embed embed2
Binat Ang Tawag Sa 'Di Kanais-Nais Na Pakiramdam Pagtapos Manganak: 8 Paraan Para Makaiwas
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.

    Kung bagong panganak ka, marahil isa sa pinag-aalala mo ay ang binat, bukod pa pag-aasikaso sa iyong newborn. Ang kalusugan mo bilang mommy ay mahalaga rin para maalagaang mabuti ang anak. Pero, paano maiiwasan ang sinasabing binat sa panganganak nang hindi tuluyang magkasakit?

    “Naku, huwag ka munang maligo ha baka mabinat ka.” Iyan ang madalas na marinig na bawal daw gawin pagkatapos manganak. Kaya nga, isa ito sa iniiwasan ng mga mommy na gawin pagkapanganak: ang pagligo. Nabibilang ang ganitong paniniwala ng panganganak sa matandang kaugalian ng mga Pilipino.

    Ilan pa sa mga ito ay pagsusuot ng medyas, pajama, at hindi pagtutok ng electric fan. Baka raw kasi pasukin ng lamig o pasma sa katawan at maging sanhi ito ng binat. Wala naman daw masama at mawawala kung susundin ang mga paniniwalang ito. Pero paliwanag ng mga ob-gyn, walang sapat na batayan ang mga ito para maging sanhi ng binat.

    Ano ang binat sa panganganak?

    Pagkaraan manganak, maraming pagbabagong pagdaraanan muli ng katawan ng mga nanay, kasama sa pisikal ang emosyonal ding aspekto. May ilang sintomas na normal lamang na maranasan, gaya ng panghihina ng katawan, pagkahilo, at pagdurugo dahil sa pinagdaanan sa panganganak.

    Batay sa mga eksperto, walang tiyak na katumbas ang binat na medikal na termino. Ito ang tawag ng mga Pilipino sa pangkalahatang nararamdaman ng tao matapos manganak o pagkakasakit muli pagkaraan ng pagbabalik ng katawan mula sa pagpapagaling.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Ros Padua, isang childbirth doula ng Pinay Doula Collective, sa ikatlong episode ng serye ng “How Po” ng SmartParenting.com.phna ang binat ay naiuugnay sa anumang hindi magandang pakiramdam na mararansan ng mga nanay pagkaraan ng isa o dalawang linggo pagkapanganak. Maaari itong pagkahilo, paglalagnat, pagkapagod, o matinding pagdurugo.

    Sa parehong episode, nagbigay din ng paliwanag si Dr. Maynila Domingo, isang obstetrician-gynecologist na espesyalista sa maternal-fetal medicine. Aniya, "anthropologic" ang binat, kaya ito raw ay "something unique to the Filipino culture." Ito rin daw ang "tawag natin in general sa mga di kanais-nais na pakiramdam after manganak."

    Sa kabilang banda, posibleng maranasan ang mga sintomas ng binat pagkapanganak dahil sa panghihina ng katawan at pakiramdam na nahihilo kapag tumayo. Dulot ito ng pagkawala ng maraming dugo sa panganganak. Maaari ding lagnatin kapag naranasan ang breast engorgement kaya kailangang regular na magpasuso nang maiwasan din ang mastitis.

    Bukod dito, ang pagkakaroon ng lagnat ay puwede rin dahil sa impeksyon, gaya ng urinary tract infection (UTI) o di kaya dehydration dahil sa nawalan ng dugo at tubig sa katawan.

    Mga posibleng maranasan pagkapanganak

    Kung ang binat ay nangangahulugang paglala ng kondisyon dahil sa kawalan ng pag-iingat. Ibig sabihin, isang bagay itong hindi dapat balewalain. Dahil din naiuugnay ito sa anumang kakaibang pakiramdam pagkatapos manganak, itinuturing ito ng mga doktor bilang posibleng bahagi ng komplikasyon ng postpartum.

    Dahil maraming dugo ang nawala, inaasahan na maging anemic ka, manghihina, at mamumutla. Ang pagdurugo rin na mararanasan pagkaraang manganak ay tumatagal nang anim hanggang walong linggo. Ang iba umaabot pa hanggang 12 linggo pagkapanganak. Nagsisimula itong malakas hanggang sa humina at maging paunti-unti na lang. Pero kung walang pagbabago at mas tumatagal ang iyong pagdurugo, agad na ipaalam ito sa iyong ob-gyn upang malaman ang iyong dapat gawin.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maaaring makaranas din ng mataas na lagnat o magkaroon ng chills dahil sa engorgement ng iyong dede dahil sa pagprodyus ng breast milk. Maaari ding maranasan ang pagtaas ng blood pressure kahit na walang history sa buong panahon ng pagbubuntis at kahit habang nanganganak. Tinawatag itong postpartum preeclampsia.

    Mga dapat tandaan pagkapanganak

    Hindi maiwasan na mabuhos ang atensyon mo kay baby dahil siyam na buwan mo nga naman siyang hinintay na mailuwal. Pero hindi mo rin dapat kalimutan ang iyong kalusugan.

    Mahalaga ang sapat na pahinga

    Kailangan talaga ng mga mommy na bagong panganak ang sapat na pahinga. Pagkaraan nilang manganak, maraming pagbabagong muli sa katawan ng mga mommy ang mag-aadjust at kailangang mag-recover para makapanumbalik sa dati.

    Maliban pa sa sapat na tulog at pahinga na pinakamagahalagang kailangan ng mga mommy, narito ang ilan pa sa dapat na isaalang-alang kung nararanas ng binat:

    • Mahalagang kumain ng masustansiyang pagkain. 
    • Kailangan ang pag-inom ng maraming tubig para manatiling hydrated.
    • Inumin ang mga gamot na ibinigay ng doktor sa tamang oras at mga food supplement katulad ng ferrous sulfate.
    • Magkaroon ng iskedyul sa pagpapasuso para makapag-establish din ng maayos na routine sa iyong baby. Halimbawa, ugaliing magpadede kada dalawang oras.
    • Huwag masyadong gumawa muna ng mabibigat na gawaing bahay maliban sa pag-aalaga sa iyong baby.
    • Iwasan ang pagbubuhat din ng mabibigat na bagay. Hangga’t maaari ay humingi ng tulong sa ibang gawain.

    Base sa sariling karanasan ng writer na ito, nagbigay ng paalala ang ob-gyn na pagkatapos manganak na wala naman daw problema sa pagligo basta kayang tumayo at kayang paliguan ang sarili.  Hindi rin ipinagbabawal ng ob-gyn namaligo basta kaya ng katawan. Payo rin ng ob-gyn na maaaring basain ang ulo at buong katawan, kahit dumaan sa CS delivery.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi pa ng ob-gyn, okay lang daw mabasa ang sugat mula sa panganganak dahil may plaster naman ito na waterproof kaya wala akong dapat ipag-aala. Ang mahalaga ay manatiling malinis ang katawan at sugat mula sa panganganak para maiwasan ang anumang impeksyon.

    Alagaan ang iyong sarili

    Ito ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin para makaiwas sa binat. Huwag ding kalilimutang bumalik sa iyong ob-gyn para sa postpartum checkups pagkatapos manganak kahit wala kang ibang nararamdaman.  

    At sakali mang may naramdam ng hindi normal, agad na ipaalam ito sa iyong doktor. Sa ganitong paraan mabibigayan ka ng tamang payo sa kung paano dapat pamahalaan ang anumang karamdaman, hindi lang binat sa panganganak.
     
    Mga pinagkunan ng impormasyon

    'Baka Mabinat ka!' Doctor Explains What Binat After Childbirth Really Means

    https://www.smartparenting.com.ph/pregnancy/labor-and-childbirth/binat-after-chlidbirth-a00041-20200913

    Recovering From Delivery

    https://kidshealth.org/en/parents/recovering-delivery.html

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles