Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Buntis si Jade Lopez ngayon sa unang anak nila ng kanyang non-showbiz husband na si Rocky Siccion, pero hindi ito ang unang pagkakataon na nabuntis siya. Noong 2018 ay nalaman niyang nagdadalangtao siya pagkagaling nila sa kanilang honeymoon sa Japan. October 22 ng taon na iyon nang ikasal sila sa Manila Cathedral. Sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang kanyang unang pagbubuntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagbalik-tanaw ang aktres, na kabilang sa Batch 1 ng GMA-7 talent search na StarStruck, sa kaniyang miscarriage sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel na posted noong October 16, 2019. Pinamagatan niya itong “The Baby We Never Met.”

    More from Smart Parenting

    Magsisimula pa lamang noon si Jade sa kanyang teleserye na Bihag kaya wala pa sana siya at ang kanyang mister na balak na magkaanak. Pero happy at excited sila na makatanggap na tinawag nilang blessing. Agad silang nagtungo sa ob-gyn para malaman kung ano ang mga dapat gawin. Sinunod naman daw niya lahat ng bilin nito, tulad ng pagkain nang tama at pag ehersisyo. Sa pagsapit ng seven weeks ay sumailalim siya sa transvaginal ultrasound at dito nila unang nasilayan ang kanilang baby na tila isang tuldok lamang.

    Aniya, “At that time, siyempre, walang heartbeat. Sabi nila parang it’s too early pa naman din, so we should go back another week para ma-try ulit kung magkakaroon ng heartbeat.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagpapatuloy niya, “So we went back, and to our dismay, still no heartbeat. We knew that there was something wrong with our baby. Kasi sa mga forums din na nababasa ko, talagang at eight weeks, nakikita na ’yong heartbeat, pero siya, wala. We went back for another week just to make sure kung meron, and then, wala talaga. That’s the time na ’yong ob namin, she advised us na wala na ’yong baby.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ang paliwanag daw sa kanila dito ay “hindi nag-fertilize” kaya “I had to abort the baby naturally kasi for my health din.” Alam niya na emotional experience ang makunan batay sa mga nabasa at narinig na niya tungkol dito. Pero sana daw ay mas napag-uusapan pa ang ganitong paksa. Nakaramdam kasi siya ng pangamba na “baka isipin ng ibang tao na ang arte niya dahil baka para sa iba, hindi pa naman talaga siya baby dahil hindi naman siya na-fertilize.”

    Pero diin niya, “Masakit siya kasi parang tinanggap mo na siya na excited ka na magkaka-baby ka na, and then, biglang wala pala.” Kaya dugtong niya, “’Yon ang perception ko na mali pala. Dapat pala pinag-uusapan natin siya. Dapat hindi natin siya pinagdadaanan alone.”

    Sa utak daw niya kasi ay may mga ganito siyang katanungan: “Was it something I did? May something wrong ba sa ginawa naming mag-asawa? May mga ginawa ba ako na hindi ko dapat ginawa?” Hanggang naalala niya ang ganitong payo sa kanya: “Do not blame yourself.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    More from Smart Parenting

    Kung handa siya sa emotional pain ay hindi naman sa physical pain. Pahayag niya, “Because what I did was what they called the natural passing of the baby, so I had to take medication to induce, para lumabas siya. And I did not expect that kind of pain. According to my ob, para ka na rin daw nag-labor no’n kasi I felt contraction din dahil nga in-induce ako, nagkakaroon ako ng contractions.”

    Mabuti na lamang ay laging nasa kanyang tabi ang kanyang asawa para alalayan siya. Dugtong niya, “And after no’ng shock, nawala na ’yong shock, dumating ’yong sadness kasi after going through that pain, walang joy after kasi wala kang baby.”

    Sa susunod na bahagi ng vlog ni Jade ay nasa ibang lokasyon na siya at ibang floral dress na ang suot niya. Day 2 na daw ito ng kanyang paglalahad dahil naging emotional na siya sa unang araw kaya kailangan niyang putulin ang pagkuha ng video. Lahad niya na nakadagdag sa emotional pain ng kanilang pinagdaanang miscarriage ay ang pagbahagi ng masamang balita sa kanilang mga pamilya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Nang mabuntis daw kasi siya ay agad nilang pinaalam hindi lamang sa kanilang immediate families kung di maging sa kanilang extended families at close friends. Hindi daw nila alintana ang kasabihan na mag-anunsiyo lamang pagkaraan ng first trimester. Sobra kasi silang excited bilang first-time parents at pakiramdam nila ay “para siyang every day, Christmas.”

    Hanggang sa mapawi ang saya ng lungkot. Paano nga naman nila sasabihan ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan? Iisahin ba nila? ’Yon nga daw ang isa sa pinakamahirap na parte ng kanilang miscarriage story. Nagdesisyon silang magsabi muna sa mga magulang ng kanyang asawa at pagkatapos ay sa sarili naman niyang mga magulang. “Naiyak sila,” kuwento niya. “I blamed myself, and later on, I found out na si Rocky, gano’n din ang na-feel niya. Bini-blame din niya ang sarili niya, bakit nangyari ’yon. Siyempre umiyak ’yong buong parties, napaka-supportive naman nila, encouraging us na kaya namin ’yon. It was a big help. Ang sabi namin, malaking part siya ng pagko-cope sa sadness namin.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasunod nito ay ang pagsabi sa kanilang extended families, tulad ng mga pinsan, titas, at titos. Naalala niya na dumalo silang mag-asawa sa isang wedding event nang panahon na iyon. Lahat daw ng makasalubong niya doon ay binabati siya ng congratulations o kinukumusta ang kanyang pinagbubuntis. Aminado siya na kahit hinanda na niya ang kanyang sarili sa gano’ng scenario ay “caught off guard” pa rin siya.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko,” wika niya. “I just said, ‘Wala na po.’ ’Tapos ang reaction din nila, hindi mo maipinta. Hindi na nila tinanong kung bakit, ganyan. Niyayakap na lang nila ako. Alam mo ’yong feeling na may magtatanong sa ’yo, sasabihin mo, ‘Wala na po,’ yayakapin ka. Times 100 po ’yon dahil gano’n kadaming tao ang may alam sa pregnancy ko. So the pain of telling it, 100 times din.”

    Ang huling parte, ang recovery period, aniya ang pinakamahirap. Sa simula ay iniiwasan nilang mag-asawa ang heart-to-heart talk at nagyayakapan na lamang upang ipahiwatig ang kanilang mga nararamdaman. Ibinuhos nila ang kanilang oras sa kani-kanilang mga trabaho. Nakatulong daw na naging abala sila sa mga bagay “outside of our marriage, outside of our relationship,” lalo pa’t supportive ang mga tao sa kanilang mga trabaho.

    “Eventually, we talked about it,” sabi niya. “I asked Rocky, ‘Nasaan ka ba?’ Gano’n. And he explained na, ‘Oo, ganyan.’ May moment na nag-sorry na lang kami to one another. Siguro maa-advice ko is personally, tama ang ginawa namin na binigyan namin ng time ang isa’t-isa to grieve on our own. Hindi namin kinukulit ang isa’t-isa kung ano ang nararamdaman namin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “But eventually you have to talk about it na kayong dalawa kasi siyempre kung ano ang pinagdadaanan mo bilang babae, pinagdadaanan din ng asawa mo. Kung ano ang naramdaman mo noon, naramdaman din ng asawa mo.”

    Read about two dads who get candid about life after their wives' miscarriages here.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles