embed embed2
Fact Or Myth? 10 Bagay Na Bawal Daw Gawin Pagkatapos Manganak
PHOTO BY iStock
  • Congratulations! Wala na sigurong mas sasaya pa sa pakiramdam na sa wakas, mahahawakan mo na ang iyong anak pagkatapos ng siyam na buwan na dala mo siya sa iyong sinapupunan. 

    Mga bawal sa bagong panganak

    Kung ika'y isang first-time mom, siguradong marami kang naging tanong noong buntis ka pa lang. Ngayong ika'y nakapanganak na, siguradong mas nadagdagan pa ang mga tanong na iyan. Anu-ano nga ba ang mga dapat at hindi dapat ginagawa ng isang ina matapos niyang manganak?

    What other parents are reading

    Bawal daw masyadong gumalaw dahil baka magkaroon ng binat sa panganganak

    Ano nga ba ang binat? Kapag kagagaling sa sakit ng isang tao, sinasabi sa kanya na huwag muna siyang masyadong gumalaw-galaw dahil pwede siyang mabinat—ganito rin ang paniniwala kapag kapapanganak.

    Ayon pa sa mga kasabihan, maaaring magdulot ang binat ng labis na sakit ng katawan, pagkabaliw o 'di naman kay ay pagkamatay. Ilan daw sa mga sintomas ng binat pagkatapos manganak ay ang pananakit ng ulo, paglalagas ng buhok, palagiang pagkahilo, at iba pa.

    Importanteng maintindihan mo na hindi biro ang pinagdaanan ng iyong katawan nang ika'y manganak. Kaya naman mahalaga na bigyan mo ng sapat na panahon ang iyong sarili para magpagaling. CS ka man o normal delivery, kailangan mong ipahinga ang iyong sarili.

    Bawal daw magsuklay dahil mababanat ang anit mo

    Kalimitan sa mga babae ay nakakaranas ng postpartum hair loss. Magsuklay ka man o hindi, malaki pa rin ang chance na mag-lagas ang iyong buhok pagkatapos mong manganak, lalo na unang tatlo hanggang anim na buwan bunsod ng mga pagbabagong nagaganap sa iyong katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Bawal ba mag-cellphone ang bagong panganak? Pati raw ang magbasa, at manood ng TV

    Sabi nila, lalabo raw ang mata mo kung gagamit ka ng gadgets at magbabasa pagkatapos mong manganak. Wala itong scientific basis. Kung gagawin mo naman ito in moderation, walang maaaring maging problema sa iyong paningin. Walang direktang koneksyon ang paglabo ng mata sa panganganak.

    Bawal daw kumain ng karne ng baka

    Mayroon namang nagsasabi na kapag kumain ka ng karne ng baka pagkapanganak mo, hindi raw agad maghihilom ang sugat mo, CS ka man o normal delivery. Wala ring scientific basis ito, sa katunayan, isa pa nga ang beef sa mga recommended na diet para sa mga breastfeeding nanay.

    What other parents are reading

    Bawal daw mag-gupit ng kuko

    Sabi nila, kailangan mo raw maghintay ng hanggang dalawang linggo bago mo gupitin ang mga kuko mo dahil nakakabinat daw ito. Ayon naman sa mga eksperto, walang koneksyon ang pag-gupit mo ng iyong kuko sa binat. Kung tutuusin, mas dapat ka pa ngang mas maging malinis sa iyong katawan ngayong may anak ka na. 

    Bawal daw maligo

    Bukod sa binat, isa sa mga mapapansin mong laging ipapaalala sa iyo ay ang mag-ingat sa 'lamig.' Kaya naman may mga nagpapayo sa mga nanay na huwag munang maligo, uminom ng malamig na tubig, o kumain ng pakwan at ano mang malamig dahil maaaring pasukin ng lamig ang katawan mo.

