embed embed2
Labor And Delivery Horror Stories: 'Nakakawala Ng Dignidad Manganak'
PHOTO BY Shutterstock
  • Ang iyong due date o araw ng panganganak ang dapat ay isa sa mga pinaka masasayang araw sa iyong buhay. Sa wakas kasi ay makikilala mo na ang baby mo.

    Pero alam mo bang may mga nanay na hindi naging maganda ang karanasan nang manganak sila? Maraming mga labor and childbirth horror stories kaming natatanggap. Narito ang ilan sa mga kwentong iyan:

    "Napakaarte mo"

    Bata pa lang ako nang mabuntis ako. Hindi ko afford na manganak sa mga mamahaling ospital. Nung manganganak na ako at chinecheck na ng doktor kung open na ang cervix ko, napapiglas ako sa sakit.

    Nagulat din kasi ako dahil mag-isa ko lang at nineneerbyos ako. Sa halip na I-comfort, narinig ko siyang pabulong na sinabing napakaarte ko.

    "I-CS na lang 'yan para 'di tayo mapuyat"

    Ang tagal ko nang nagle-labor. First baby ko. Halos magwawalong oras na yata. Pumasok ulit ang staff para tignan ako at kumustahin. Doon ko narinig ang isang na nagsabing 'i-CS na lang natin 'yan para 'di na tayo mapuyat at mapagod.'

    "Aray ka nang aray, lagi ka namang buntis"

    Sa sobrang sakit at hirap ng panganganak, hindi mo na talaga maiiwasan na may mga moments na napapasigaw ka na lang.

    Hindi nababawasan ang sakit kahit ilang beses kang manganak. Sa halip na tulungan ako at pakalmahin nang maayos, sinigawan pa ako ng mga nandoon sabay sabing aray daw ako nang aray pero lagi naman daw akong buntis.

    "Bilisan mong umiri!"

    Hindi ako nasabihan na may time limit pala ang panganganak? Sinigawan ako ng isang nurse na bilisan ko raw manganak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siguro pagod na rin kaya naging ganoon siya, pero kapag nasa kalagitnaan ka ng labor at hindi mo na alam kung saan ang masakit at kung paanong iri ang gagawin, hindi nakakatulong 'yung sinisigawan ka pa.

    "Pang-ilang anak mo na ito, 'di ka pa rin marunong umiri"

    Hindi pare-pareho ang mga pagbubuntis ko. Kahit naman siguro sinong nanay eh sasabihin sa iyo na bawat pagbubuntis ay unique.

    Kaya hindi talaga maalis sa isip ko 'yung sinigawan pa ako ng doktor na hanggang ngayon daw, hindi pa rin ako marunong umiri. Nakakawalang dignidad manganak.

    "Nung ginagawa mo, ang galing mong bumukaka, ngayong manganganak ka na, 'di mo na alam"

    Hanggang ngayon hindi pa rin nasusundan ang first born ko dahil sa traumang inabot ko nang manganak ako.

    Para bang pakiramdam ko, kahit saang ospital ako pumunta, makakarinig ako ng mga masasakit na salita.

    "Akala mo naman kung sino kang maganda"

    Hindi ko kasama sa delivery room ang asawa ko kasi bawal. Sa buong pagle-labor ko hanggang sa manganak ako, isang beses lang akong napasigaw. Natatakot kasi ako sa sakit at gusto ko sana andun din si hubby. Isinigaw ko para mawala ang kaba ko. 

    Akala ko ie-encourage ako ng mga staff. Akala ko papalakasin nila ang loob ko. Pero hindi. Sa halip, sinabihan pa ako na nagmamaganda raw ako.

    ---

    May mga labor at delivery horror stories ka rin ba? I-share mo na iyan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makahanap ng mga ospitalna kung saan hindi mo mararanasan ang mga ganito.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close