embed embed2
  • Hulyo ngayong taon nang ikwento ng aktres na si Sheena Halili ang hirap na naranasan niya sa mga unang linggo ng kanyang pagbubuntis. "Grabe 'yung first trimester ko. Pinerfect namin ni baby ang lahat ng nararamdaman ng paglilihi," sabi niya sa kanyang instagram post.

    READ MORE ABOUT THE FIRST TRIMESTER HERE: 

    Nasa 28 weeks na si Sheena sa ika-9 na episode ng kanyang vlog. Sa pagkakataong ito, sinagot naman niya ang mga madalas na itanong sa kanya ng kanyang mga followers tungkol sa kanyang pagbubuntis.

    Narito ang sampu sa mga tanong na lagi niyang nakukuha:

    Question #1: May ginagamit ka ba para hindi ka magkaroon ng stretch marks?

    "Sa ngayon, wala pa po akong stretch marks," pagbabahagi niya. "Ang ginagamit ko ay coconut oil. Magmula nang malaman ko na buntis ako, nag-start na akong magcoconut oil sa tiyan ko."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para naman sa katawan niya, gumagamit siya ng kaunting coconut oil na ihinalo niya sa baby lotion. Kaunting coconut oil din ang gamit niya para sa kanyang mukha kung sakali mang mag-dry ito.

    Question #2: Ano ang ibinawal sa iyo ng OB mo na kainin during [your] pregnancy?

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Ang mine-make sure lang namin, 'yung lutong-luto," paliwanag niya. "Well-cooked dapat 'yung pagkain. So bawal ako sa sashimi, mga hams."

    Dagdag pa niya, bawal ang maraming chips, bawal ang maraming chocolates. "Okay lang naman kumain, ng mga kine-crave natin, basta may limit," payo niya. "Maganda pa rin na itatanong natin 'yan sa OB natin."

    Question #3: May sleeping pattern ka bang sinusunod? Most of the time, sa left side ka?

    "Yes," sabi niya. "Mayroon akong sinusunod na position ngayon." Kwento niya, kung minsan nakakangawit din kung laging nasa left kaya minsan, dumidiretso rin siya. "Ina-avoid ko talaga 'yung nasa right side," paliwanag niya.

    Question #4: Anong pwedeng kainin o gawin para malabanan ang acid reflux?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Lahat ng nag-memessage sa akin, parang 'yung first trimester talaga nila 'yung pinakanahihirapan sila," kwento niya.

    "Parang ako lagi lang akong nasa bed noon. Nakahiga lang ako, minsan wala na rin akong sinusuka, nagsusuka pa rin ako," dagdag pa niya. "May mga mommies talaga na ganyan maglihi."

    Payo ni Sheena, kung matindi na ang nararamdaman mo sa unang trimester ng iyong pagbubuntis, mas maganda kung magtanong ka sa OB-GYN mo para mapayuhan ka niya ng mga dapat mong gawin, maging ang mga pagkain na kailangan mong iwasan.

    Question #5: Anong malaking nagbago sa iyo ngayong pregnant ka?

    "'Yung nagbago, mas hindi pwede na maging hyper," kwento niya. "Madalas, ang dami-dami kong ginagawa dito sa bahay."

    Ngayon daw, mas madalas na siyang nagpapahinga at nagrerelax. "Nanonood lang ako ng mga movies, K-dramas. Nagre-research ako about being a good mother."

    Sabi niya, naging hingalin daw siya ngayon kaya hindi siya pwedeng masyadong gumalaw-galaw at magbuhat ng mabibigat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating sa mga pisikal na pagbabago, nagkaroon daw siya ng mga linya sa kanyang leeg, maging sa kanyang kili-kili. Mas dumami rin daw ang ugat niya sa paa.

    Question #6: Any tips for a first-time dad?

    Natuwa naman si Sheena sa daddy na nagpadala sa kanya ng mensahe at nagtatanong ng tips. "Ang tip ko sa'yo, keep it up," sabi niya. "Alam mo, kailangan ng mga misis ng asawa na katulad mo. Tama 'yan. Maging involved ka lang."

    Question #7: Saan ka bumibili ng clothes ni baby?

    "Online shopping talaga ngayon," sabi ni Sheena. "Sa Instagram ko, may highlights na nakalagay. Ang title, Let's Shop." Lahat daw ng binilhan niya ng mga gamit ni baby na inilagay niya sa Instagram ay naroon. "'Pag okay and approved sa akin at gusto ko siyang i-share, sinesave ko siya doon.

    Question #8: Ilang months na ang tiyan mo nung nag-start kang mag-exercise?

    "Maraming nag-message sa akin na 'wag daw akong mag workout, pero nag-start ako mag-workout noong medyo pa-graduate na kami sa second trimester," paliwanag niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang workout na pinili niya ay pre-natal pilates. "Work out po para mas maging strong ang core natin, 'yung legs natin—'yun yung mga parts na kailangan malakas."

    Question #9: Kailan nawala ang hindi magandang feeling during the first trimester?

    "Sabi nga nila, iba-iba tayong mga buntis," pagsisimula niya. "Parang magic talaga siya eh. 'Yung lakas ng pang-amoy mo, babalik sa normal."

    Tuluyan daw nawala ang selan niya noong 14th week niya ng pagbubuntis.

    Question #10: What vitamins do you take at anu-anong mga snacks ang kinakain mo?

    Dahil nga malimit ay isinusuka ng mga buntis ang kinakain nila, mahalaga talaga ang mga vitamins. "Nahirapan akong inumin 'yung mga vitamins ko," sabi ni Sheena.

    READ MORE ABOUT THE FIRST TRIMESTER HERE: 

    Malaki raw ang naitulong sa kanya ng kanyang anti-nausea smoothie. Panoorin ang kabuuan ng video niya dito para makuha ang recipe:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles