embed embed2
Puwedeng Maging Keloid Ang Sugat Mula Sa C-Section: 5 Tips Para Maiwasan Ito
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.

    Pagkatapos mong manganak, bukod sa pagi-isip kung paano maalagaang mabuti ang iyong baby, ay isinasaalang-alang mo rin ang pag-aalaga sa iyong sarili. Hindi rin madali ang pagpapagaling mula sa panganganak, lalo na kapag Cesarean section (CS), delivery dahil sa sugat na dulot nito na posibleng mauwi sa C section keloid.

    Samantala, hindi naman na kailangang linisin pa ang sugat ng CS dahil ang ginagamit na sinulid ngayon ng doktor sa operasyon ay iyong kusang natutunaw na. Gumagamit din ng waterproof na gasa (gauze) bilang pantakip ng sugat para maiwasan itong mabasa kapag naliligo ka at hindi makapasok ang mikrobyo.

    Maghihintay ka na lamang din ng isa hanggang dalawang linggo para sa paggaling ng iyong sugat. Mahalaga rin ang pagbalik sa iyong ob-gyn dahil siya ang maga-alis ng gasa mula na pinangtakip sa iyong sugat.

    Ang iyong ob-gyn rin ang susuri kung maayos ang iyong sugat at wala naman itong impeksyon. Bukod pa rito, nagbibigay rin ang iyong ob-gyn ng mga payo sa kung paano mo maalagaan ang iyong sugat habang tuluyang nagpapagaling.

    Tandaan na bagaman ang sugat sa labas ay papagaling o tuyo na, sa loob nito ay hindi pa lubos na naghihilom ang sugat. Kaya mahalagang sundin ang bilin ng iyong ob-gyn upang maiwasan ang pagbuka nito o anumang maaaring mangyari kapag hindi nag-ingat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa mabilis na paggaling ng sugat

    Kapag natanggal na ng iyong ob-gyn ang gasa na nakatakip sa iyong sugat, dapat na alagaan ito upang maging maayos ang paggaling. Narito ang mga rekomendadong gawin:

    Panatilihing malinis ang iyong sugat

    Kapag naliligo, hugasan ng sabon ang iyong sugat. Tamang pagpahid lamang ng sabon dito. Huwag itong kuskusin kahit ng bimpo. Kung minsan, may inireresetang antiseptic na sabon ang mga ob-gyn na gagamitin mo sa paghugas ng iyong sugat para panlaban sa anumang bakterya.

    Panatilihing tuyo ang sugat

    Punasan itong mabuti sa pagdadampi ng malinis na tuwalya at iwasan na mababad sa basa para hindi pagsimulan ng anumang impeksyon.

    Magsuot ng preskong damit

    Mas mapapabilis din ang paghilom ng sugat kung nae-expose ito sa hangin kaya makabubuti ang pagsusuot ng mga maluluwag na damit at iyong hindi naiipit ang sugat.

    Iwasan muna ang ehersisyo

    Hintayin muna ang tuluyang paggaling ng iyong sugat sa loob bago magsimulang mag-ehersisyo. Hindi dahil papagaling na ang sugat sa labas ay ganoon din sa loob. Mahalagang may permiso na ng iyong doktor bago mo ito gawin.

    Kumilos nang paunti-unti

    Kailangan mo ring gumalaw-galaw para maging maayos ang pagdaloy o sirkulasyon ng iyong dugo. Huwag lamang biglain ang katawan. Hinay-hinay lamang at tantsahin ang kaya ng katawan gaya ng paglalakad-lakad kasama ang iyong baby habang nakasakay ito sa stroller o buhat mo ito.

    Dalawang uri ng peklat dulot ng C-section

    Sa kabilang banda, habang gumagaling ang sugat ay hindi naman maiiwasan ang peklat na maiiwan nito. Isa rin ito sa worry ng mga mommy pagkatapos ng kanilang C-section. Kahit na natatago naman ang peklat ng damit, nagdudulot pa rin ito ng alalahanin dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng balat ng bawat tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maaaring umumbok ang peklat kaysa mag-iwan na linya lamang ang sugat o talagang di mahalata ito.

    Keloid

    Ito ang uri ng peklat na lumalabas nang lampas sa hangganan ng sugat na maaaring magresulta sa pag-umbok ng balat sa palibot ng sugat.

    Hypertrophic

    Kaiba naman ito sa keloid dahil ang uri ng peklat na ito ay mas nakaangat kaysa sa normal na peklat at nakikita rin pero lumalabas lamang sa mismong sugat o hindi lumalampas sa orihinal na sugat.

    Tips sa pangangalaga ng peklat mula sa CS

    Sinasabi ng mga eskperto na, sa loob ng dalawang linggo maaaring maayos na ang iyong sugat. Posibleng umaabot naman ng anim na linggo hanggang tatlong buwan bago tuluyang gumaling.

    Gaya ng ibang sugat, maaaring mawala ang peklat na dulot ng CS sa paglipas ng panahon. Pero may maaari kang gawin para maiwasan ang pagkakaroon C section keloid o di kaya hypertrophic.

    Silicone gels and creams

    Maaari kang bumili nito sa mga botika ng over-the-counter na makatutulong para maiwasan ang pagkakaroon ng nakaumbok na peklat gaya ng keloid. Ipinapahid ito sa peklat nang dalawang beses kada araw.

    Karaniwan din namang nagrereseta ang mga ob-gyn o may inirerekomenda silang bilhin na gel. Isa sa ginamit ko noon na ang Dermartix dahil ito ang inirekomenda ng aking ob-gyn. May kamahalan lamang ang gel na ito pero naging epektibo naman. Hindi ako nagkaroon ng keloid.

    Read also: Peklat Remover

    Laser therapy

    Maaaring piliin ang proseso na ito na ginagawa ng isang surgeon o dermatologist. Inaalis dito ang nasa ibabaw ng balat na pinalilibutan ng peklat para lumikha ng bagong tissue at palitan ang bahaging nagkapeklat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakatutulong ito na mabawasan ang pagpeklat at mapalambot ang bahaging apektado para maiwasang maging halata ang peklat.

    Steroid injection

    Nakatutulong ito na mabawasan ang pamamaga ng bahaging apektado at mas hindi kapansin-pansin ang peklat. Nagagawa rin ng direktang pagi-injection ng steroids na mabawasan ang sintomas ng paggaling gaya ng pangangati ng balat habang gumagalinga ng sugat at pamumula ng bahaging apektado.

    Gayundin, nagagawa nitong mabawasan ang laki ng peklat at makatitiyak na magiging malambot ang bahagi ng balat na may peklat.

    Scar revision surgery

    Kung hindi magiging epektibo ang ibang pamamaraan, maaaring irekomenda ito ng iyong doktor. Dito muling binubuksan ang balat na may peklat at inaalis ang tissue na apekdato. Ito ay para maghilom muli ang balat na mas hindi na kapansin-pansin ang peklat.

    Sa personal kong karanasan, iniisip ko rin noon kung ano ang mangyayari sa sugat ko dahil ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ako ng ganoong hiwa at kalaking sugat. Sinunod ko lamang ang payo ng aking ob-gyn. Hindi man nag-keloid ito pero nanatili ang peklat. Pinabayaan ko na lamang.

    Sa isip ko, anuman ang peklat na dulot ng panganganak, isa itong bagay na dapat ipagmalaki. (Gaya ng sabi ni Solenn Heussaff, basahin dito.) Ito ay palatandaan ng iyong pagiging isang ina at ang iyong matapang na pagharap sa hirap ng pagbubuntis at panganganak.

    Bagaman magkakaiba ng pananaw at pagtingin ng bawat tao, masasabing isang magandang bakas ang peklat na ito ng iyong pagiging ganap na babae. Ang pagbabago sa iyong katawan mula sa panganganak ay bahagi ng kabuuan ng iyong pagiging isang ina. Sa kabilang ng mga ito, pinakamahalaga pa ring pangalagaan ang iyong kalusugan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Matapos mong manganak, manatiling hydrated at kumain ng masustansiyang pagkain. Makipag-ugnayan din sa iyong ob-gyn para mabigyan ka ng tamang payo sa dapat mong gawin sa iyong peklat o di kaya C section keloid, lalo na kung nakababahala ito sa iyong kalusugan.

    --

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    Going home after a C-section

    https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000624.htm

    The Best Way to Get Rid of C-Section Scars

    https://grossmanmed.com/the-best-way-to-get-rid-of-c-section-scars/

    Read also: How Can You Improve Your C-section Scar's Appearance?

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles