embed embed2
  • Puwedeng Makapinsala Ang Stress Ng Buntis Sa Brain Development Ni Baby

    Eto pa ang isang rason para iwasan ang stress habang nagdadalang-tao.
    by Jocelyn Valle .
Puwedeng Makapinsala Ang Stress Ng Buntis Sa Brain Development Ni Baby
PHOTO BY Shutterstock/aslysun
  • Tunay na hindi nakabubuti ang stress sa buntis at kanyang ipinagbubuntis, ayon sa mga eksperto (basahin dito). Isa pang rason para iwasan ang stress habang nagdadalang-tao ay ang posibleng pinsalang dulot nito sa brain development ng sanggol sa sinapupunan.

    Ito ang napag-alaman ng bagong pag-aaral na nailathala kamakailan sa medical journal JAMA Open Network at naiulat naman sa media outlet ng CNN

    Ang mga fetus daw kasi ng mga ina na may mas mataas na anxiety levels ay maaaring magkaroon ng mas mahinang koneksyon sa pagitan ng dalawang brain areas na sangkot sa executive at higher cognitive functions.

    Puwede rin daw magkaroon ang mga sanggol ng mas malakas namang koneksyon sa pagitan ng mga parte sa brain na konektado sa emotional at behavioral controls.

    Pinalalakas ng study na ito ang mga nauna ng research na nagpapatotoo sa direktang epekto ng maternal stress sa future development ng baby.

    Nagbigay ng paliwanag si Catherine Limperopoulos, ang study author na siya ring director sa Developing Brain Institute sa Children’s National, na matatagpuan sa U.S. capital city na Washington, D.C.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aniya, “Toxic levels of anxiety…appear to be having direct effects on the way the fetal brain is being sculpted and organized in utero.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Dagdag pa niya, “What the expectant mother is experiencing, the unborn baby is experiencing as well.”

    Masasabing narating ng buntis ang “toxic” level ng anxiety kapag naaapektuhan na ang pagganap niya sa pang-araw-araw na mga tungkulin at responsibilidad. Pero hindi pa naman siya clinically diagnosed na mayroong mental illness o disorder. 

    Ang stress ang dahilan kung bakit ang pituitary at adrenal glands ay biglang pinupuno ang katawan ng tinatawag na “fight-or-flight” hormones. Iyon ang nakatutulong sa mga sinaunang tao na makatakas sa mga mababangis na hayop at iba pang panganib.

    Sa panahon ngayon, nabubuhay ang mga tao na may chronic stress at chemicals sa katawan, kabilang na ang stress hormone cortisol, na siya namang may abilidad na tawirin ang placental barrier sa pagitan ng mommy at baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon pa kay Limperopoulos, ang ugnayan sa pagitan ng maternal stress at fetal brain development ay lalong nakababahala sa mga buntis sa gitna ng pandemya. Lumabas na sa nauna niyang pag-aaral na doble o di kaya triple pa ang stress na pinagdadaanan ng mga buntis ngayong panahon ng COVID-19.

    Lahad niya, “And there’s other published studies confirming that pregnant women are reporting very high levels of stress during the pandemic...

    "There’s a critical take-home message here. It is really important that we are alerting women to the fact that higher levels of stress may have an effect on their baby’s development and direct them to resources that can help them better manage their stress during their pandemic and beyond.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles