;
embed embed2
Labor Sign Ba Kapag Sumakit Ang Vagina Habang Buntis?
PHOTO BY Shutterstock/SNeG17
  • Naranasan mo na ba iyong bigla na lang sasakit ang iyong vagina kahit nakaupo ka lang o wala kang ginagawa? Bigla ring mawawala ang sakit na parang walang nangyari?

    Ano ang lightning crotch?

    Ito ang biglaang pananakit ng iyong vagina na mabilis na mabilis ding nawawala. "Lightning crotch is a specific phenomenon that happens in the last four to six weeks of pregnancy," paliwanag ni Joyce Gottesfeld, M.D., OB-GYN ng Kaiser Permanente sa Denver.

    Iba ang lightning crotch sa round ligament pain na nangyayari naman sa palibot ng uterus kapag lumalaki ito para i-accomodate ang baby.

    Malimit napagkakamalang sciatica at varicose veins ang lightning crotch, ngunit iba ang dahilan kung bakit ito nangyayari.

    Anu-ano ang mga sintomas ng lightning crotch?

    Ayon kay Dr. Gottesfeld, ang mga babaeng nakakaranas ng lightning crotch ay nakakaramdam ng shooting pains o pananakit na nagsisimula sa crotch o groin area, papunta sa inner thigh.

    Ang mga pananakit na ito ay walang pattern at basta-basta na lang nangyayari ngunit agad din namang nawawala. Maaari mo rin itong maramdaman kung matagal kang hindi nagbago ng posisyon, tulad na lang kapag natutulog ka o matagal kang nakaupo.

    Pagbabahagi ng mga buntis na nakaranas na ng lightning crotch, para itong electric shock o "shooting pins and needles". Biglaan ito at tumatagal lamang ng 15 hanggang 60 segundo.

    May ilang mga pagkakataong hindi ito nararamdaman, ngunit may mga pagkakataon namang sobrang sakit nito.

    Maaari mo ring maramdaman ang lightning crotch sa iyong rectum at uterus.

    Bakit nangyayari ang lightning crotch?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Habang papalapit na ang iyong due date, umiikot o umaayos na ang iyong anak para maghanda sa kanyang paglabas.

    Bumababa ang baby mo sa birth canal na siyang nagiging dahilan ng paghihiwalay ng iyong pelvic bones.

    Maaari ring madaganan ng ulo ng anak mo ang iyong cervix. Minsan naman ay maaaring tamaan ng ibang bahagi ng katawan niya ang mga sensitibong nerve endings malapit sa iyong pubic bone.

    Ang mga paggalaw na ito ang siyang nagiging dahilan para makaramdam ka ng lightning crotch pain.

    Kailan nangyayari ang lightning crotch pain at tanda ba ito ng labor?

    Sa third trimester madalas maramdaman ng mga buntis ang lightning crotch—habang naghahanda ang katawan mo sa paglabas ni baby.

    Ang tindi nito ay depende sa laki at position ni baby, pati na rin sa kung gaano kabigat ang pressure na inilalagay niya sa iyong nerve endings. Ayon sa mga eksperto, maaaring maging mas masakit kung walang tigil ang paggalaw ni baby sa loob.

    Mawawala rin ang lightning crotch pain paglabas ni baby. Hindi rin lahat ng mga buntis ay makakaranas nito.

    Paano iwasan ang lightning crotch pain?

    Dahil biglaan, mahirap iwasan ang lightning crotch pain. Payo ni Dr. Gottesfeld, makakatulong ang stretching at pagbabago ng posisyon. Sa ganitong paraan kasi, matutulungan mo si baby na magbago ng posisyon sa loob ng iyong sinapupunan.

    Makakatulong din ang:

    • Malimit na pagbabago ng posisyon
    • Page-ehersisyo (cardio at stretching)
    • Pagsusuot ng belly support belt
    • Paliligo gamit ang maligamgam na tubig
    • Pagpapa-prenatal massage

    Kailan dapat kumonsulta sa doktor?

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mahalagang pumunta ka o magsabi ka sa iyong doktor kung ang pananakit ng iyong vagina o crotch area ay may kasamang:

    • pagdurugo
    • pagkahilo
    • lagnat
    • matinding pananakit ng ulo
    • panlalabo ng mata
    • leaking fluid

    Ang mga ito ay maaaring indikasyon ng impeksyon o kumplikasyon, ayon sa mga eksperto. Dagdag pa nila, bagaman nangyayari ang lightning crotch sa third trimester, hindi ito tanda ng labor.

    Ang tunay na labor ay dumarating sa regular na intervals at may kasamang pananakit ng likod at discharge na may kasamang dugo.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles