embed embed2
  • 'Doc Matangos Ba Ilong?' At Iba Pang Nasabi Ng Mga Nanay Pagkatapos Nilang Manganak

    Minsan sa sobrang pagod, hindi mo na alam kung anong sinasabi mo.
    by Ana Gonzales .
 'Doc Matangos Ba Ilong?' At Iba Pang Nasabi Ng Mga Nanay Pagkatapos Nilang Manganak
PHOTO BY iStock
  • Sabi nga nila, huwag kang matakot sa panganganak dahil mas nakakatakot ang pagpapalaki ng mga bata. Ngunit gayon pa man, hindi pa rin maaalis sa mga nanay na mangamba, lalong-lalo na’t maraming maaaring mangyari habang nanganganak.

    Kaya naman kapag nakaraos na ang mga nanay, minsan ay hindi na nila namamalayan ang mga sinasabi nila. Sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, ibinahagi ng mga nanay kung anong unang nasabi nila nang sila’y makapanganak. Narito ang ilan sa mga pinaka common at nakakatuwa:

    'Gusto ko na pong kumain’

    Aminado ang mga nanay, lalo na ang mga na-CS, na pagkain ang isa sa mga una nilang hinanap, bukod kay baby, pagkatapos nilang manganak. May ilan pang nagkwentong gutom na gutom at uhaw na uhaw sila pagkatapos.

    What other parents are reading

    'Doc, kumpleto ba si baby? Okay ba siya?'

    Isa sa mga takot ng mga nanay na kapapanganak ay iyong magkaroon ng problema o komplikasyon si baby. Kaya naman kalimitan ay makulit na tinatanong ng mga nanay kung okay ba si baby o 'kumpleto' ba siya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    'Doc, 'yung bracelet ha?'

    Kwento ng isang nanay sa Village, na-imagine niya ang mga Pinoy teleserye kung saan naipapalit ng ospital ang mga bata, kaya naman una niyang nasabi ay ang paalala sa doktor na ilagay ang bracelet ni baby.

    What other parents are reading

    'Doc, pwede na bang kumain ng pizza?'

    Hindi lang pizza ang hiningi ng mga nanay—mayroon ding nagrerequest ng softdrinks, rice at iba pang mga pagkain. 

    'Nurse, pa-picture'

    Syempre hindi pwedeng makalimutan ng mga nanay ang magpakuha ng litrato sa mismong moment na una nilang nakilala ang kanilang anak. Sa katunayan, ilan pa nga sa kanila ang umaming ang una nilang nasabi ay 'Nurse, maganda ba 'yung picture?'

    'Doc, sinong kamukha?'

    Kalimitan ring ito ang unang sinasabi ng mga nanay pagkapanganak, kasunod ng 'Nasaan si baby?'

    What other parents are reading

    'Matangos ba ang ilong?'

    Maraming mga nanay naman ang naka-relate dito—ayon sa mga nanay, natawa ang kanilang mga OB-GYN nang marinig sila. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    'Thank you, Lord!'

    Ano man ang mga nakakatawang nasabi ng mga nanay, pare-pareho silang lubos ang pasasalamat nang makaraos sila sa panganganak. Ayon nga sa isang kasabihan, ang kapag nabuntis at nanganak ka, para na ring nasa hukay ang isa mong paa. Kaya naman walang pagsidlan ang pasasalamat ng mga nanay na nakapanganak na sila. 

    Ikaw? Anong nasabi mo pagkatapos mong manganak? I-share mo 'yan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close