Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Dani Barretto's Birthing Story: 'Hindi Nila Mahanap 'Yung Heartbeat Niya'

    Ibinahagi ng mag-asawang Xavi at Dani kung anong nangyari nang ipanganak si Millie.
    by Ana Gonzales .
Dani Barretto's Birthing Story: 'Hindi Nila Mahanap 'Yung Heartbeat Niya'
PHOTO BY Dani Barretto-Panlilio
  • "Nagkaroon ng time na nag-flatline siya," sabi ni Dani Barretto sa kanilang pinakahuling vlog entry ng asawa niyang si Xavi Panlilio. Sa isang 30-minute video, idinetalye niya ang kanyang birthing story nang ipanganak niya noong September 13, 2019 si Camilla Marguerite o mas kilala sa palayaw na Millie. 

    "Nung nakita ko nag-flatline yung heartbeat niya 'tapos hindi nila mahanap iyong heartbeat niya, sumigaw na talaga ako ng, 'Get her out!’”

    More from Smart Parenting

    Hindi inaasahan ni Dani, Xavi, at ng medical team ang mga pangyayari. Ayon kay Dani, lahat talaga ay nag-expect na normal delivery siya dahil wala namang naging problema sa kabuuan ng kanyang pagbubuntis. Sa katunayan, nasa tamang posisyon pa nga si Millie. Umuwi pa nga raw ang doktor, pedia, at pamilya ni Dani dahil hindi pa nila inaasahang lalabas si Millie kahit na 39th week na iyon ni Dani.

    "I already told my OB, parang, medyo hindi pa siya lalabas anytime soon. Like, ang taas-taas pa tiyan ko noon. Hindi pa nagda-drop iyong baby and to think 39th week ko na iyon. And she was seven pounds already."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tinanong na siya ng kanyang OB kung gusto na ba niyang magpa-induce. September 12 nang pumunta ng ospital si Dani at Xavi, bandang 10 ng umaga. Sinimulan siyang i-induce ng mga 11 ng umaga ngunit 1cm dilated pa lang siya noon. Hanggang 9 ng gabi nang makaramdam na si Dani ng contractions. Hatinggabi nang mapansin ni Dani na bumababa ang heartbeat ni Millie at tumataas o mas dumadalas na ang contractions niya. Dumarami na rin daw ang mga nurses na pumapasok sa kwarto ni Dani.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Dumating na rin daw sa point na tinatago kay Dani ang monitor dahil paulit-ulit ang pagtingin niya rito. "And I knew already that time that something bad was happening kasi bakit mo itatago iyong monitor, di ba? At lima-lima na pumapasok sa kuwarto namin...Hindi na ako natulog, to be honest," sabi niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Doon na nga nagsimulang mag-escalate ang mga pangyayari. "Napunta na sa point na iyong heartbeat niya bumababa and that my contractions were, instead of three to four minutes interval, my contractions were every minute, which is really bad kasi ibig sabihin na-i-stress na iyong bata sa loob," kwento ni Dani. 

    Alas dose pasado ng madaling-araw ay bumaba ang heartbeat ni Millie sa 80 at sa mabilis na sandali ay nag-flatline ang bata. Doon na nga tuluyong sumigaw si Dani ng "Get her out!"

    Agad dinala sa operating room si Dani habang naiwan naman sa lobby si Xavi. Idinetalye ni Dani kung gaano kabilis gumalaw ang mga nurses, maging ang mga doktor na umaalalay sa kanya. Ang anesthesiologist ni Dani ang patuloy na nagpapaliwanag sa kanya ng mga nangyayari at siya ring kumukuha ng mga pictures nilang mag-asawa habang inilalabas si baby Millie.

    "As in nung time na iyon, iniisip ko lang...I literally was just praying to God and I was talking to Him and she was fighting,” sabi ni Dani. "Ang bilis ng pangyayari. Yung whole process ng panganganak ko...I just can't believe it happened. Ganoon kabilis," dagdag pa niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Nang makalabas si Milliem, walang ibang naramadaman ang mag-asawa kundi relief at kaligayahang ligtas ang kanilang munting anghel. "There was silence for what felt like 10 to 15 seconds. It felt so long. As in yung sinabi nila, 'Baby out,' Kaming dalawa as in...after the 15 seconds when we heard her cry, oh my god," kwento ni Dani. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi man lang daw nakapag-skin-to-skin sina Dani at Millie, ngunit sa puntong iyon ay hindi na nila ito binigyang pansin dahil sa laki ng pasasalamat nila na ligtas silang mag-ina. Labis umanong na-stress si Millie sa loob kaya’t nag-poop na ang bata sa loob. Kinailangang dalhin sa NICU si Millie sa unang ilang araw nito lalo na’t mataas ang risk nito para magkaroon ng infection. 

    More from Smart Parenting

    Sa unang blood test ni Millie ay walang nakitang infection. "But our pedia decided to run another test after two days to check if everything is really clear kasi medyo daw too good to be true yung test results given she ingested a lot of poop," kwento ni Dani.

    Nang lumabas nga ang resulta ng pangalawang test ay nakita na ang mild infection na siniguro naman ng mga doctor na kayang-kayang gamutin ng antibiotic. "That's why we stayed in the hospital for a longer period of time. Our pedia made sure that Millie was okay and that hindi kami puwede umuwi until clear siya," sabi ni Dani.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinagot din ni Dani ang ilang tanong ng kanyang mga followers patungkol sa kanyang recovery. Ayon sa kanya ay walang ibinigay sa kanya para makarecover siya ng mabilis. Sadya lang daw talagang nag-adrenaline rush siya dahil na rin sa dami at bilis ng mga pangyayari. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa dulo ng vlog ay ipinangako ni Dani na "babawi" siya kay Millie, lalo na’t sa unang linggo ng kanyang pagbubuntis ay nakaranas siya ng postpartum blues.

    Ayon kay Dani, sinisisi niya ang kanyang sarili sa nangyari sa kanyang anak. "I felt like it was my fault why she had to go through that and why she almost died and why she was so stressed in my stomach. She was the strong one for the both of us. I will tell her that when she's bigger."

    Kakaiba ba ang iyong birthing story? I-share mo na sa amin. Ipadala lang ang iyong kwento sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Maaari ka ring sumali sa aming online community na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles