embed embed2
  • Masakit Ang Tiyan At Buntis Ka? Kailan Dapat Mabahala At Kung Kalma Lang

    Ang mga muscle sa matres ng buntis ay nababanat at lumapalad sa first at second trimesters.
    by Jocelyn Valle .
Masakit Ang Tiyan At Buntis Ka? Kailan Dapat Mabahala At Kung Kalma Lang
PHOTO BY @structuresxx/iStock
  • Hindi na bago sa pandinig ang daing na masakit ang tiyan ng buntis. Tanggap na ito bilang normal na bahagi ng pagdadalang-tao dahil na rin sa mga pagbabago na nararanasan sa kanyang katawan. Kadalasan walang rason para mabahala pero minsan senyales na pala ito ng isang seryosong kondisyon. 

    Paliwanag ng Healthline Parenthood sa isang artikulo na ang mga muscle sa matres ng buntis ay nababanat at lumapalad lalo na sa kanyang first at second trimesters. Ito ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng pagtulak at paghila sa kanyang tiyan. 

    Hindi dapat mag-alala, ayon sa United Kingdom National Health Service (NHS), kung ang nararamdamang sakit ay banayad lang at nawawala agad kapag nagpahinga ang buntis. O kaya pagkatapos niyang gawin ang mga simpleng bagay tulad ng pag-iba ng posisiyon sa pagkaka-upo, sagutin ang tawag ng kalikasan, at magpakawala ng hangin mula sa tiyan.

    What other parents are reading

    Mga posibleng dahilan sa masakit ang tiyan kapag buntis 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pero kung nagpahinga na ang buntis nang 30 hanggang 60 minuto at lumala pa ang kirot sa tiyan, mainam na ipaalam niya ito sa kanyang doktor. Magpakonsulta lalo na kung may nararamdamang ibang sintomas, tulad ng pagdudugo o spotting, paninikip sa tiyan, pananakit ng likod, at pagkakaroon ng kakaibang vaginal discharge at kirot sa pag-ihi.

    Huwag agad mataranta kung masakit ang tiyan ng buntis kapag may kinalaman ito sa ganitong kondisyon:

    Yeast infection

    Karaniwan na ang vaginal itching sa pagdadalang-tao dahil sa hormonal changes na gumugulo sa pH balance ng maselang parte ng katawan. Ayon sa Mayo Clinic, maaaring gumamit ng cream o ointment para maibsan ang pangangati basta kumpirmado ng doktor na sanhi ito ng yeast infection. Piliin lang ang gamot na ipinapahid at hindi iyong iniinom dahil hindi rekomendado ang oral medication para sa buntis.

    What other parents are reading

    Urinary tract infection (UTI)

    Halos 6 porsyento ng mga buntis ay nagkakaroon ng UTI kaya ipinapayo ng doktor na kumuha ng urinalysis para maagapan. Tumataas ang posibilidad na mangyari ito pagdating ng Week 6 hanggang Week 24, ayon sa American Pregnancy Association (APA). 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Sa mga panahong ito, may mga pagbabago na nangyayari sa urinary tract, at ang matres ay matatagpuan sa itaas ng pantog. Kaya kapag lumaki ang matres, nahaharangan ang lagusan ng ihi mula sa pantog at nagkakaroon ng impeksyon.

    Mahalaga na magamot ang UTI dahil maaari itong maging sanhi ng kidney infection, na siya namang dahilan para mapaaga ang panganganak at maging mas maliit sa normal ang timbang ng sanggol. Kapag naagapan ang UTI at nagamot nang tama, hindi ito makakaapekto kay baby.

    What other parents are reading

    Constipation

    Tumataas ang progesterone level ng buntis kaya malimit siyang kabagin at hindi makadumi. Ang sabi pa ng What to Expect, ang progesterone ang hormone na nagpapakalma ng muscle sa digestive tract kaya bumabagal ang panunaw ng katawan.

    Braxton Hicks contractions 

    Nangyayari ang Braxton Hicks sa third trimester o kapag malapit nang manganak kaya tinatawag din itong “false labor.” Naghahanda na kasi ang katawan para sa takdang araw ng paglabas ni baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilan sa palatandaan ng ganitong paghilab ng tiyan ang “irregular and unpredictable contractions.” Halimbawa, kada 10 minuto pagkatapos 6 minuto naman o di kaya 2 minuto at 8 minuto. Ang nararamdamang mga contraction ay “generalized abdominal tightening” at biglang nawawala kapag nag-iiba ang buntis ng ginagawa o posisyon.

    Bukod sa nasabing mga kondisyon, maaari ring makaramdam ng kirot habang nakikipagtalik, lalo na sa kalagitnaan ng orgasm at sa pagtatapos nito. Minsan may kasama pang kaunting contraction kapag nasa huling bahagi na ng pagbubuntis. Lumalaki na kasi ang tiyan nang husto at tumataas ang blood flow sa pelvic area.

    Sa kabilang banda, dapat mag-alala kung masakit ang tiyan ng buntis nang sobra at mas matagal sa normal niyang nararamdaman. Idagdag pa dito ang lagnat, pangangatog, pagdudugo, at vaginal discharge. Baka kasi senyales ang mga ito ng seryosong kondisyon, tulad ng ectopic pregnancy, miscarriage, at preeclampsia.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close