embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Kapag ang babae ay nagdadalang-tao, maraming mga bagay ang kanyang inaalala. Una na dito ang kanyang kalusugan, dahil nakasalalay din dito ang kalusugan ng kanyang ipinagbubuntis.

    Ngayong panahong ito, lalong higit ang pag-aalala ng mga buntis dahil sa panganib ng COVID-19. Talaga namang kailangang mag-doble ingat ang mga nasa maselang kalagayan, lalo pa't hindi pwedeng basta-basta na lang uminom ng gamot ang mga buntis para gamutin ang masakit sa kanila nang walang pahintulot ng doktor, dahil maari itong makaapekto sa bata.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman nang sumama kamakailan ang pakiramdam ng aktres na si Max Collins, na buntis sa una nilang anak ng asawang si Pancho Magno, inagapan niya ang pag-inom ng kanyang immunity-boosting tea, na aniya ay mabisang panlaban sa COVID-19. Si Pancho at ang ilang kasama nila sa bahay ay nagkasakit din daw. Pero dahil siya ay buntis, bawal magkasakit!

    "I got really, really sick yesterday and so did my husband and a lot of people at my house," aniya.

    More from Smart Parenting

    Nahanap lang daw niya sa internet ang recipe. Natural ang mga sangkap nito. Pagkatapos daw nilang inumin ito ng ilang araw ay bumalik na ang sigla nilang lahat.

    "I looked online and I found this recipe for tea that boosts immunity, and it helped us recover really quickly because today we are fine and we feel so much better." 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gaya ni Max ay gusto mong protektahan ang sarili mo laban sa mga virus at bacteria habang ikaw ay buntis, ganito lang kasimpleng gawin ang immunity boosting tea na ito:

    Sangkap:

    • Ginger o luya
    • Turmeric, o luyang-dilaw (powder)
    • Cinnamon powder
    • Apple cider vinegar, 1 kutsara
    • Calamansi, 2 pcs, o lemon
    • Honey o brown sugar

    Hiwain ang luya at pakuluan hanggang magkulay-brown ang tubig, sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Isalin ito sa tasa at ihalo ang natitirang mga sangkap.

    More from Smart Parenting

    Sabi ni Max, marami daw ang nagtatanong sa kanya kung safe ang apple cider vinegar para sa mga buntis. "Yes it is. You might want to dilute it in water  because the acid can be hard on your throat."

    Sinabi din niya na ang apple cider vinegar ay may anti-bacterial properties kaya isa itong importanteng sangkap ng recipe na ito. 

    Ayon nga sa Healthline, ang apple cider vinegar, na may acetic acid, ay may anti-microbial properties na pumapatay sa mapanganib na bacteria.  

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "All of these ingredients have anti-inflammatory properties, they all have a lot of anti-oxidants, and they help cure the common cold or flu."

    Bukod sa pagkain nang tama ay may sinusunod ring exercise routine si Max na safe para sa mga buntis. 

    Noong December 2017 ay ikinasal sina Max at Pancho. Noong nakaraang Pasko, inanunsyo nila ang pagbubuntis ni Max. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles