embed embed2
Ang Bilis ng Tibok ng Puso Ko! Normal Ba Yun sa Buntis?
PHOTO BY iStock
  • Maraming pagbabago ang nangyayari sa ating katawan dahil sa pagbubuntis. Iba’t ibang sintomas ang dapat asahan, pero dahil magkakaiba ang pagbubuntis, may mga mararanasan kang pagbabago na mapapaisip ka kung normal ba ito o may kailangan bang ipag-alala. Isa sa mga pagbabagong ito ang pagtaas o increased heart rate sa mga unang buwan ng pagbubuntis.

    Sa Facebook group ng Smart ParentingVillage, maraming soon-to-be moms ang nagpahayag na nararamdaman nila na tumataas ang kanilang heart rate habang nagbubuntis, na tipong gusto nang sumabog ng kanilang dibdib sa bilis ng tibok ng kanilang puso.

    What other parents are reading

    Bakit nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso kapag buntis

    Normal na tumaas ang iyong heart rate habang buntis dahil dala-dala mo sa iyong sinapupunan ang isang bagong buhay. Nagpoprodyus ng maraming dugo ang iyong katawan na nagdudulot para mas bumilis nang 25% ang iyong heart beat kaysa sa natural na rate nito. Tila nakakapangamba ang mabilis na pagtibok ng puso mo pero madalas naman na walang dapat ikatakot.

    Pagtitiyak ni Dr. Jennifer Co, isang ob-gyn at infection disease specialist sa FEU-NRMF Medical Center, “It’s normal to have increased heart rate during pregnancy.” (Normal lang na maranasan ang pagtaas ng heart rate habang buntis).

    Ayon din sa Healthline, nagpoprodyus ang iyong katawan ng mas maraming dugo dahil sa dinadala mong sanggol sa sinapupunan. Ang karagdagang dugong ito ang nagdudulot ng pagtaas ng iyong pulso habang buntis na may 25% kaysa sa normal na bilang. Maaaring nagsisimula ito sa first trimester ng iyong pagbubuntis.

    What other parents are reading

    Dahilan ng increased heart rate sa buntis

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga buntis na may increased heart rate ay maaaring makaramdam ng panaka-nakang heart palpitation, na tipong may sumusuntok o dumadagan sa iyong dibdib, lalo na kapag mabilis ang pagtayo, sabi ng Parents. Ngunit, posible rin itong senyales na ikaw ay dehydrated, kaya tiyakin na nakaiinom ka ng ipinapayo na dalawa hanggang tatlong litro ng tubig kada araw. 

    May iba’t ibang maaaring sanhi din ang heart palpitations, kasama na rito ang pagkabalisa, stress, o labis na pagkonsumo ng caffeine. Kadalasan, ang mga palpitation na ito ay mawawala rin kalaunan. Kailangan lang ng sapat na pahinga at tulog.

    Bagaman kadalasang normal lamang ang heart palpitation, maigi pa rin na komunsulta sa iyong ob-gyn kapag may kakaiba kang nararamdaman (magtiwala ka sa iyong kutob o instinct). Hindi rin madali na matukoy agad ang anumang heart disease o sakit sa puso kapag buntis dahil nga kaugnay rin ang mga sintomas ng pagbubuntis ang pagtaas ng heart rate, pagkapagod, hirap sa paghinga, at pamamanas.

    What other parents are reading

    Mahalaga rin malaman ang pulso ng isang buntis

    Kung ang heart rate mo ay kasing taas ng rate ng iyong pulso habang nagbubuntis, makakaramdam ka ng hirap sa paghinga kahit na nagpapahinga, o kaya maaring ring mangyari ang pagkawala ng malay o paninikip ng dibdib. Kung mapapansin mo ang iregular na heartbeat, kailangang obserbahan mong mabuti ang iyong sarili.

    Kapag sumasakit ang iyong ulo o nahihilo ka, lalo na kapag secod trimester, hindi na ito dapat pa na ibilang na sintomas ng pagbubuntis — maaaring kaugnay na ito ng pregnacy-related high blood pressure, isang komplikasyon na pwedeng humantong sa preeclampsia

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Nagbigay ng babala si Dr. Co para sa iba pang sakit. “Even patients with hyperthyroidism can experience increased heart rate and palpitations.” (Kahit ang mga pasyente na may hyperthyroidism ay maaaring makaranas ng pagtaas ng heart rate at palpitation.) 

    Ang tanging paraan para masolusyunan ang ganitong problema ng mga buntis ay magkaroon ng regular na konsultasyon sa kanilang doktor.

    Sabi ni Dr. Co, “Pregnant patients with heart problems will have symptoms when the pregnancy advances, so it's important to attend regular prenatal checkups.” (Lumalabas ang sintomas ng mga buntis na may sakit sa puso sa panahon ng kanilang pagbubuntis, kaya mahalaga ang regular na prenatal checkup.)

    Kung sa tingin mo na ang pagtaas ng iyong heart rate sa mga unang buwan ng iyong pagbubuntis ay nagdudulot ng pagkabahala sa iyo, mabuti na ikonsulta ito sa iyong doktor.

    Ang impormasyong nakasalin dito ay mula sa 

    Why Your Heart Beats Faster During Pregnancy and When You Should Worry

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close