embed embed2
10 Subok Na Paraan Upang Mabawasan Ang Pamamanas Ng Buntis
PHOTO BY Shutterstock/comzeal images
  • Updated on October 31, 2023

    Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Karaniwang may manas sa paa ng buntis, kaya huwag masyadong mag-alala. “Normal,” ika nga ng mommies sa SmartParenting.com.ph Parent Chat, kung lumaki at tumambok ang mga paa kung nagdadalang-tao. 

    Maaari ring mamanas ang ibang parte ng katawan, tulad ng mukha at mga kamay, ayon sa American Pregnancy Association (APA). Edema ang medical term para sa pagmamanas o swelling.

    Bakit may pamamanas?

    Ang katawan daw kasi ng buntis ay gumagawa ng mas maraming blood at body fluids para matugunan ang pangangailangan ng lumalaking baby sa kanyang sinapupunan. Humigit-kumulang 50% ang dagdag.

    Isa pang dahilan ang hormonal changes na nararanasan ng buntis, sabi naman ng Mayo Clinic. Idagdag pa ang pressure sa kanyang veins dahil sa paglaki ni baby kaya nagkakaroon ng aberya sa kanyang blood circulation.

    Pero dahil sa extra fluids na iyon, nakakasabay ang sinapupunan ng buntis sa paglaki ng kanyang baby. Nakakatulong rin ang extra fluids para maihanda ang pelvic joints at tissues kapag lalabas na si baby.

    Maaaring magsimula ang edema ano mang araw habang buntis. Pero kadalasang napapansin ito sa ika-limang buwan at gumagrabe kapag malapit nang manganak. Minsan, kahit lumabas na si baby, manas pa rin si mommy o di kaya bilang namanas.

    Kuwento ng isang mommy sa chat group tungkol sa pamamanas ng buntis, “Sobrang late reaction ’yung manas ko. Kung kailan nailabas na si baby, saka naman ako minanas. Sobra laki ng paa ko at masakit pa.”

    Maaaring sanhi ng pamamanas ang iba pang sintomas ng pagbubuntis

    Kapag manas ang paa o iba pang parte ng katawan dahil sa extra fluids, malaki ang posible na magkaroon din ang buntis ng:

    • Pag-angat ng mga ugat sa binti (varicose veins)
    • Pamamanhid ng mga kamay at daliri (carpal tunnel syndrome)
    • Pagbabara sa ilong at iba pang daluyan ng hangin na puwedeng humantong sa pagdudugo
    • Pagbabago sa boses dahil namamaga ang vocal cords
    • Pagiging sensitive ng mga gilagid
    • Pagkalabo ng paningin
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May mga buntis na grabe ang pagmamanas kumpara sa iba, at merong hindi talaga nagkakaroon ng pamamanas. Wala raw kinalaman ang gender ni baby, ayon sa mga eksperto, bagamat may paniniwalang sangkot ang genes. Kaya kung namanas ang nanay mo noong pinagbubuntis ka, malamang ikaw din ay mamanas. 

    Paano mabawasan ang pagmamanas

    Totoo na hindi pare-pareho ang karanasan sa pagbubuntis. Maaaring magmanas ka sa panganay mo, pero hindi sa ikalawa o higit pa. Puwede rin namang wala sa una, pero meron sa mga sumunod. Ang mahalaga, may magagawa ka upang mabawasan ang pagmamanas.

    Sabi ng mommies sa chat group, subok nila ang bisa ng mga sumusunod na hakbang. May mga karagdagang tips din dito ang mga eksperto sa medical sources: 

    1. Umiwas sa maaalat na pagkain dahil gagrabe ang fluid retention.
    2. Kapag nakaupo, ipatong ang mga paa sa kabilang silya.
    3. Kapag nakahiga, ipatong ang mga paa sa mataas na unan.
    4. Maglakad-lakad para mahersisyo ang katawan.
    5. Iwasan ang pagtayo at pag-upo nang matagal.
    6. Huwag magsuot ng masisikip na damit at medyas na may makapal na garter.
    7. Matulog nang patagilid, lalo na sa left side.
    8. Piliin ang mga pagkain na mayaman sa potassium, tulad ng saging at avocado.
    9. Siguraduhing umiinom ng mula walo hanggang sampung baso ng tubig kada araw.
    10. Magkaroon ng regular exercise regimen, bukod sa paglalakad.
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Kailan dapat maalarma sa manas sa paa ng buntis

    Sa sandaling lumala ang pagmamanas at may kakaibang nararamdaman, mainam na ipag-alam mo ito sa iyong doktor. Baka kasi magkaroon ka ng pregnancy complications. 

    Ang excessive swelling ay maaaring sintomas ng preeclampsia, ayon sa What to Expect. Kung ito ay may kasamang iba pang sintomas, gaya ng pagtaas ng blood pressure, pagbilis ng weight gain, at pagkakaroon ng protina sa ihi. 

    Isa pang posible, pero pambihira, na pahiwatig ng pagmamanas ay ang deep vein thrombosis (DVT). Sinasabing life-threatening ang DVT dahil may nabubuong blood clot sa deep vein o malalim na ugat. Maging alerto kapag may pananakit o pagkabigat sa isang binti, lalo na kung tatayo. Bantayan din ang pamumula at pag-init ng balat.

    Kapag may mga ganyang nararamdaman, kumonsulta kaagad sa doktor. Para makasiguro na hindi lang simpleng manas sa paa ng buntis ang kondisyon at nang maagapan ito.

    Edema sa iba't ibang yugto ng pagbubuntis

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang edema o pamamaga ay isang karaniwang kondisyon na maaring maranasan ng mga buntis sa iba't ibang yugto ng kanilang pagbubuntis. Ang kondisyong ito ay maaaring mag-iba ang kalalakihan at kalubhaan habang nagmumula ang panahon ng pagbubuntis. 

    First trimester: Ayon sa What to Expect, sa unang trimester ng pagbubuntis, maaaring magkaroon ng maliliit na pamamaga, karaniwang nasa paa at binti. Ito ay pangunahing dulot ng pagbabago sa pag-circulate ng dugo at pagtaas ng dami ng body fluids na ginagawa ng katawan para sa pangangailangan ng sanggol sa sinapupunan.

    Second trimester: Sa ikalawang trimester, maaaring magpatuloy ang pamamaga sa paa at binti, ngunit ito ay maaring mas kontrolado kumpara sa unang trimester. Ang katawan ay nag-aadjust na sa pagbabago, at maaaring maramdaman na ang mga epekto ng edema ay nagbawas, ayon sa American Pregnancy Association.

    Third trimester: Sa huli at ikatlong trimester, mas maraming mga buntis ang nagkakaroon ng pamamaga, lalo na sa paa, binti, kamay, at mukha. Ito ay dahil sa paglaki ng sanggol at ang mas mabilis na pagtaas ng body fluids. Sa yugtong ito ayon sa Mayo Clinic, mahalaga na magpatuloy sa tamang pampalawak ng katawan, mga ehersisyo, at tamang nutrisyon upang makontrol ang pamamaga.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Frequently asked questions tungkol sa pamamanas ng buntis

    1. Ano ang mga pagkain na dapat iwasan para hindi magkaroon ng pamamanas?

    Ang mga pagkain na mataas sa asin, tulad ng processed foods, fast food, at pagkaing maaalat, ay dapat iwasan. Kailangan rin iwasan ang sobra-sobrang kape o tsaa na maaaring makaapekto sa hydration ng katawan.

    2. Gaano kalala ang pamamanas sa binti o ibang bahagi ng katawan ang normal sa buntis?

    Ang pamamaga sa binti at ibang bahagi ng katawan ay normal sa pagbubuntis, ngunit dapat itong hindi sobra-sobrang malala. Kung ang pamamaga ay sobra na at may kasamang iba pang sintomas, tulad ng hypertension o mataas na presyon ng dugo, ito ay maaaring maging senyales ng preeclampsia, isang komplikasyon ng pagbubuntis. Mahalaga na kumonsulta sa doktor kung mag-alala ka sa kalalang pamamaga.

    3. Paano malalaman kung ang pamamanas ay nagiging sanhi ng komplikasyon sa pagbubuntis?

    Kung ang pamamaga ay sobra-sobrang malala o may iba pang kasamang sintomas tulad ng mataas na presyon ng dugo, pagbilis ng pagtaas ng timbang, at pagkakaroon ng protina sa ihi, ito ay maaaring senyales ng preeclampsia. Ang mga ganitong senyales ay dapat ipagbigay-alam sa doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    4. May mga gamot ba para sa pamamanas habang buntis?

    Dapat laging kumonsulta sa doktor bago gumamit ng anumang gamot habang buntis. May mga ligtas na gamot na maaaring ibigay ng doktor para sa pamamaga sa buntis, ngunit ito ay dapat na may pahintulot at gabay ng doktor.

    5. Pwedeng magkaroon ng edema kahit hindi pa malapit sa panganganak?

    Oo, maaari kang magkaroon ng edema kahit hindi pa malapit sa panganganak. Ang edema ay maaaring magsimula sa anumang yugto ng pagbubuntis. Minsan ito ay nagiging mas malala habang lumalapit ang iyong panganganak, ngunit maaari itong magkaroon sa anumang yugto ng pagbubuntis.

    Basahin dito ang mga dapat gawin ng buntis.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close