embed embed2
  • Posibleng May Dagdag Na Panganib Ang C-Section Sa Buntis Na COVID-19 Positive

    Apektado ng mga kumplikasyon sa panganganak ang ina at sanggol.
    by Jocelyn Valle .
Posibleng May Dagdag Na Panganib Ang C-Section Sa Buntis Na COVID-19 Positive
PHOTO BY Unsplash
  • Nahaharap sa mas maraming kumplikasyon ang buntis na positibo sa COVID-19 kapag nanganak siya sa pamamagitan ng Cesarean section, ayon sa bagong pag-aaral. At maaaring maapektuhan ng mga kumplikasyon ang buntis at ang kanyang baby.

    Sa Spain ginawa ang pag-aaral, na nalathala bilang research letter sa Journal of the American Medical Association noong June 8, 2020 at inulat naman ng HealthDay. Lumahok ang 82 buntis na mayroong COVID-19 at nanganak sa iba’t-ibang ospital. Apat sa kanila ay nagpakita ng malalang sintomas ng sakit na dulot ng novel coronavirus.

    C-section nanganak ang 37 sa mga kababaihan sa pag-aaral, kabilang ang walo na kinailangan ang operasyon dahil sa pagkakaroon nila ng COVID-19.

    Pansin ng researchers na halos 30 percent ng mga batang isinilang sa C-section ay dinala sa neonatal intensive care unit (NICU) kumpara iyong mula sa vaginal delivery na 20 percent.

    What other parents are reading

    Sa online report, may komento si Dr. David Baud, na kasapi ng materno-fetal and obstetrics research unit sa Centre Hospitalier Universitaire sa siyudad ng Lausanne sa Switzerland. Aniya, ang C-section ay dapat lamang gawin kung hinihingi ng sitwasyon na labas sa kondisyon ng COVID-19. Hindi iyong dahil lang may COVID-19 ang manganganak o kaya ay para maiwasan ang pagsalin ng coronavirus sa isisilang na sanggol. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag pa ni Dr. Baud na tumataas ang panganib na hatid ng C-section kapag may COVID-19 ang buntis. Nakita sa pag-aaral na mas marami sa mga sumailalim sa C-section ang dinala sa intensive care unit (ICU). Mas marami rin sa kanila ang obese, nangailangan ng oxygen, at may abnormal chest X-ray nang dalhin sila sa ospital para manganak.

    Sa kabilang banda, wala sino man sa mga kababaihang lumahok sa pag-aaral na nanganak sa normal na paraan o vaginal delivery ang nagkaroon ng malalang problemang medikal. Samantalang halos 14 percent naman sa mga na-Caeserean ang dinala sa ICU. Lumala ang sakit sa COVID-19 ng 5 percent mula sa grupo ng vaginal delivery at 22 percent naman sa grupo ng C-section. 

    What other parents are reading

    Pinunto sa ulat ng HealthDay na maaaring makatulong ang pag-aaral sa pagbibigay linaw sa posibilidad na maipasa ng buntis ang virus sa sanggol sa kanyang sinapupunan.

    Base kasi sa pag-aaral, 4 percent sa 72 newborn babies ay nagpositibo sa COVID-19. Nang ulitin ang test pagkaraan ng 48 hours, lumabas na positibo ang lahat ng mga sanggol. Ngunit hindi sila nagpakita ng sintomas pagkalipas ng sampung araw.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    May dalawa lang sanggol na iniluwal sa C-section ang nagkaroon ng COVID-19 symptoms sa loob ng sampung araw at pareho silang nagkalapit sa kani-kanilang mga magulang nang ipanganak. Nawala naman ang mga sintomas makaraan ang dalawang araw. 

    Sinuri ni Dr. Adi Davidov ang pag-aaral at naiulat din ito. Sinabi ng associate chairman ng obstetrics and gynecology department sa Staten Island University Hospital sa New York City, U.S.A. na hindi nakakapagtaka na masama ang kinalabasan ng resulta ng mga buntis na nag-Caesarean.

    Ang mga kababaihan daw kasi na may COVID-19 at nangangailangan ng C-section ay karaniwang sakitin, kaya posible talagang malala ang kanilang mararanasan. Dagdag pa niya na kahit tinangka ng researchers na kontrolin ang maraming factors, halos imposible na kontrolin ang lahat ng variables sa ganoong klase ng observational study. 

    Ngunit kahit mayroong ganoong “confusing variables,” masasabi ni Dr. Davidov na pinakaligtas pa rin ang vaginal delivery maging COVID-19 positive man ang buntis o hindi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close