embed embed2
  • Ryza Cenon Nagdaan Sa Baby Blues, Natakot Na Hindi Kayanin Ang Bashers

    Karugtong ito ng hirap sa panganganak at pagpapadede na nalampasan ng aktres.
    by Jocelyn Valle . Published Dec 7, 2020
Ryza Cenon Nagdaan Sa Baby Blues, Natakot Na Hindi Kayanin Ang Bashers
PHOTO BY YouTube/REAL RYZA CENON
  • Bilang bagong ina sa unang pagkakataon, aminado si Ryza Cenon na nakakaramdam siya ng lungkot nang walang dahilan. Basta daw wala siyang gana. Kaya naniniwala siyang dumadaan siya sa baby blues at pwede ring postpartum depression lampas isang buwan matapos niyang ipanganak si Baby Night, ang panganay nila ng partner na si Miguel Cruz.

    Lungkot, anxiety pagkapanganak

    Pero tiniyak ng aktres sa followers ng kanyang YouTube channel na maayos na siya kumpara noong mga unang araw ng kanyang pagiging new mom. Naghihilom na daw ang sugat na natamo niya sa vaginal delivery noong October 31, 2020. May kakayahan na rin siyang magpadede sa kanyang anak.

    “Huwag kayong mag-alala,” pahayag niya sa vlog na posted nitong December 6. “I’m okay. May times lang talaga na down ako. I think it’s normal. Kasi siguro gawa na rin ng pagod at saka puyat dahil sa pag-aalaga. I think it’s normal. Minsan, nagbi-breakdown ka.”

    Handa na rin si Ryza na ipakita si Baby Night sa publiko. Sa mga nakaraan kasi niyang social media posts, nakatago ang mukha ng bata. Baka raw hindi niya kayanin sakaling may bashers o “judgmental na tao” na magkomento nang hindi maganda tungkol sa kanyang anak. Tila masyado pa siyang fragile o sensitive nang mga panahon na iyon dahil sa mga paghihirap na pinagdaanan.

    Sobrang intense ng nangyayari para matuloy ang delivery ni Ryza. Pagkatapos ng 13 hours na labor, ginamitan na siya ng vaccum para tuluyang lumabas ang sanggol eksaktong 5:09 a.m. ng October 31. (Basahin dito ang kanyang birthing story.)

    Pero imbes na bumuhos ang luha niya sa kaligayahan nang iabot sa kanya ang sanggol, blangko lang daw ang kanyang mukha at kalooban. Sobrang pagod at drained na siya na kahit gustuhin niyang umiyak, wala nang tumutulo sa mga mata niya. Nag-sink in lang ang lahat sa kanya pagkatapos niyang makatulog ng 6 hours.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad niya, “Doon ko na natignan si Night. Do’n na nag-sink in sa ’kin na tapos na siya, nailabas ko siya nang normal. So, ang sarap nang feeling. Sobrang worth it lahat ng pagod, ng puyat, pag-push it. Sobrang worth it na naipanganak mo siya nang gano’n… Thank God, healthy siya.”

    Nang makauwi silang mag-anak, nagkaroon ng panibagong challenge at frustration si Ryza. Wala kasing lumalabas na breast milk. Humingi si ng tulong sa kaibigang si LJ Reyes, na siya namang nag-suggest na lapitan ang isa pa nilang kaibigan na si Chariz Solomon. September 30 nanganak si Chariz sa kanyang third child at sagana siya sa breast milk.

    Pagtatapat ni Ryza, “Actually, naiiyak ako that time pag mag-isa lang ako kasi di ko siya maibigay. Naiiyak ako now…Hindi ko rin alam kung may postpartum ako or something. Kasi minsan, nafi-feel ko na parang… hindi ko naibibigay ang kailangan ng anak ko. Ewan ko. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    “Minsan, malungkot ako. Pero madalas naman, masaya ’ko, especially pag nakikita ko si Night. Pero feeling ko, hindi ko nagagawa nang tama. Nalulungkot ako. Kaya siguro ganito ’ko, may times kasi na pag di ko siya napapatahan, parang ang helpless ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung sa puyatan, okay lang. 

    “’Tapos ako, healing pa ’ko. May tahi pa ’ko. So hindi ako makakilos nang maayos. Hindi ko siya matutukan nang maayos kasi hindi ako makaupo nang matagal kasi masakit. ’Ta’s bumuka pa ang tahi ko that time, parang…Hindi ko siya maalagaan.”

    Mabuti na lang, sabi ni Ryza, ay nariyan ang partner niyang si Miguel at mga kasama nila sa bahay na sina Alyza at Cindy bilang matatag niyang support system. Kaya payo niya sa kapwa first-time moms na huwag mahiyang humingi ng tulong. Kailangan din daw nilang magpahinga at magpagaling.

    Paalala niya, “Hindi mo kailangan akuin lahat. Pag inako mo lahat, may isang magsa-suffer. Either ’yong anak mo o ikaw. So kailangan, humingi ng tulong.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close