    Ang katotohanan, wala pang sapat na scientific basis para mapatunayang totoo ito. Sa katunayan, mas magiginhawahan nga ang iyong katawan kung maliligo ka. Makakatulong kung maliligo ka ng maligamgam na tubig para gumaan ang pakiramdam mo at maalis ang tension at fatigue na maaaring nararamdaman mo.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Bawal daw magpahilot agad pagkatapos manganak

    Ayon naman sa American Pregnancy Association, maaari ka lang magpamasahe kung kailan komportable ka nang gumalaw. 

    Mas makakabuti ring hingin mo muna ang pahintulot ng iyong doktor bago ka magpamasahe.

    Bawal daw magsuot ng shorts

    Kaugnay ito ng paniniwala ng karamihan na kapag nag-shorts ka, papasukin ng lamig ang katawan mo. Pwede kang magsuot ng shorts ngunit kailangan ay siguraduhin mong natatakpan ang iyong tahi kung CS ka. Importante kasing hindi ito ma-expose para hindi ito maimpeksyon. 

    Maganda rin ang shorts at dresses para kung sakali mang makaramdam ka ng 'hot flashes' dahil sa hormonal changes, hindi balot na balot ang katawan mo.

    What other parents are reading

    Bawal daw magbuhat ng mabibigat na bagay

    Tama ito. Kailangan kasi ay ipahinga mo munang mabuti ang iyong katawan bago ka gumawa ng ano mang mabibigat na trabaho sa bahay. Kalimitan kasi, hindi natin nakikita na maraming nagbago sa ating mga katawan pagkatapos nating manganak. Hindi madali ang makarecover, CS ka man o normal delivery. Sa katunayan, dapat ay ipinapahinga mo ang iyong katawan mula apat hanggang anim na linggo.

    Bawal daw kumain ng isda at ano mang pagkaing maanghang

    Pwede kang kumain ng maanghang—basta't in moderation. Pagdating naman sa pagkain ng isda, maaring kailangan mong iwasan ang king mackerel, swordfish, tilefish, and shark.

    Hindi talaga biro ang pinagdadaanan ng katawan ng isang babaeng nagbuntis at nanganak. Hindi biro ang biglang pagbabago ng hormones, at hindi rin biro ang ginawang trabaho ng katawan para makabuhay ng isang sanggol.

    What other parents are reading

    Bukod sa pisikal na pagbabago, marami ring nangyayari sa kaisipan ng isang bagong ina. May ilang mga ina na nagkakaroon ng postpartum depression. Kalimitan, nararanasan ito ng mga nanay sa unang sampung araw matapos manganak. May iba namang nakakaranas nito kahit ilang buwan na ang nakakalipas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang tinitignang dahilan nito ay ang mga hormonal changes na nararanasan ng isang babae. Mayroong pagkakataong nagiging sensitibo, emotional, at iritable ang kapapanganak. Kusa rin naman itong nawawala para sa ilan, ngunit sa iba, maaari itong tumagal hanggang isang taon. Naaapektuhan nito ang pag-iisip at pag-galaw ng isang ina. Sa mga ganitong panahon ay mas kailangan nila ang suporta at pang-unawa ng kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.

    What other parents are reading

    Para mas mapadali ang recovery mo bilang ina, makakatulong kung papaligiran mo ang iyong sarili ng mga taong willing na tulungan at suportahan ka sa mga pagdadaanan mo. Importanteng tandaan mo na ano man ang pinagdadaanan mo, hindi ka nag-iisa. Maraming ibang mga nanay na siguradong nakaranas din ng nararanasan mo.

    What other parents are reading

    Pagdating naman sa mga pamahiin at iba pang paniniwala, wala namang masama kung susundin mo ang ilan sa kanila. Ang mahalaga ay huwag mong balewalain ang ano mang nararamdaman mo sa iyong katawan. Kailangan ding ugaliin mong kumonsulta muna sa iyong doktor bago pa gumawa o sumubok ng ano mang kakaiba o alternatibong mga paraan para makarecover ka mula sa panganganak.

    Ikaw? Kumusta ang panganganak mo? Anu-anong mga paniniwala ang sinunod mo pagkatapos mong manganak? I-share mo lang 'yan sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close