embed embed2
  • 134 Buntis Positibo Sa COVID-19 Pero Hindi Ang Mga Sanggol

    Maaaring patunay ito na hindi naipapasa ng buntis ang virus sa kanyang sanggol.
    by Jocelyn Valle .
134 Buntis Positibo Sa COVID-19 Pero Hindi Ang Mga Sanggol
PHOTO BY iStock
  • Sa lampas isang milyon na COVID-19 cases sa United States, nagtala ang California state ng ikalimang pinakamataas na bilang, 71, 047, ayon sa May 13, 2020 datos ng Johns Hopkins University Center for Systems Science and Engineering. 

    Isa sa mga lugar sa California na lubhang apektado ay ang Los Angeles Country, kung saan mayroong 14 siyudad kabilang ang Los Angeles City. Sa ulat ng Los Angeles Times newspaper nitong May 11, mayroong higit sa 32,000 cases ang lugar na kilala din sa tawag na L.A. Lampas 1,500 sa mga kasong iyon ang pumanaw na. 

    Sinabi din sa ulat ang babala ng health officials na kabilang ang mga buntis sa mga mahihina ang panlaban sa mga malalang epekto ng novel coronavirus na sanhi ng nakamamatay na sakit. Ngunit hindi pa matukoy ang lagay ng mga buntis mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic dahil hindi sila kadalasang naisasama sa mga datos.

    What other parents are reading

    Mabuti na lamang daw ay napag-usapan ang kalagayan ng mga buntis sa nakaraang pagpupulong ng mga opisyales ng L.A. Country. Dito ibinalita ni Public Health Director Barbara Ferrer na 134 buntis sa kanilang lugar ang nag-positibo sa virus.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Higit 82 porsiyento sa pregnant COVID-19 cases na iyon ang symptomatic, pero hindi nabanggit kung anong mga sintomas ang naramdaman nila. Ang 29 sa kanila ay ligtas na nanganak na, samantalang sawi ang isa dahil stillborn ang kanyang sanggol.

    Halos lahat ng mga bagong silang na sanggol — 24 ang eksaktong bilang, kasama na ang isang pares ng kambal — ay nagpa-test na sa COVID-19, at negatibo silang lahat. 

    Pinunto ng artikulo na ang negatibong resulta ng mga newborn ay nagsasabing malabo na maipasa ng buntis ang virus sa sanggol sa kanyang sinapupunan. Ito rin daw ang paniwala ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang ahensiya ng pamahalaan ng Amerika na nangangasiwa sa kanilang kalusugan.

    What other parents are reading

    Subalit, pagbabala ng CDC, ang bagong silang na sanggol ay maaaring madaling kapitan ng virus sa pamamagitan ng person-to-person spread o mahawa ito ng ibang taong may sakit na. 

    Sa naunang ulat ng CDC, maliit lamang ang bilang ng mga sanggol na nagpositibo sa COVID-19 pagkapanganak pa lamang nila. Hindi pa alam kung nakuha nila ang virus bago o pagkatapos nilang isilang. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Samantala, wala pang kaso na nakitaan ng virus ang breast milk at iba pang bagay kaugnay sa panganganak, tulad ng amniotic fluid at maternal samples.

     

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close