embed embed2
Para Sa C-Section Moms, May 5 Benepisyong Hatid Ang Postpartum Girdle
PHOTO BY Shutterstock
  • Pagkatapos ng panganganak via Cesarean section, napakahirap ang kumilos at ramdam na ramdam din ang kirot na dulot ng operasyon. Kaya talagang kailangan ng mga bagong mommy ng pansuporta sa kaniyang sugat para maayos na makagalaw at maalagaan ang kaniyang baby. Kailangan din niyang makapagsuot ng komportable at maginhawang damit para mas madaling makapagpadede rin dito.

    Isa sa inirerekomenda ng ob-gyn ang pagsusuot ng abdominal binder o kaya naman C-section girdle. Ang mga postpartum support bands na ito ay nakatutulong sa mga bagong panganak sa panahon ng kanilang pagpapagaling. (Basahin dito ang C-section recovery care.)

    Iba-iba ang disenyo at style ng mga postpartum belly wrap meron iyong girdle, belt, pull-ons at iba pa. Magkakaiba-iba rin sa pansara. Merong pa-velcro, zipper, at hook and eye na ang pangunahing layunin ay makontrol ang paghigpit nito sa bawat bahagi ng pagre-recover.

    Benepisyo ng pagsusuot C-section girdle

    Isang bagay na iniisip ng mga bagong mommy pagkaraan nilang manganak sa pamamagitan ng C-section ay kung paano makakikilos nang mabuti at hindi rin gaanong ramdam ang kirot ng sugat.

    Batay sa mga pag-aaral,  tunay na nakapagbibigay ng ginhawa ang pagsusuot ng postpartum girdle sa mga bagong mommy na dumaan sa C-section delivery. Nasusuportahan nito ang abdominal muscle at naiiwasan ang pagkakaroon ng diastasis recti na isang kondisyon kung saan nananatiling magkakahiwalay ang mga abdominal pagkatapos manganak.

    Ilan pang bagay na naitutulong nito ang mga sumusunod:

    • Nakababawas sa sakit at pressure na mararanasan dulot ng operasyon (lalo na sa bahagi ng sugat)
    • Naiibsan ang pagdurugo
    • Naiibsan ang pamamanas at retensyon ng tubig
    • Nabibigay ng dagdag na suporta sa likod para sa maayos na postura at makaiwas sa pananakit ng likod
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod pa sa mga nabanggit, ang pagsusuot ng C-section girdle (wraps o bands man ito) ay makatutulong sa mas mabilis na pagbalik ng uterus sa dati nitong laki bago ang pagbubuntis.

    Kailan dapat magsuot ng C-section girdle

    Karaniwang ipinapagamit ng mga ob-gyn sa kanilang pasyente ang binder o girdle pagkaraan ng operasyon o di kaya sa unang araw matapos ang operasyon. Nagpapatuloy itong suot kahit pagkatapos na matanggal ang balot ng sugat.

    Tulad ng ob-gyn na si Dr. Brittany Robles, ipinapayo niya ang pagsusuot nito nang mula apat hanggang anim na oras sa simula pa lang. Sa ganitong paraan masasanay na suot ito at makagalaw din nang maayos. Maaaring unti-unti sa paglipas ng mga araw ay mas tumagal pa at umabot mula sa 8 hanggang 12 oras ang pagsusuot nito.

    Batay naman sa nakasaad sa MedlinePlus ng United States National Library of Medicine, ang paglalakad ay isa sa makatutulong para mas mapabilis din ang paggaling mula sa C-section delivery at maiwasan ang blood clot.

    Ngunit hindi magiging komportable ang paglalakad dahil sa sugat kaya malaking bagay ang pagsusuot ng C-section girdle. Ipinapayo ring makabubuting isuot ito sa panahon na aktibong gumagalaw o kumikilos. Higit itong nakatutulong sa pagtayo, paglalakad, at pag-upo.

    Dagdag pa ni Dr. Robles, maaaring isuot ito sa loob ng 6 hanggang 12 linggo pagkaraan ng panganganak. Pagkalipas nito na naka-recover na mula surgery, maaaring alisin o hindi na ito gamitin. Paliwanag din niya na ang postpartum belly wraps ay hindi nakatutulong sa pagbawas ng timbang o paghubog ng katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Iba postpartum belly wraps, binder, o girdle sa waist trainer. Ang gamit ng C-section girdle ay makapagbigay ng suporta sa bahagi ng abdominal pagkatapos ng operasyon para mabawasan ang mararamdamang sakit at hirap sa pagkilos.

    Paalala pa ng ob-gyn na wala nang makukuhang benepisyo kung isusuot ito nang mula tatlo hanggang anim na buwan. Samantala, kung nais naman daw gumamit ng waist trainer, tiyakin na maging maingat upang hindi ito makaapekto sa proseso ng paghihilom ng sugat o pagpapagaling mula sa C-section delivery.

    Tips sa pagpili ng susuoting postpartum girdle

    Maraming pagpipilian na uri ng girdle pero piliin iyong makatutugon sa iyong pangangailangan at mas madali at komportableng suotin. May ilang girdle rin ang may kamahalan ang presyo pero meron naman na abot-kayang halaga.

    Kung isaalang-alang ang presyo nito tiyakin din naman na maganda ang kalidad. Makabubuti ring humingi ng payo sa iyong ob-gyn sa uri ng C-section girdle na susuotin mo kung nahihirapan kang pumili o humanap.

    Maaaring isaisip ang mga sumusunod para sa iyong pagbili:

    1. Komportableng suotin

    Pumili nang hindi sobrang higpit na hindi ka na makahinga. Humanap nang mas madali lamang ang higpitan din. Tingan iyong adjustable o stretchable na makaaangkop sa anumang anyo o hugis ng katawan.

    2. Madaling gamitin

    Piliin iyong hindi ka mahihirapang isara o mahirap ang paga-adjust ng higpitan. Humanap ng mas user-friendly ang disenyo.

    3. Hindi kapansin-pansin kapag suot

    May mga binder o girdle na mas seamless, hindi maumbok o hindi halata kapag suot lalo na pag gusto mong magsuot ng fitted na damit. Makabubuting piliin din ang skin tone style.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga paalala sa pagsusuot ng C-section girdle

    May mga postpartum belly wraps na madali lamang isuot. Iyong maipalilibot mo lamang sa iyong tiyan at maisasara ito agad. Pero may dapat tandaan o ilang palala sa paghihigpit nito:

    1. Huwag masyadong mahigpit na mahigpit. Tignan kung hindi mo maipasok ang isang daliri mo rito maaaring masyado itong mahigpit.

    2. Tiyakin na kaya mo pang makahinga nang malalim kung hindi magagawa ito kailangang luwagan nang kaunti.

    3. Nakapagbibigay ng suporta sa iyong abdominal sa pamamagitan ng banayad na paghigpit o kompresyon.

    ---

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    Going home after a C-section

    https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000624.htm

    How Long Should You Wear A Binder After C-Section? [Doctor Explains]

    https://postpartumtrainer.com/binder-after-c-section/

    ---

    Basahin dito para naman sa pregnancy binder.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles