embed embed2
Masakit At Makati Ang Lalamunan? Narito Ang Gamot At Sintomas Ng Strep Throat
PHOTO BY Pexels
  • Madalas bang sumakit o kumati ang lalamunan mo? Baka strep throat na 'yan. Ito ay isang bacterial infection na nagiging sanhi ng pamamaga at pangangati ng lalamunan. Ang mga sintomas ng sore throat, kapag lumala ay maaaring maging strep throat.

    Ang strep throat ay maaaring makaapekto sa mga bata at matatanda, ano man ang edad. Ngunit madalas tinatamaan nito ang mga batang edad 5 hanggang 15. Ito ay idinudulot ng isang grupo ng Streptococcus bacteria. Maaari itong kumalat sa pamamagitan ng pagbahing at pag-ubo.

    Anu-ano ang sintomas ng strep throat?

    Ang lala ng sintomas ng strep throat ay depende sa tao, ngunit malimit, nagsisimula ito sa isang mild sore throat. May ilang mga tao na nakakaranas ng mas malalang sintomas tulad ng matinding lagnat at hirap sa paglulon.

    Ang ilan pang mga sintomas ay:

    • biglaang pagkakaroon ng lagnat na 101?F (38?C) o mas mataas
    • namamagang lalamunan na may mga puting patches
    • pananakit ng ulo
    • chills o panlalamig
    • pawawalan ng ganang kumain
    • pamamaga ng mga lymph nodes sa leeg
    • hirap sa paglulon

    Malimit na lumalabas ang mga sintomas na ito limang araw pagkatapos ng exposure ng pasyente sa strep bacteria.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakakahawa ba ang strep throat?

    Oo. Sa katunayan, lubhang nakakahawa ito. Kumakalat ito sa pamamagitan ng mga maliliit na respiratory droplets na humahalo sa hangin kapag bumabahing o umuubo ang taong mayroon nito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maaari kang magkaroon nito kung hahawakan mo ang mata, ilong, at bibig mo pagkatapos mong ma-expose sa bacteria.

    Pwede ka ring mahawa kung makikisalo ka sa inumin o pagkain ng taong mayroong strep bacteria.

    Kailan ka dapat pumunta sa doktor para magpatingin?

    Importanteng pumunta ka kaagad sa doktor kung maranasan mo ang mga sumusunod na sintomas:

    • sore throat na tumatagal nang dalawang araw
    • sore throat na may mga puti-puting patches
    • dark, red spots na makikita sa tonsils
    • hirap sa paghinga
    • hirap sa paglunok

    Pagdating mo sa iyong doktor, titignan niya ang lalamunan mo para makita kung mayroon kang tanda ng mga pamamaga.

    Titignan din nila ang lalamunan mo kung namamaga ang iyong lymph nodes. Kung makumpirma nila ang mga sintomas sa taas, agad silang magsasagawa ng tinatawag na rapid strep test.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang test na ito ay makakatulong para malaman kung ang pamamaga ng iyong lalamunan ay dahil sa strep bacteria o dahil sa ibang impeksyon.

    Magsisimula ang test sa pamamagitan ng pag-swab ng doktor sa likod ng iyong lalamunan para makakuha ng sample. Sa loob lang ng limang minuto, malalaman na ang resulta.

    Ano ang gamot sa strep throat?

    Malimit na antibiotic ang inirereseta ng doktor para sa strep throat para labanan ang bacteria. Ang mga gamot na ito ang siyang pipigil sa pagkalat at pagdami ng bacteria.

    Ayon sa mga eksperto, malimit na pagkakamali ng mga umiinom ng antibiotics ang hindi pag-inom nito hanggang maubos. Importanteng tapusin mo ang bilang ng gamot na ibibigay sa iyo para hindi mag-relapse ang karamdaman o mabilis na bumalik ng sakit.

    Penicillin at amoxicillin ang maaaring ireseta sa iyo ng iyong doktor. Kung allergic ka man dito, maaaring bigyan ka ng antibiotic na azithromycin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ding mga home remedies na pwedeng gawin para malunasan ang iyong strep throat. Kabilang riyan ang mga sumusunod:

    • uminom ng maligamgam na inumin tulad ng lemon water at tsaa
    • gumamit ng cool-mist humidifier
    • uminom ng mga over-the-counter pain relievers tulad ng ibuprofen
    • uminom ng throat lozenges
    • magmumog ng isang tasang tubig na may kalahating kutsara ng asin

    Paano maiiwasan ang strep throat?

    Wala pang bakunang maaaring pumigil sa strep throat. Isa sa mga pinaka epektibong paraan para malunasan ito ay ang malimit na paghuhugas ng iyong kamay. Kung hindi ka makakapaghugas ng kamay, pwede kang gumamit ng hand sanitizer.

    Ugaliin ding hindi makisalo sa inumin at pagkain ng iba sa kung sino-sino. Ugaliing malinis ang mga common na gamit at bagay sa bahay tulad ng twalya, bed sheet, at mga pillowcases.

    Mayroong bang mga essential oils na pwedeng gamitin laban sa strep throat?

    Ayon sa mga pag-aaral, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na essential oils bilang alternatibo kung sakaling hindi ka gagamit ng mga over-the-counter medicine.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • thyme
    • lavender
    • tea tree
    • eucalyptus
    • lemon
    • peppermint
    • ginger
    • garlic

    Anong maaaring mangyari kung mapapabayaan ang strep throat?

    Kung pababayaan mo lang ang strep throat, maaari itong humantong sa ilang mas malalang karamdaman tulad ng ear infection, sinusitis, at rheumatic fever.

    Mabilis lang maka-recover sa strep throat kung susunod ka sa mga ipapayo sa iyo ng iyong doktor. Kapag naman naka-recover ka na, importanteng i-maintain ang maayos na hygiene.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles