embed embed2
These Twins Were Born From Embryos Frozen 30 Years Ago!
PHOTO BY NATIONAL EMBRYO DONATION CENTER
  • Malusog na isinilang ang kambal na anak ng mag-asawang Rachel at Philip Ridgeway ng Portland, Oregon sa U.S.

    Noong October 31, 2022, isinilang ang kanilang twins—sina Lydia at Timothy Ridgeway—na na-conceive via In-Vitro Fertilization (IVF).

    Nakamamanghang isipin na ang kambal ay naging frozen embryos muna sa loob ng 29 years and 10 months, o halos 30 years bago maisilang.

    “There is something mind-boggling about it,” sabi ng amang si Philip sa ulat ng CNN. “I was 5 years old when God gave life to Lydia and Timothy, and he’s been preserving that life ever since.”

    Sabi ni Philip sa bagong kambal na anak, “In a sense, they’re our oldest children, even though they’re our smallest children.”

    Sina Philip at Rachel ay may apat nang anak na ang mga edad ay 8, 6, 3, at almost 2 years old. Ang apat ay isinilang sa normal na paraan.

    Frozen embryos

    Ang bunsong kambal nina Rachel at Philip ay na-freeze bilang embryos noong April 22, 1992. Sila ay frozen embryos na ginawa via IVF para sa mag-asawa, pero ang donors ay nanatiling anonymous.

    Ang sperm ay galing sa isang lalaki na nasa kanyang early 50s, at ang eggs ay nagmula sa isang 34 anyos na female donor.

    RELATED: What You Need to Know About IVF Today in the Philippines

    Inilagay ang embryos sa isang storage "in liquid nitrogen 200 degrees below zero." Ang storage unit ay nasa isang fertility lab sa West Coast hanggang 2007.

    Pero ang embryos ay idinonate ng couple sa National Embryo Donation Center sa Knoxville, Tennessee, para tumaas ang pag-asang may mag-asawang magagamit ang mga ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Matapos ang halos tatlong dekada, ang embryos na ito ay napili ng mag-asawang Rachel at Philip.

    Sabi nina Rachel at Philip, wala silang specific number kung ilang anak ang gusto nila.

    “We’ve always thought we’ll have as many as God wants to give us, and… when we heard about embryo adoption, we thought that’s something we would like to do,” sabi ni Philip.

    Rachel Ridgeway Philip Ridgeway

    Embryo donation vs embryo adoption

    Hindi na bago na ang ibang mag-asawa sa U.S. ay sumasailalim sa IVF at gumagawa ng embryos na sobra pa sa kailangan nila.

    Ang extra embryo ay inilalagay nila sa cryopreserve o ang pagpi-freeze nga para sa future use. Puwede nila itong i-donate para sa research o sa mga mag-asawang naghahangad ng anak.

    Mahigpit ang standard ng U.S. pagdating sa embryos, dahil kailangang pumasa ang mga embryos sa eligibility guidelines ng U.S. Food and Drugs Administration para matiyak na healthy ang embryos.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa ganitong paraan, maiiwasan na magkaroon ng kumplikasyon kapag naging sanggol na ang mga embryos kapag may umampon via “embryo adoption.”

    “Embryo adoption is not a legal ‘adoption’ at all, at least in the sense of a traditional adoption which occurs after birth,” sabi ng National Embryo Donation Center.

    “However, the term allows all parties to conceptualize the process and eventual reality of raising a non-genetically related child.”

    Sa kabilang banda, ang embryo donation ay isang medical procedure, sabi ni Dr. Sigal Klipstein, isang Chicago-based fertility specialist at chair ng American Society of Reproductive Medicine’s ethics committee.

    “It’s a way by which we take embryos from one couple or individual and then transfer them into another individual in order to build families,” ani Dr. Klipstein.

    Ang embryo donation ay cost-effective para sa mga mag-asawang naghahanap ng “fertility help” at hindi na nila kailangang maghanap at mag-store pa ng sperm at egg.

    RELATED: 'I Froze My Eggs At 36 Then Became A First-Time Mom At 41'

    Samantala, pinag-aralan nina Rachel at Philip ang donor database para sa frozen embryos. Hindi idinetalye sa database kung gaano katagal naka-freeze ang embryo.

    Pero nakalagay ang ukol sa pagkatao ng donors, gaya ng lahi, edad, tangkad, timbang, health history, edukasyon, trabaho, at mga interes.

    At napili nga nina Rachel at Philip ang tatlong embryos.

    Inirekomenda na dalawa lamang ang ipunla kay Rachel dahil “multiple can cause problems in pregnancy.”

    Pero hindi pumayag si Rachel. Noong March 2, 2022, inilagay kay Rachel ang tatlong embryos. Dalawa sa tatlong embryos ang naka-survive.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa pag-aaral, 24% hanggang 40% ang frozen embryo na transfer ang nagreresulta sa live birth. At naisilang nga ni Rachel ang kanyang kambal noong October 31.

    Embryos can be frozen indefinitely

    Ayon sa mga eksperto, ang embryos ay maaaring i-freeze “indefinitely.”

    “If you’re frozen at nearly 200 degrees below zero, I mean, the biological processes essentially slow down to almost nothing,” sabi ni Dr. John Gordon na doktor ng Ridgeway couple.

    “And so perhaps the difference between being frozen for a week, a month, a year, a decade, two decades, it doesn’t really matter.”

    Paliwanag ni Dr. Jim Toner, isang fertility specialist sa Atlanta, hindi makakaapekto sa kalusugan ng bata ang edad ng embryo.

    Ang magiging factor daw ay ang edad ng babaeng kukunan ng egg para sa embryo.

    “If that patient was 25, yes, most likely, her embryos will survive,” sabi ni Dr. Zaher Merhi, isang fertility expert sa Rejuvenating Fertility Center sa New York City.

    “It’s all about the egg and the embryo, and when the egg was taken out.”

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles