embed embed2
Cesarean Section Wound Care: 7 Paraan Para Mapangalagaan At Maghilom Ang Sugat
PHOTO BY Shutterstock
  • Anumang uri ng sugat ay kailangan ng maaayos na pangangalaga para makaiwas sa alinmang impleksyon at komplikasyon. Gaya ng sugat mula sa panganganak via C-section delivery, mahalagang alagaan matiyak na walang anumang magiging problema.

    Maaaring bumuka ang sugat kung pipilitin ang pagsasagawa ng kilos na makapagbibigay ng pressure dito. Kaya mahalaga malaman at sundin ang Cesarean section wound care.

    Mga dapat malaman sa Cesarean section

    Itinuturing ang C-section delivery na major abdominal surgery dahil kabilang sa procedure na ito ang paghihiwa ng balat, sa may bahagi ng tiyan, kalamanan o muscle, at sa hanggang sa may matris ang manganganak para doon ilabas ang baby. Tumatagal ang proseso mula sa simula ng operasyon hanggang pagkatapos nito nang 3 hanggang 4 na oras.

    Samantala, hindi gaya sa normal vaginal delivery na maaaring lumabas na sa hospital pagkaraan ng isang araw basta walang anumang komplikasyon, ang panganganak ng Cesarean ay umaabot ng apat na araw na pananatili sa hospital para mas mabuting ma-monitor ang bagong panganak.

    Dahil sa nagalaw ang mga bahagi sa loob ng tiyan at sa pinagdaanang operasyon, maaaring maapektuhan o magkaroon ng pagbabago sa estado ng pangangatawan. Kailangan matiyak na makapanunumbalik sa normal ang katawan.

    Ang sugat o hiwa mo sa iyong tiyan ay magiging peklat din kalaunan. Maaari itong pahiga na umaabot ng 10 hanggang 20 centimentro ang haba na nasa ibaba ng iyong bikini line, o puwede ring pababa ang hiwa na nasa ibaba ng pusod. Makabubuti rin ang paglalagay ng ointment na inirereseta rin ng iyong ob-gyn para maiwasan na magkaroon ang ng C section keloid.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda, pinakamahalagang paalala ng doktor ang maghinay-hinay sa pagkilos habang nagpapagaling sa bahay. Mahalagang alagaang mabuti ang sarili at higit pa, isipin ang sugat na dapat maghilom.

    Cesarean section wound care

    Narito ang ilang mga paraan para mapangalagaan at maghilom ang sugat mula sa panganganak:

    1. Kailangang panatilihing malinis at tuyo ang sugat araw-araw.

    2. Makatutulong ang pagsusuot ng maluluwag at komportableng damit.

    3. Mas mainam din ang pagsusuot ng malambot na underwear para hindi maipit ang sugat.

    4. Kapag naalis na ang bandage, hugasan ang sugat gamit ang kamay.

    5. Gumamit ng sabon na hindi matapang, o maaari rin ang antibacterial soap.

    6. Huwag na huwag na kuskusin ang sugat at gagamitan ng bimpo sa paghuhugas nito.

    7. Kapag pinunasan din ang sugat, dampi-dampi lamang ng tuwalya ang gawin.

    Water-proof na ang bandage na ginagamit sa sugat ngayon. Maaaring maligo na hindi ito tinatakpan. Hindi na rin kailangang alisin ito at nilinisin ang sugat. Hindi gaya sa mga dating bandage na ginagamit na kailangang takpan pag naliligo para hindi mabasa at kailangang palitan din kapag nabasa para hindi pamahayan ng mikrobyo at magdulot ng impeksyon sa sugat.

    Gayundin ang sinulid na ginagamit ngayon ay iyong kusang natutunaw na sa ibabaw ng balat. Tumatagal ng 5 hanggang 7 araw bago ito matuyo sa ibabaw ng balat. Kaya pag balik mo sa iyong ob-gyn pagkaraan ng isang linggo, titingnan niya ang tahi mo at sugat para matiyak na maayos ito. Sakali naman may natira pang sinulid na hindi natunaw ay aalisin ito ng iyong doktor.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Isuot nang maayos at may tamang higpit din ang postpartum binder para sa C-section delivery para sa mas mabilis ang paghilom din ng sugat

    Pag-aalaga sa iyong sarili

    Kailangan mong alagaan at intindihin ang iyong newborn. Pero dapat mo ring pangalagaang mabuti ang iyong sarili para mas mapabibilis ang paggaling at higit mong maasikaso ang iyong lumalaking baby.

    Gaya ng ibang surgery, huwag madaliin ang sarili na gumaling. Bigyan ng sapat na panahon ang iyong katawan na manumbalik ito sa dati pati ang iyong lakas. Darating ito sa tamang panahon.

    1. Sapat na nutrisyon ay kailangan ng katawan:

    • Uminom ng maraming tubig
    • Dapat na balanse at masustansyang pagkain
    • Pag-inom ng fiber supplement araw-araw para makaiwas sa constipation
    • Inumin din sa tamang oras ang anumang gamot na ibigay sa iyo ng doktor

    2. Kumilos nang naayon lamang sa kaya ng katawan:

    • Tanging baby mo lamang ang dapat mo munang buhatin
    • Iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat at kahit ang pag-akyat-akyat sa hagdan
    • Umupo at makipag-bonding sa iyong baby
    • Huwag muna mag-ehersisyo
    • Maglalakad-lakad para maiwasan ang blood clots at constipation
    • Maglagay ng unan sa ibabaw ng iyong sugat kapag kailangang umubo
    • Magkaroon ng sapat na pahinga
    • Maligo araw-araw at normal, basta iwasan ang pagbabad sa bathtub
    • Makipagtalik sa asawa kapag pinayagan na ng iyong doktor

    Mga dapat bantayang sintomas

    Dahil hindi rin madali talaga ang pagpapagaling ng sugat dulot ng C-section, kailangang bantayan ang mga sintomas na mararanasan na nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Sakali na may maranasan ka sa mga ito, ipaalam mo agad ito sa iyong doktor:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Matinding sakit o kirot na hindi kinakaya ng pain reliever
    • Masakit o mahapdi sa pag-ihi
    • Labis na nahihirapan sa pagdumi
    • Matinding pagdurugo
    • May vaginal discharge
    • May discharge sa mismong hiwa o sugat
    • Bumuka ang iyong sugat
    • Pagkakaroon ng mataas na lagnat
    • Labis na pagmamanas
    • Nahihirapan sa paghinga

    Ilan sa mga nabanggit na sintomas ay maaaring senyales na may impeksyon sa iyong sugat na kailangan agad matingnan o magamot ng iyong doktor.

    Sa kabilang banda, maaari kang bumalik sa dati mong pagkilos at mga gawain basta’t nabigyan ka ng permiso ng iyong ob-gyn na puwede mo nang gawin ito. Mas kilala mo rin ang iyong sarili sa kaya mong gawin ngunit paunti-unti lang at hinay-hinay.

    Huwag mahiyang humingi ng tulong kung kinakailangan. Mas mahalaga ang magpahinga at matiyak na magaling na iyong sugat bago tuluyang sumabak sa mga dating gawi at paggawa ng mabibigat na bagay. Huwag din kalimutan ang tamang Cesarean section wound care.

    ---

    Mga pinagkunan ng impormasyon:

    Caesarean section

    https://www.nhs.uk/conditions/caesarean-section/recovery/

    Going home after a C-section

    https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000624.htm

    ---

    Basahin dito ang tungkol sa Cesarean section complications.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close