embed embed2
  • Alamin ang Mga Inumin na Ligtas sa Buntis

    Sinagot ng ilang eksperto ang madalas na tanong ng karamihang buntis pagdating sa mga dapat at hindi nila dapat inumin.
    by Lei Dimarucut-Sison .
Alamin ang Mga Inumin na Ligtas sa Buntis
PHOTO BY @SHansche/iStock
This article was translated into Filipino via Google Translate. To read the original story in English, click here.
  • Huling ilang buwan na ng taon! Panahon nanaman ng mga kasiyahan, kainan, inuman, at selebrasyon. Ngunit, paano kung buntis ka? Ang pagbubuntis ay isang panahon ng pag-iingat, dahil ang bawat galaw mo, maging ang mga pagkaing iyong kakainin at mga iinumin mo ay may impact sa buhay na nasa loob ng iyong sinapupunan. Ano nga ba ang mga dapat at hindi mo dapat inumin? 

    Mga ligtas inumin habang nagbubuntis

    Sa panahon ng iyong pagbubuntis, ang kalusugan mo at ng iyong anak ang pinakamahalaga. Ibig sabihin, kailangan mong maging maingat pagdating sa mga iinumin mo. Kailangan mo ring maging maingat kahit sa mga inuming dati mo nang nakasanayan tulad ng kape, milk tea, o kung ano pa mang alcoholic beverage. 

    Ligtas ba para sa mga buntis na uminom ng kape? HINDI.

    Bagaman maraming benepisyo ang pag-inom ng kape, hindi ito inirerekomenda para sa mga buntis dahil maaaring maipasa mo ang caffeine mula sa kape papunta sa placenta at sa iyong anak. Ang mataas na caffeine na nakukuha sa kape, tsaa, chocolate drinks, at soda ay maaaring magdulot ng low birth weight. Maaari rin itong maging sanhi upang mapigilan ang paglaki ng iyong anak maliban pa sa ibang mga kumplikasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Ligtas ba para sa mga buntis na uminom ng tsaa? OO, MINSAN.

    Kung mahilig kang uminom ng tsaa, magandang balita dahil hindi mo ito kailangang iwasan o alisin sa iyong diet. Kailangan mo lang itong bawasan at kailangan mo ring piliin kung ano ang tamang kape na dapat mong inumin. Ang tsaa ay may taglay na polyphenols at antioxidants na maaaring maging proteksyon ng iyong puso at immune system. Dapat mong tandaan na hindi lahat ng tsaa ay magkakapareho. Iwasan mo ang mga "cleansing," "diet," at herbal laxative teas.

    Ang mga herbal tea na katulad ng chamomile, ginger, at mint ang ilan sa mga magagandang maaari mong inumin dahil kaya nitong pagandahin ang iyong pakiramdam kung mayroon kang common pregnancy symptoms tulad ng morning sickness at insomnia. Isang magandang source din ng bitamina ang Nettle leaf tea (hindi Nettle leaf root). Maaari ring makatulong ang red raspberry leaf tea. Sinabi ni Amelia Hirota, D.Ac., isang herbalist at infertility acupuncturist sa Phoenix Fertility Center, sa Parents.com"Many midwives believe that drinking red raspberry leaf tea during pregnancy tones the uterine muscle, which may help make contractions more efficient." Kailangan mo lang tandaan "to drink in moderation."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ligtas ba para sa mga buntis ang fruit juices? OO, NGUNIT DAPAT MAG-INGAT.

    In general, mabuti para sa mga buntis ang fruit juices. Ang orange juice ay sagana sa fiber, calcium, at Vitamin C, ngunit ang pag-inom ng sobra nito ay maaaring magdulot ng stomach acids o heartburn. Ang prune juice naman ay mabisang panlaban sa constipation, ngunit hindi mo na ito dapat iniinom kapag malapit na ang iyong due date. Tandaan na mas magandang uminom ng mga fruit juices na pasteurized upang makasiguro ka na walang food-borne bacteria na makakasama sa iyong anak. Dapat mo namang iwasan ang mga artificial fruit juices dahil mataas ang sugar content nito at maaari itong maging dahilan ng gestational diabetes.

    Ligtas  ba sa mga buntis ang uminom ng alak o alcoholic drinks? HINDI.

    Ang alcohol sa iyong sistema ay maaaring makapagdulot ng birth defects at developmental disorders katulad ng fetal alcohol syndrome na nagiging ugat ng mental retardation, heart problems, at facial deformities. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ligtas ba para sa mga buntis na uminom ng soft drinks? HINDI. 

    Kung babasahin mo ang labels ng mga soft drinks, makikita mo na ang pangalawang pinakamaraming ingredient nito ay asukal. Mataas din ang caffeine content nito—ilan lamang sa mga dahilan para iwasan mo ito habang ikaw ay buntis.

     

    More from Smart Parenting

    Ligtas ba para sa mga buntis ang uminom ng milk tea? HINDI.

    Una, ano nga ba ang laman ng isang baso ng milk tea? Mayroon itong caffeine. Kung ikaw ay buntis, okay lang ang less than 200mg ng caffeine sa isang araw. Mayroon din itong gatas. Maganda man ito para sa katawan in general, ang mataas na trans fat na mayroon ang gatas na karaniwang nasa milk tea ay maaaring makapagpataas ng iyong cholesterol level. Mayroon ding syrup ang karamihan sa mga baso ng milk tea. At dahil ang syrup ay gawa sa maraming asukal, hindi ito makakabuti sa iyo. Sa katunayan, ayon sa healthworks.my, tinatayang mayroon itong at least anim na kutsara ng asukal. Ang carbohydrates ng tapioca pearls ay maaari ring makapagpataas ng iyong blood sugar. 

    Ligtas ba para sa mga buntis ang sports drinks? OO, SURPRISINGLY.

    Importante para sa mga buntis ang manatiling hydrated at ito ang isa sa mga mabuting naidudulot ng sports drinks. Bukod pa rito, may electrolytes din ang sports drinks na maaaring makatulong sa iyong bodily functions. Siguraduhin mo lang na mababa ang sugar content ng sports drink na iinumin mo at iinumin mo ito in moderation. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

How is the Filipino translation of this article?
Thank you for submitting your feedback!
View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles