embed embed2
Personal Fetal Doppler: Ligtas bang Gamitin sa Bahay?
PHOTO BY iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Ang mga nanay sa aming Smart Parenting Village Facebook group ay nagtatanong sa ibang miyembro kung anong brand ng handheld fetal doppler ang gamit nila (o kung meron bang nagbebenta nito kahit gamit na). Ito ay ginagamit ng mga buntis para masuri ang tibok ng puso ng hindi pa pinapanganak na sanggol. Isang mabilis na paghahanap sa Lazada or Shoppee at magbibigay ito ng ilang pagpipilian mula sa halagang Php800 hanggang Php2000 o higit pa.

    Ngunit may isang tanong na nakakuha ng pinakamaraming sagot. Ito ay mula sa isang nanay na miyembro ng SP Village na nagtanog kung paano ang tamang paggamit ng fetal doppler. Ito ay nasundan pa ng iba pang mga katanungang: kailangan ba talaga ng fetal dopplers? Ligtas nga ba talaga ang mga ito?

    What other parents are reading

    Ang fetal doppler ay isang hand-held ultrasound transducer na ginagamit para maramdaman at marining ang tibok ng puso ng hindi pa ipinapanganak na sanggol. Ipinaliwanag ng isang espesyalista ng maternal-fetal medicine na si Thomas Moore kung paano ito ginagamit. Ang instrumento ay maglalabas ng mataas na frequency na sound waves na kayang tumagos sa iyong balat at tissue patungo sa iyong matris o bahay-bata. Kapag ang waves ay nakaramdam ng paggalaw tulad ng tibok ng puso ng iyong sanggol, tatalbog muli ito pabalik sa instrumento kung saaan isinasalin ng doppler para maging isang tunog at pinapalakas para marinig ng malinaw. 

    Simula 2014, ang U.S. Food and Drug Administration (FDA) ay hinihiling na maging maingat ang mga buntis lalo na pagdating sa paggamit ng pang-bahay na fetal dopplers. “Ang mga kagamitan na ito na ginagamit para marining ang tibok ng puso ng hindi pa ipinapanganak na sanggol ay legal na kinikilala bilang 'prescription devices' at maaari lamang gamitin sa ilalim ng pangangasiwa ng isang health care professional,” sinulat ng ahensiya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang mga fetal dopplers ay hindi kinakailangan sa bahay o sa pangpersonal na gamit maliban kung pinayuhan ka ng doktor na magkaroon nito. Ang ibang mga doktor ay nirerekomenda ito sa mga high-risk na nagbubuntis ngunit ito ay dapat na may kalakip na wastong pamamaraan ng paggamit at pangangasiwa.

     

    Ang problema sa personal fetal doppler ay ito ay ibinibenta bilang isang instrumento na maaaring makapagpababa ng pagkabalisa ng mga nagbubuntis na nanay ngunit sa totoo ay kabaliktaran ang nangyayari.

    What other parents are reading

    Ang pang-bahay na fetal dopplers ay maaaring makadagdag sa iyong pagkabalisa

    Kakailanganin ng matagal na pagsasanay upang magamit ang doppler ng tama. Maraming rason kung bakit kahit ang mga propesyunal ay posibleng mahirapan sa pagkuha ng tibok ng puso ng hindi pa ipinapanganak na sanggol. Maaaring masyadong maaga pa o nasa mga unang buwan pa lamang ng pagbubuntis para makarining ng tibok. Ang posisyon rin ng bata sa loob ng bahay-bata ay maaari ring makapagpahirap upang makakuha ng tunog. Ang hindi mahanap o marinig na tibok ng puso ng sanggol ang madalas na inirereklamo ng mga nanay na gumagamit ng fetal dopplers sa bahay. Ito ay nagiging sanhi pagaalala o pagkatakot.

    Ang mga personal na fetal dopplers ay maaari kang bigyan ng maling akala

    Ang fetal doppler ay posibleng makakuha ng ibang galaw at tunog sa loob ng iyong uterus katulad ng tibok ng sarili mong puso. Kahit ang mga propesyunal na may pagsasanay ay hirap din minsan na marining ang kaibahan ng bawat tunog. At may mga ganitong kaso.

    Sa U.K., isang 34 na taong gulang na nanay na unang beses palang magbubuntis ang nakaramdam na hindi gumagalaw ang kanyang sanggol sa sinapupunan. Siya ay may low-risk na pagbubuntis at halos matapos na ang kanyang full-term. Gumamit siya ng pang-bahay na fetal heartbeat monitor at naging kampante na maayos ang lahat sa pagaakala na ang naririnig niya ay ang tibok ng puso ng kanyang anak. Sa kanyang naka-iskedyul na prenatal checkup matapos ang tatlong araw, ay tsaka pa lamang niya nalaman na patay na ang kanyang sanggol base na rin sa ultrasound na ginawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Isang kaparehong kaso rin ang nangyari sa U.S. kung saan ang isang babae ay lampas na ng isang linggo mula sa takdang petsa ng kanyang panganganak ngunit hindi pinansin ang nararamdaman at gumamit lang ng fetal doppler para suriin ang lagay ng kanyang sanggol.

    Ang mga personal fetal dopplers ay hindi dapat ginagamit kung kelan mo lang gusto

    Ang FDA, sa kanilang salaysay, ay nagbabala rin ukol sa tumataas na bilang at dumadalas na paggamit ng fetal dopplers dahil “ito rin ay dumadagdag sa potensiyal na masamang epekto sa sanggol at sa nanay.” Bagama't wala namang masamang epekto ang paggamit (ACOG) ay binibigyang diin na gumamit lamang nito kung kinakailangan.

    Kahit marami pa ring nanay, lalo na yung nakaranas ng pagkalaglag ng ibinubuntis, ang iniisip na ang pagkakaroon ng fetal doppler sa bahay ay nakakatulong upang gumaan ang kalooban at magkaroon ng katahimikan sa pagiisip, mas mabuti pa rin na sumangguni at ipagawa ito sa mga doktor na sanay sa paggamit ng ganitong mga instrumento. Kung ikaw ay nasa iyong second trimester ng pagbubuntis o higit pa, ang iyong doktor ay malamang na tuturuan ka kung paano ma-monitor ang galaw ng sanggol kaysa umasa sa mga instrumento na hindi ka naman nagsanay sa paggamit o sa pagbasa ng resulta.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles