad niya, “After every conference, we raise funds for a grassroots workshop like this, or a school initiative, mentorship, so we raise funds for other initiatives also. So our target is really helping women feel empowered and understand values of self-love, self-care, just a lot of personal feeling, personal growth in any way comfortable to them.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close