;
embed embed2
  • Buntis Sa Ika-7 Buwan? Humanda Sa Back Pain, Constipation At Stretch Marks

    May mga discomforts kang mararanasan lalo na't papasok ka na sa huling tatlong buwan ng iyong pagbubuntis.
    by Ana Gonzales .
Buntis Sa Ika-7 Buwan? Humanda Sa Back Pain, Constipation At Stretch Marks
PHOTO BY Unsplash
  • Ang ika-pitong buwan ng iyong pagbubuntis ang simula ng third trimester—28 weeks na ang iyong tiyan! Patuloy ang paglaki ni baby na ngayon ay umaabot na ng 10 inches o 25 centimeters.

    Bukod sa patuloy niyang paglaki, mas makikita mo na rin ang itsura ng anak mo. Hindi na ganoon ka-transparent ang kanyang balat at nagsisimula na siyang magkaroon ng kaunting taba.

    Mas lumalaki naman ang tiyan mo at maaaring nakakaranas ka na ng bahagyang hirap sa paggalaw. Narito ang mga maaari mong maramdaman sa yugtong ito ng iyong pagbubuntis.

    What other parents are reading

    Narito ang sintomas ng pagbubuntis month 7

    Makakaramdam ka ng pananakit ng likod

    Maaari kang makaramdam ng pressure sa iyong sciatic nerve habang patuloy ang paglaki ng iyong matris. Kung nagsisimula ang pananakit sa bandang ibaba ng iyong likuran o balakan at bumababa papunta sa isa sa iyong mga binti, maaari itong maging sciatica.

    Kung nakakaranas ka nito, mahalagang kumonsulta ka agad sa iyong healthcare provider. Habang hindi ka pa nakakapagpatingin, pwede kang gumamit ng hot or cold pack para maibsan ang pananakit. Kung may pamamanhid ka namang nararamadaman, agad ka ding kumonsulta sa doktor.

    What other parents are reading

    Maaari kang makaranas ng constipation

    Ang mataas na level ng hormone na progesterone at iron ay maaaring makaapekto sa iyong digestion. Makakatulong ang madalas na pag-inom ng tubig o prune juice.

    Importante rin na mayroong sapat na fiber sa iyong diet. Ilan sa mga pagkaing masagana sa fiber ay ang beans, whole grains, prutas, at gulay.

    What other parents are reading

    Mararamdaman mo ang Braxton Hicks

    Kilala rin ito bilang 'practice contractions.' Malimit itong nararamdaman sa ikalawa at ikatlong trimester.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ito iyong pakiramdam na naninikip ang tiyan mo. Mawawala rin naman kapag gumalaw ka o nagbago ka ng posisyon. Ayon sa mga eksperto, malimit itong nararamdaman sa hapon o pagkatapos ng physical activity tulad ng exercise o sex.

    What other parents are reading

    Mas mapapadalas kang mapagod

    May ilang mga mommies na makakaramdam nito sa umpisa ng kanilang pagbubuntis habang may ilan namang mas dama ito sa ikatlong trimester.

    Kung nararamdaman mo ito sa ikapitong buwan ng iyong pagbubuntis, ito'y marahil dala ng laki ng iyong tiyan. Makakatulong kung matutulog ka ng nakatagilid at may gamit na unang pansuporta sa iyong tiyan.

    Maganda ring magkaroon ng regular na ehersisyo at healthy diet—nakakatulong ito pareho para maging maayos ang pagtulog mo.

    What other parents are reading

    Maaari kang makaranas ng spotting

    Sabi ng mga eksperto, pwede kang makapansin ng light bleeding o spotting sa bahagi na ito ng pagbubuntis mo. Importanteng kumonsulta ka agad sa doktor mo kung nararanasan mo ito.

    Mapapansin mo na ang paglabas ng mga stretch marks

    Dahil ito sa patuloy na paglaki ng iyong tiyan. Mapapansin mo ito sa bahagi ng iyong tiyan, maging sa iyong mga hita, braso, at pwet.

    Makakatulong kung kakain ka ng tama at mapapanatili mo ang iyong timbang na akma lamang sa iyong pangangatawan. Maaari ka ring makaranas ng pangangati ng iyong balat. Makakatulong kung papahiran mo ito ng soothing oil o mild moisturizer.

    What other parents are reading

    Mga kailangan mong gawin sa ika-pitong buwan ng iyong pagbubuntis

    Mas paigtingin pa ang pagpapahinga

    Mahirap mang makatulog ngayon, importante pa ring siguraduhin mong nakakakuha ka ng sapat na tulog.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Magsimula nang magbasa-basa tungkol sa preterm labor

    Makakatuling ito para hindi mo isiping naglalabor ka na sa tuwing makakaramdam ka ng Braxton Hicks.

    Maganda ring sumama sa mga birthing classes o makinig at manood ng mga talks tungkol sa labor at childbirth. Sa ganitong paraan, mababawasan ang takot mo at magiging handa ka sa ano mang mararamdaman mo.

    What other parents are reading

    Marami kaming ganitong mga klase ng talks sa aming How Po? episodes. Maihahanda ka ng mga ito para alam mo kung true labor na nga ba ang nararamdaman mo o false labor pa lang ito.

    Maganda rin ang panahon na ito para magsimula na kayong mag-brainstorm para sa pangalan kung wala pa kayong naiisip.

    Sa panahon ding ito importante na laging updated ang doktor mo para masigurong mabuti ang kondisyon mo at ng batang dinadala mo.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles