pregnancy,pregnancy risks,Tagalog,cluster,greener,con-00370,cluster creation,scoliosis pregnancy,Scoliosis Pregnancy | Smart Parenting,People & Society, Family & Relationships, Family, spine, scoliosis, scoliosis pregnancy, pregnancy, pregnancy risks, pagbubuntis,Kung scoliotic at buntis, hindi kailangang mangamba basta's may alalay ng doktor ang scoliosis pregnancy.
PregnancyHealth & Nutrition

3 Maling Paniniwala Sa Pagkakaroon Ng Scoliosis Pregnancy Na Dapat Itama

Ang scoliosis ay isang uri ng pagkasira ng spine.
PHOTO BYfreepik/rawpixel.com

Kung ikaw ay scoliotic at buntis, maaaring nag-aalala ka sa kung ano ang posibleng maging epekto nito sa iyong pregnancy journey. Ang ibang may scoliosis ay natatakot ding magbuntis dahil iniisip nila ang mga komplikasyon, birth defects, at maging ang kakayahan na magbuntis. Ngunit batay na rin sa mga pag-aaral, walang anumang naidudulot na kumplikasyon ang scoliosis pregnancy.

Kaya walang dapat ipangamba kasi ang mga mom-to-be na may scoliosis sa kanilang pagbubuntis ay hindi naman nagkakaproblema. Sobrang maliit lamang ang patunay na lumalala ang kondisyon kapag buntis.

Pero mahalagang magkaroon pa rin ng tamang pangangalaga sa sarili para matiyak na maayos ang pagbubuntis hanggang sa panganaganak. (Basahin dito ang mga dapat gawin ng buntis.)

Ano ang scoliosis?

Ang scoliosis ay isang isang uri ng pagkasira ng anyo ng gulugod (spine), ayon sa Johns Hopkins Medicine. Natutukoy ang scoliosis kapag ang pagkurba ng gulugod ay may 10 digri o higit pa na makikita sa X-ray. Makikita sa kanan o kaliwang bahagi o maaaring sa parehong bahagi ang pagkurbang ito mula sa scioliosis. Ang parehong thoracic (gitna) at lumbar (ibaba) na bahagi ng gulugod ang posibleng apektado ng scoliosis.

Bawat indibidwal ay posibleng mayroong iba’t ibang nararanasang sintomas ng scoliosis. Narito ang ilang halimbawa:

1. Hindi pantay na balikat.

2. Hindi napapagitna ang ulo sa katawan.

3. Magkakaibang taas o posisyon ng baywang at balikat.

4. Magkaiba ang posisyon ng braso kapag naka-hang sa isang bahagi ng katawan.

5. Magkaiba ang taas ang gilid ng likuran kapag nakayuko.

6. Kakikitaan ang hindi pagkakapantay ng ribs sa harap o likod.

Mga maling paniniwala sa scoliosis pregnancy

#1: Mas gumagrabe ang scoliosis kapag buntis?

Hindi sinasabing maging malala ang kondisyon ng scoliosis sa panahon ng pagbubuntis. Hindi lamang maiiwasan din sa pagbubuntis ang pananakit ng balakang. Halos pareho lamang nga ang sakit na nararanasan ng nagbubuntis na may scoliosis at wala.

Maaaring maranasan ang bahagyang pagsakit ng likuran sa panahon ng pagbubuntis dahil sa bumibigat din ang tiyan at timbang. Ngunit kung may scoliosis, maaaring mas mataas ang tsansa na makaranas ng pananakit ng balakang sa panahon ng pagbubuntis. Maaaring magsimula ito sa ikatlong buwan ng pagbubuntis at magpatuloy sa ikaanim na buwan ng pagbubuntis hanggang sa manganak.

watch now

#2: Mapanganib ang pagbubuntis sa scoliotic?

Karamihan sa mga buntis na may scoliosis, o scoliotic, ay walang  anumang nagiging  epekto sa kanilang pagbubuntis. Ngunit, iyong may matitinding kondisyon o may scoliosis na kasama ang hita, pelvis, at balikat ay posibleng makaranas ng:

  • Kirot
  • Hindi pagiging komportable sa pagkilos
  • Pagkakaroon ng problema sa paghinga
  • Pagkakaroon ng problema sa pagbabalanse ng bigat, lalo na habang lumalaki ang tiyan

#3: Mahihirapan manganak ang may scoliosis?

Dati ipinapayo ng mga doktor ang Cesarean section delivery para sa mga buntis na may scoliosis. Ngunit sa paglipas ng panahon, napatunayan nila na maaari ring gawin ito sa normal na panganganak na walang anumang magiging komplikasyon. Bagaman may ilang bagay lamang na dapat ding isaalang-alang gaya ng:

1. Mahina sa may scoliosis ang pag-ire habang nanganganak.

2. Maaaring maging mahirap ang pagbibigay ng epidural lalo na iyong may spinal fusion surgery.

3. Makararanas ng stalled labor ang mga mom-to-be na may baluktot na baywang dahil sa maling posisyon ng baby.

Gayunpaman, mahalaga sa mga buntis na may scoliosis ang pakikipag-usap sa kanilang ob-gyn sa kung paano ang panganganak at ang pamamahala sa mga kirot o sakit na mararanasan habang nagle-labor.

Anong dapat gawin sa scoliosis pregnancy?

1. Makabubuti ang pagsusuot ng back support para sa iyong lumalaki at bumibigat na tiyan at timbang.

2. Makatutulong ang pag-stretch ng katawan para maibsan ang pananakit ng likod.

3. Mainam din ang pag-eehersisyo na nakabibigay ng suporta sa panganganak at sa pagpapabuti ng posisyon ng baby. (Basahin dito ang mga mainam na exercise sa buntis.)

4. Maaaring subukin ding sumangguni sa physiotherepist para sa ilang ehersisyo para maibsan ang kirot na dulot ng scoliosis.

5. Subukin din ang ibang alternatibong paraan ng paggaamot gaya ng accupucture o chiropractic ngunit hingin muna ang permiso ng iyong ob-gyn.

Kung matindi ang kondisyon ng scoliosis, posibleng magdulot talaga ito hirap o discomfort habang buntis, tulad ng:

1. Mas matindi ang pananakit ng likuran sa mga babaeng may matinding pagbaluktot ng gulugod.

2. Posibleng maranasan ang hirap sa paghinga sa panahon ng kabuwanan o dulo ng panahon ng pagbubuntis.

3. Kailangang masusi at malapitang pagmo-monitor sa baby at sa baluktot na gulugod ng buntis.

Sa kabilang banda, huwag matakot na mabuntis kung may scoliosis. Mahalagang ipaalam ito sa iyong ob-gyn upang mabigyan ka ng tamang pangangalaga habang buntis.

Tiyakin din na regular ang prenatal checkup para matiyak na walang anumang maging komplkasyon at maayos ang maging pagbubuntis hanggang sa panganganak. Palagi ring isa-isip ang tamang pangangalaga sa sarili, lalo na sa scoliosis pregnancy.

---

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Scoliosis

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/scoliosis

What are the Effects of Being Pregnant with Scoliosis

https://www.scoliosisreductioncenter.com/blog/what-are-the-effects-of-being-pregnant-with-scoliosis

---

Basahin dito ang celebrity moms na may scoliosis.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close