Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Malunggay Ang Maaaring Sagot Kung Mababa ang Iyong Breast Milk Supply, Mommy!
PHOTO BY iStock
  • Isa sa alalahanin ng mga moms ay kung paano mapararami at mapapanatili ang suplay ng kanilang breast milk. Kailangan na maging malusog ang mga mommy sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga at maayos at masustansiyang pagkain. Gumagamit ng lactation supplement ang karamihan ngayon pero paano kung walang sapat na budget? Bukod sa paghigop ng maraming sabaw, isa pang opsyon at madaling paraan na ginagawa ng mga nanay at payo rin ng mga matatanda ang pagkain ng malunggay. 

    Gaano nga ba kaepektibo ang malunggay at paano ito makatutulong sa gatas ng ina?

    Itinuturing na natural galactagogue ang malunggay. Ibig sabihin nakatutulong ito sa pagpapadami at napapanatiling maayos ang suplay ng gatas ng ina. Ang sikreto ng malunggay ay ang iron na kinakailangan ng isang mommy para maging malusog at malakas siya sa labis na pagpupuyat sa pag-aalaga kay baby.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang mga tips para sa pagkain ng malunggay

    1. Maaaring pakuluan ito. Palamigin saka higupin ang sabaw.
    2. Puwede ring ihalo sa mga ulam gaya ng tinola, nilaga, monggo, halaan soup, at iba pa.
    3. Lagyan ng malunggay flakes ang kinakain. Ang isang kilo ng malunggay flakes ay nasa Php650 sa supermarket. Madali itong maubos sa maiksing panahon kaya gumagawa na lamang ang iba ng sarili nilang malunggay flakes. (Basahin dito kung paano gumawa ng malunggay flakes ang isa mommy na miyembro ng aming Facebook group Smart Parenting Village.)
    4. Maaaring gawing tea ang malunggay flakes sa pagdaragdag ng mainit na tubig o kaya naman ihalo sa ating mga inumin gaya ng juice.
    5. Puwede rin itong gawing chips sa pamamagitan ng paglalagay ng kaunting harina saka i-bake.
    6. Kung ayaw namang kumain ng gulay, may nabibiling malunggay capsules ng iba’t ibang brand sa mga drug store na maaaring inumin din.

    Hindi lamang si baby baby ang nakikinabang sa breastfeeding. Mabuti rin eto kay mommy dahil nakatutulong ito sa pagbawas ng timbang, paghinto ng postpartum hemorrhage, pagbaba ng tsansa na magkaroon ng breast cancer at osteoporosis, at magamit bilang natural na contraceptive. Dagdag pa rito, mas hindi masakit sa bulsa dahil makatitipid sa pagbili ng formula milk.

    More from Smart Parenting

    Isa lamang ang malunggay sa napakaraming galactagogues na makatutulong sa mga mommy sa kanilang breastfeeding journey lalo sa mga working mom na maaaring hirap i-sustain ang suplay ng milk. Minsan kailangan talaga ng tiyaga at pagsisika dahil nakakapagod din ang proseso ng pag-pu-pump dahil nangangailangan ito ng atensyon at oras. Madalas pa nakaka-frustrate rin lalo na kapag kaunti lamang ang nakukuha mo. Ngunit, tandaan natin na mas malaki pa rin ang epekto at mas mabisang paraan sa pagpaparami ng gatas ng ina ang mismong direktang pagpapadede kay baby.

    Isa sa mga pinaprayoridad at isinusulong na programa ng Department of Health (DOH) ay ang exclusive breastfeeding sa mga baby. Ang kanilang programang "TSEK" o Tama, Sapat, at Ekslusibo ay may layuning protektahan ang mga sanggol mula sa anumang karamdaman sa pamamagitan ng breastfeeding.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa mga pag-aaral, sinasabi na mas hindi sakitin ang baby at mas malayo ang tsansa sa anumang karamdaman kung gatas lamang ng ina ang kaniyang tinatanggap mula sa pagsilang hanggang 6 na buwan at kung possible pa hanggang sa edad na 2.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa:  

    Questions Breastfeeding Pinays Always Ask About Food, Answered!

    Do Galactagogues Like Malunggay Really Work?

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles