Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Gwen Zamora: Pagkatapos Ng 19 Hours Na Labor, Nauwi Sa Emergency CS Ang Panganganak

    Nagpaunlak ng interview ang engaged couple tungkol sa kanilang birthing story.
    by Jocelyn Valle .
Gwen Zamora: Pagkatapos Ng 19 Hours Na Labor, Nauwi Sa Emergency CS Ang Panganganak
PHOTO BY @gwenzamora/Instagram
  • Bagamat three months ago na nang isilang ni Gwen Zamora ang baby boy nila ng fiancé na si David Semerad ay parang kahapon lamang kung ikuwento ng dalawa ang panahong naging ganap silang mga magulang. Ani ng basketbolista ay nasa tabi siya ng kasintahang aktres sa delivery room nang manganak ito noong August 15 sa kanilang unang supling na pinangalanan nilang Cooper John.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Oh, yes, I was there,” sambit ni David, isang Filipino-Czech na tubong Australia. “Although they said, ‘Don’t watch this and that.’ But I was in the room, and I watched everything.”

    Dagdag ni Gwen, na Filipino-Italian naman na tubong Australia din, “He was excited. He was full of energy. And I was, like… waaa!”

    More from Smart Parenting

    Nagpaunlak ng interview ang engaged couple sa SmartParenting.com.ph sa product launch ng Aprica stroller brand noong Tuesday, November 19, sa Adventure Zone indoor playground sa Shangri-La at The Fort sa Taguig City. Pagbabalik-tanaw ni David na habang pinapanood niya ang childbirth ay iniwasan niyang magkuwento kay Gwen kung ano ang nangyayari. Ayaw daw niyang matakot ito lalo na sa parteng isinasagawa na ang emergency Caesarean section. Paliwanag pa niya na pumulupot ang umbilical cord sa leeg at tiyan ng sanggol kaya nahihirapan si Gwen na iluwal ito. Ang 19 hours niyang pagle-labor para sana sa vaginal childbirth ay nauwi sa C-section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nang sa wakas ay lumabas na si Baby Cooper ay napasigaw si Daddy David ng “He has hair!” dahil sa kapal ng buhok nito. “He has hair, and he’s chubby,” pagkumpirma ni Mommy Gwen.Dagdag pa niya na kahit nahirapan siya sa panganganak ay masaya pa rin siya “dahil I got to experience the whole process of labor, the pain.”

    Mula sa timbang na 8 lbs noong ipanganak si Baby Cooper ay 7 kilos na ito sa edad 3 months. Pansin ni Gwen na mabilis ang paglaki ng kanilang anak at patuloy pa ito sa paglaki. Dahil daw ito sa breast milk, ani David.

    More from Smart Parenting

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento ni Gwen na nahirapan siya nang nagsisimula siya sa breastfeeding dahil masakit daw ito. Nang matuto siyang gamitin ang nipple seal ay naibsan ang sakit ngunit nagdesisyon siyang “exclusively pump” ang gawin at isalin ang gatas sa bote para mainom ni baby.

    “He’s too heavy,” sabi niya tungkol sa kanyang anak. “And it unlatches, so parang the milk goes everywhere. And he falls asleep so he doesn’t get a full meal. I exclusively pump, so I can monitor how much he’s drinking.”

    Ibinahagi rin ni Gwen ang iba pang challenges na hatid ng pagkakaroon ng big baby. Una na rito ang mabilis na mapaglakihan na mga damit. Mabuti na lamang daw ay nakahanap sila ng brand ng baby clothes na stretchable. Isa pa ay ang pananakit ng kanyang likod at leeg kaya madalas siyang minamasahe ni David.

    Masayang ibinalita ng first-time dad na siya ang nakatokang magpaligo kay baby. Siya din daw sa burping, changing of nappies, at feeding dahil isinasalin naman ang breast milk sa bote. Dagdag pa niya na hinahati nila sa day shift at night shift ang pag-aalaga sa bata. Si Gwen daw sa night shift dahil kailangan niyang magising nang maaga para sa training ng kanyang koponang Talk ’n Text Katropa sa Philippine Basketball Association (PBA).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “After I get back from training, it’s my turn,” sabi ni David. “So, she’ll relax, pump. And I’ll take care Cooper after.”

    More from Smart Parenting

    Natutuwa sila na umiiyak lamang si Baby Cooper kapag “he’s dirty and hungry,” kaya sinisiguro nila na mapag-burp ito kaagad para hindi kabagin. Sa gabi naman ay hindi rin ito iyakin. Kuwento ni Gwen na natutulog ang bata ng bandang 9:30 p.m. at magigising ng 4:30 a.m. Paiinom lamang daw niya ito ng gatas at matutulog ulit. Mga 9 a.m. na ulit ito magigising. Nasa training pa nang gano’ng oras ang kanyang daddy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi na makapaghintay si David na magsimula nang maglakad at magsalita si Baby Cooper para mabigyan na niya ito kaagad ng training sa paglalaro ng basketball. Aniya, “We’ll start him young. We’ll get a hoop for him.”

    Ayon daw sa kanilang doktor ay malaki ang posibilidad na matatangkaran ng kanilang anak si David, na may height na 6’4. “Definitely taller than you” ang sabi sa kanya at sambit naman niya, “It’s the milk.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles