-
Preschooler Preschool Teachers Reveal 7 Discipline Hacks to Get Kids to Behave
-
Love & Relationships An Engineer And Tricycle Driver Marry Against All Odds: 'Hindi Niya Ako Insurance Plan'
-
Baby NEED! 4 Clever Baby Products That Will Make Mom's Life Easier
-
News Annabelle Rama's Marriage Advice To Sarah Lahbati: Stop Being Jealous
-
Halos 3 Days Nag-Labor Si Janella Salvador: 'Hindi Ako Natulog Kasi Grabe Ang Pain Talaga'
Wala raw sa tamang direksyon ang mukha ng sanggol sa kanyang sinapupunan.by Jocelyn Valle .
“Smooth sailing” ang pagbubuntis ni Janella Salvador kay Baby Jude, ang halos 3-month-old panganay nila ng boyfriend na si Markus Paterson. Ngunit nang parating na ang kanyang due date, nanakit nang husto ang likuran ng singer-actress.
Wala raw kasi sa tamang posisyon ang sanggol sa kanyang sinapupunan, ayon sa doktor at midwife na tumingin sa kanya sa isang ospital sa London, England, kung saan pansamantalang namamalagi ang new family.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIyan ang isa sa mga pinagkuwentuhan nila Janella at kanyang kapwa ABS-CBN star na si Maja Salvador sa online interview na posted Star Magic YouTube channel nitong January 7, 2021. Star Magic ang talent management arm ng Kapamilya network.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos“Hindi siya breech, nasa baba na ang ulo,” sabi ni Janella tungkol sa sanggol na handa nang lumabas mula sa birth canal. “Pero naka-face siya sa labas. Dapat naka-face sa likod. Ayaw niyang mag-face sa likod.”
“Kahit nagle-labor na ’ko, tsismoso siya,” dagdag niya, sabay tawa. “Gusto niya, naka-face siya sa front. So, ang downside no’n, back pain. Sobrang lala na back pain. Kasi ang skull niya, nasa likod ko.
"So I was in labor for almost three days. Mga two days. Hindi ako natulog kasi grabe ang pain talaga.”
Dalawang beses dinala si Janella sa ospital at dalawang beses din siyang pinauwi kahit namimilipit na siya sa sakit. Kulang kasi ang 1 cm na buka ng kanyang cervix sa requirement na 3 cm ng ospital para ma-admit.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNoong ikatlong beses, palagay ni Janella ay naawa na sa kanya ang pamunuan ng ospital. Kaya sinabihan daw siya ng, “Since it’s your third time, maybe we can induce you.”
At sa ganoong paraan niya tuluyang naipanganak si Baby Jude noong October 20, 2020 sa pamamagitan ng vaginal delivery. (Basahin dito.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKuwento pa ni Janella, masyado siyang na-excite nang lumabas si Baby Jude. Gusto niyang tumayo para kunin ang kanyang anak pagkatapos itong malinisan ng nurse. Nakalimutan niya na ubos na ang kanyang lakas dahil sa sobrang pagod sa panganganak.
Aniya, “Gano’n pala ’yon pag nakita mo ang child mo, parang nana-numb ’yong pain.” Pero hindi naman daw siya naluha sa mga sandaling iyon ng pagiging “on cloud nine.”
Lahad niya, “Naiyak ako when I first saw him smile. Mga quiet moments namin sa kuwarto, natutulog siya ’tapos nag-smile siya.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara kay Markus, “surreal” ang pakiramdam nang makita niya sa unang pagkakataon ang bunga ng kanilang pagmamahalan ni Janella. Nagkuwento din siya kay Maja sa online interview.
Paliwanag niya, “The whole time nagwo-worry ako kay Janella. Seeing her in so much pain and discomfort. ‘My goodness, this is going to be wild.’
"Nang mahawakan ko siya [Baby Jude], parang may nag-switch sa utak ko. Lahat ng priorities ko, nag-iba. Lahat ng ginagawa ko ngayon, para sa kanya. Wala akong hindi gagawin para sa kanya.”
Pinatotohanan naman ni Janella ang pagiging devoted father ni Markus. Magaling daw itong magpalit ng diaper ni Baby Jude, at hindi nagrereklamo.
Noong mga unang linggo daw ni Baby Jude, dalawang beses kung magising ang newborn sa kahabaan ng gabi. Kaya napagkasunduan nilang si Janella ang magpapatulog sa sanggol at magbabantay hanggang 3 a.m. Pero kapag nagising si Baby Jude, nakatoka naman si Markus na magbantay hanggang mag-umaga na.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKatwiran ni Janella na kailangan niya at mga tulad niyang new mom na bumawi ng tulog “kasi baka maging irritable ka.”
Pagkaraan daw ng halos three months, nagbago na ang sleeping pattern ng newborn. Ang sabi ni Janella, isang beses na lang nagigising sa gabi si Baby Jude. Depende na lang daw kung kanino sa kanila ni Markus ang may energy pa para magbantay sa anak.
Kung hapon naman, nariyan ang mommy ni Janella na si Janine Desiderio para tumulong mag-alaga kay Baby Jude. Iyon daw ang tinatawag nilang “Lala time.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa tanong ni Maja kung sino ang kamukha ni Baby Jude, sagot ni Janella na si Markus daw noong paglabas pa lang ng sanggol. Pero kalaunan, lumilitaw na ang kanyang features sa mukha ng anak.
Sang-ayon naman si Markus: “Every day, his face changes. Lumalabas ang features ni Janella—’yong magandang mata, pingi niya, ’yong chin. Ang natira sa ’kin, ’yong ilong at saka labi. At saka buhok.”
Mapapanood ang interview ni Maja Salvador kina Janella at Markus dito:
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network