embed embed2
5 Sintomas Ng Bulutong Na Dapat Bantayan Lalo Na Kung May Kasamang Buntis
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kahit may bakuna para sa bulutong (chickenpox), marami pa rin ang dinadapuan ng nakakahawang sakit na ito. Apektado hindi lang ang mga bata bagkus mga adults din na hindi pa kailanman nagkakasakit nito, lalo na iyong mahina ang immune system at buntis. Kaya payo ng mga eksperto na maging alerto sa mga sintomas ng bulutong.

    Sa Parent Chat online community ng SmartParenting.com.ph, may isang mommy ang nagpahayag ng pag-aalala tungkol sa bulutong. Aniya,"May chicken pox po ang 3-year-old boy ko, 'tapos preggy po ako ngayon, 7 months. Paano po kaya 'yun? Baka po kasi makaapekto sa baby ko."

    Halos pareho ang concern ng isa pang mommy. Pero siya naman ang may bulutong at suspetsya na buntis rin siya. Aniya, "Ask ko lang kung may possible effect ba 'tong chicken pox if ever pregnant ako?"

    Ano ang epekto ng bulutong sa buntis?

    Maaaring malagay sa health risks ang buntis na may bulutong at kanyang ipinagbubuntis. Ito ang sabi ni Dr. Tatnai Burnett sa Mayo Clinic tungkol sa "highly contagious viral infection" na sanhi ng varicella-zoster virus (VZV).

    Sakaling magkasakit ka ng bulutong habang buntis, baka magkaroon ka ng komplikasyon tulad ng pneumonia. Para naman sa iyong sanggol, depende ang magiging komplikasyon sa timing.

    Kung nagkabulutong ka, halimbawa, sa iyong Week 8 hanggang Week 20, puwedeng malagay si baby sa panganib ng pagkakaroon ng "slight risk of a rare group of serious birth defects known as congenital varicella syndrome."Ang sanggol daw na may congenital varicella syndrome ay maaaring magkaroon ng "skin scarring," pati na "eye, brain, limb, and gastrointestinal abnormalities."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung nagkabulutong ka naman ng ilang araw bago ka manganak hanggang 48 hours pagkatapos mong manganak, posibleng maharap ang iyong sanggol sa isang "potentially life-threatening infection" na tinatawag bilang neonatal varicella.

    Mga sintomas ng bulutong

    Dahil lubhang nakakahawa ang bulutong, paalala ng mga eksperto sa mga buntis na ibayong pag-iingat ang pairalin kung may kasama sa bahay na dinapuan na nito.

    Rashes

    Itsurang paltos ang rashes na palatandaan ng bulutong. Kadalasan daw nagsisimulang sumulpot ang  sa mga ito sa mukha, dibdib, at likod hanggang kumalat na sa iba pang parte ng katawan. Magsusugat ang rashes at  matutuyo sa loob ng limang araw o higit pa.

    Fever

    Marami sa mga nagkasakit na ng bulutong ang nilagnat muna isa o dalawang araw bago nagsimulang magsulputan ang rashes.

    Tiredness

    May dati ring pasyente na napansing madali silang mapagod bago tuluyang magkasakit ng bulutong.

    Loss of appetite

    Ang iba namang pasyente, nakaranas naman ng pagkawala ng ganang kumain nang magkasakit sila ng bulutong.

    Headache

    Puwede rin daw magkaroon ng pananakit ng ulo bilang sintomas ng bulutong. Kaya mainam daw na magpahinga na lang nang husto hanggang tuluyang gumaling.

    May babala lang ang Department of Health (DOH) para sa mga nabakunahan na laban sa varicella-zoster virus. Maaari ka pa rin daw magkasakit ng chickenpox pero mild na lang, kaya parang kagat na lang ng lamok ang rashes at baka wala ng iba pang sintomas.

    Pero hindi mo pa rin daw dapat balewalain para naman sa kapakanan ng puwedeng mapasahan mo ng varicella-zoster virus. Baka kasi may kasama ka sa bahay na hindi pa nagkakabulutong o hindi pa natuturukan ng varicella vaccine. Kabilang sa mga high risk ang buntis.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mga dapat gawin

    Kung buntis ka at hindi pa nakakatanggap ng varicella vaccine, kaagad komunsulta sa doktor sa sandaling magkaroon ka ng exposure sa chickenpox. Sabi ni Dr. Burnett, maaaring bigyan ka ng iyong doktor ng "injection of an immune globulin product that contains antibodies to the chickenpox virus."

    Sikapin lang na mabigyan ka ng injection sa loob ng sampung araw nang magkaroon ka ng exposure sa chickenpox. Mas malaki raw ang tyansa na mapababa ng immune globulin na magkabulutong ka o di kaya maiwasan ang severe case. Hindi pa lang daw sigurado kung mapoprotektahan din ang sanggol sa iyong sinapupunan.

    Kung nahawa ka na at tuluyang nagkabulutong, mabibigyan ka ng tamang gamot ng iyong doktor. Mas magiging epektibo raw ang gamot kung nasimulan mo itong inumin sa loob ng 24 oras na may sumulpot na rashes. May gamot din daw para kay baby sakaling magkasakit din siya ng chickenpox.

    Payo ni Dr. Burnett sa mga kababaihan na nagpaplanong mabuntis, mainam na magpabakuna kung hindi pa nakakatanggap ng varicella vaccine at bago pa magkaroon ng sintomas ng bulutong. Suhestiyon pa niya na hintayin ang tatlong buwan pagkatapos ang second dose ng vaccine bago mabuntis.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles