embed embed2
  • Delivery-Day Checklist: 'Tatlong Hospital Bags Ang Ihinanda Ko Para Sa Buong Pamilya'

    Ziplock bag ang sikreto para mas maging organized ang hospital bag mo para sa iyong panganganak.
    by Ana Gonzales .
Delivery-Day Checklist: 'Tatlong Hospital Bags Ang Ihinanda Ko Para Sa Buong Pamilya'
PHOTO BY iStock
  • Habang papalapit na nang papalapit ang araw ng iyong panganganak, mas mararamdaman mo ang pangangailangang mag-ayos sa inyong bahay at maghanda ng mga gamit ng bata—nesting ang tawag dito. Matatandaang maging ang mga celebrity first-time moms tulad nina Solenn Heussaff-Bolzico at Anne Curtis-Heussaff ay nakaranas din nito.

    Kaya naman hindi na bago sa aming Facebook group na Smart Parenting Village ang mga tanong patungkol sa kung ano nga bang dapat dalhin sa ospital kapag manganganak ka na. Mahirap nga naman kung may hindi ka madala, lalo na't may tendency pa naman nating mga nanay na maging makakalimutin bunsod na rin ng maraming pagbabago sa ating mga katawan.

    Para makatulong, ibinahagi ng 36-weeks pregnant at first-time mom na si Roanne Jane Debil-Aguilar kung anu-ano ang mga inilista niyang dadalhin nila sa ospital kapag nanganak na siya. "'Yung mga inempake ko, binase ko sa mga nabasa ko sa ibang group, sa mommy book at sa experience ng friend ko na nanganak din sa ospital kung saan ako manganganak," pagbabahagi niya. Nagbigay din siya ng tips pagdating sa paghahanda at pageempake.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Narito ang listahan ng laman ng kanyang baby bag:

    Para kay baby:

    Toiletries:

    • 70% alcohol
    • wet wipes for carer
    • cotton balls
    • Lactacyd Baby Wash

    Going home clothes:

    • 1 short-sleeved onesie
    • 1 gauze cloth diaper
    • 1 bird's eye cloth diaper
    • 1 pair of booties
    • 1 pair of mittens
    • 1 bonnet
    • 1 disposable diaper
    • 1 bib
    • 1 pair of diaper clips

    Extras:

    • 1 hooded blanket
    • 1 hooded towel
    • 2 gauze diapers
    • 1 zip up swaddle
    • 10 pieces disposable diapers
    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Para kay mommy

    Toiletries:

    • toothpaste
    • toothbrush
    • shampoo
    • conditioner
    • feminine wash
    • Dove facial wash
    • bar soap
    • deodorant
    • mouthwash
    • maternity pads
    • Cetaphil moisturizer
    • alcohol
    • wet wipes
    • facial tissue
    • makeup bag

    Mommy's clothes:

    • 2 nursing bras
    • underwear
    • 2 button down polo
    • 2 sandos
    • 1 jacket
    • 2 pairs of jogging pants
    • 1 dress
    • towel
    • slippers
    • face towel
    • 2 pairs of socks

    Nursing kit:

    • 1 nursing cover
    • manual pump
    • 3 pairs breast pads
    • breastmilk storage bags
    What other parents are reading

    Para kay daddy

    • 1 pair of jogging pants
    • 3 pairs of shorts
    • 5 shirts
    • 1 jacket
    • underwear
    • slippers
    • socks
    • blanket

    Important documents

    • sample birth certificate
    • marriage certificate
    • mommy book
    • laboratory exam results
    • ultrasound results
    • SSS MAT2
    • Philhealth CF1
    • Philhealth CF2

    From the hospital:

    • certificate of live birth
    • baby book (if possible)
    What other parents are reading

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa mga ito, inilista rin ni mommy ang mga snacks na dadalhin nilang mag-asawa. Maganda rin kung ililista at ieempake mo na ang meryenda ninyo ni hubby para kung sakali man, hindi kayo mamroblema sa pagkain kapag nasa ospital na kayo.

    Pagdating naman sa mga tips ni mommy sa pageempake, inanyayahan niya ang kanyang mga fellow moms na magtanong sa OB. "Huwag mahihiyang magtanong," payo niya. In my case, nagtanong ako sa OB ko kung ano [ang mga] dapat dalhin. Magrefer lang daw ako sa likod ng mommy book. Nagtanong din ako sa kakilala kong nanganak sa same hospital," paliwanag niya.

    • Narito pa ang ilan sa kanyang mga helpful tips:
    • Magbitbit ng pagkain kung pwede
    • Mag-inquire sa ospital ng procedures [para hindi magkalituhan sa mismong araw ng iyong panganganak]
    • [Huwag kalimutang] Magdala ng charger ng gadgets

    Sabi ni mommy, "Okay na 'yung sobra ang dala, kasi baka ma-charge kayo 'pag may kulang sa gamit—sayang naman at para bawas na din sa hospital bill.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikaw? Anong laman ng hospital bag mo? Ilang bags ang dinala mo at gaano karami ang mga items na binitbit ninyo? I-share mo na ang inyong experience sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles