-
Mabilis Ka Bang Nag-Labor? Mukhang Maganda, Ngunit May Mga Kaakibat Din Pala Itong Peligro
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Malimit ay sinasabi nating 'swerte' ang mga babaeng mabilis manganak o iyong mga sandali lang nag-labor at lumabas agad ang bata.
Bagaman mukhang maganda nga ito, alam mo bang may mga kaakibat din pala itong peligro?
Ano ang precipitous labor?
Ito ang uri ng labor na nangyayari nang napakabilis. Ibig sabihin, kung nag-labor ka at nanganak ka ng mas mababa sa tatlong oras pagkatapos magsimula ang iyong regular contractions, maituturing itong precipitous labor.
Ang maituturing na 'regular' na labor ay tatlo hanggang tatlumpung oras para sa mga first-time moms at tatlo hanggang labinlimang oras naman para sa mga nakapanganak na dati.
Anu-ano ang mga tanda na nagsisimula na ang precipitous labor?
Tandaan na ang labor ay unpredictable, lalo na sa mga unang bahagi. Sa early labor na tinatawag, maaari kang makaramdam ng mild at irregular contractions.
Habang tumatagal, mas lumalakas at mas nagiging consistent na ang contractions mo. Ibig sabihin, nagsisimula nang bumukas ang iyong kuwelyo ng iyong matris o cervix. Ayon sa mga eksperto, matagal na proseso ang pagbukas at pagnipis ng iyong cervix.
Kung biglang bumilis at naging malakas ang iyong contractions bago pa man lumipas ang isa o dalawang oras, maaari itong magsilbing warning sign na nakakaranas ka na ng precipitous labor.
Bukod pa riyan, maaaring precipitous labor din ang nararanasan mo kung pakiramdam mo ay walang pagitan ang mga contractions mo at kung nakakaramdam ka na ng pangangailangan na umiri.
Anong dapat gawin kung nakakaramdam ng precipitous labor?
Importanteng tumawag ka na agad sa iyong doktor kung nararamdaman mong pabilis nang pabilis ang mga contractions mo at paliit na nang paliit ang pagitan ng mga ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung sa mga unang oras pa lang ay ramdam mo na na kailangan mo nang umiri, huwag nang magpatumpik-tumpik pa at tumawag agad sa doktor mo.
Sinu-sino ang mga maaaring makaranas ng precipitous labor?
Paliwanag ng mga eksperto, hindi masasabi nang mas maaga kung makakaranas ka ng precipitous labor. Ngunit, may ilang mga babae na mas at risk para makaranas nito.
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga babaeng nakaranas ng placental abruption, ay mataas ang risk na makaranas ng precipitous labor.
Ang placental abruption ay isang kundisyon kung saan humihiwalay nang maaga ang placenta mula sa uterus.
Ito pa ang ilang risk factors:
- pagkakaroon chronic high blood pressure
- kung induced ang labor mo gamit ang prostaglandin E2
- kung mayroon kang chronic high blood pressure
Ang intrauterine growth restriction at mga fertility treatments at maaari ring magsilbing risk factor para makaranas ka ng precipitous labor.
Anu-ano ang mga maaaring maging komplikasyong dala ng precipitous labor?
Sa mga maswerteng pagkakataon na malimit nangyayari sa mga nanay na nanganganak bigla sa sasakyan o sa airport, wala naman magiging komplikasyon.
Ngunit may mga pagkakataon na nagkakaroon ng mga komplikasyon.
Isa na riyan ang hindi paggana ng epidural o ano mang pain management na ibinigay sa iyo ng iyong doktor.
Dahil nga mabilis ang iyong pagle-labor at panganganak, maaaring hindi pa gumagana ang pampamanhid ay lumabas na ang iyong anak.
Ilan pang maaaring maging komplikasyon ang mga sumusunod:
- labis na pagdurugo ng vagina o uterus
- tearing ng cervix o vaginal tissues
- tearing sa perineum o iyong bahagi sa pagitan ng vaginal opening at anus
CONTINUE READING BELOWwatch nowAno ang epekto ng precipitous labor sa baby?
Kung sa sobrang bilis ng iyong labor at panganganak ay inabutan ka na sa daan, maaaring lumabas ang anak mo sa isang unsterile o maruming environment. Ibig sabihin, tataas ang kanyang risk na maimpeksyon.
Maaari ring mahinga ng anak mo ang amniotic fluid sa ganitong sitwasyon.
Ano ang dapat gawin para maiwasan ang precipitous labor?
Payo ng mga eksperto, dahil hindi agad malalaman kung mararanasan mo ang precipitous labor, magandang magkaroon ng plano kung sakali mang mangyari ito.
Kailangan mo ring kausapin ang iyong doktor kung sa tingin mo ay maaari itong mangyari sa iyo. Sa ganitong paraan lang kasi masisiguro ng doktor mo na magiging maayos ang lagay ninyo ng baby mo.

- Shares
- Comments