PHOTO BY Instagram/Doc Rob Chiropractic Clinic, Patricia Javier
Editor's note: Mahalaga na kumunsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Lumaki si Patricia Javier na hinihilot ng kanyang nanay kapag may masakit sa kanyang katawan. Pero nang mapangasawa niya noong 2005 si Robert “Rob” Walcher, isang American chiropractor, namulat siya sa iba pang paraan para umayos ang pakiramdam ng katawan.
Ang chiropractor ay isang doctor of chiropractic care, kaya tinatawag din ang mister ni Patricia bilang Doc Rob. Sila ang nagtatag ng Doc Rob's Chiropractic Wellness Clinic, na mayroon na ngayong apat na branch.
Pangunahing trabaho ng chiropractor ang magbigay ng chiropractic adjustment, kung saan ginagamit ang mga kamay o maliit na instrumento para sa spinal manipulation. Pinaniniwalaan itong may benepisyo sa spinal motion at over-all physical function ng katawan.
Sabi ni Patricia, ligtas ang chiropractic adjustment sa lahat ng tao "basta walang fracture at saka hindi naoperahan ang likod." Katunayan, mayroon na silang mga pasyente na mga buntis at baby. Iba-iba naman daw kasi ang pressure na ibinibigay ng doktor kada pasyente.
Dagdag ng actress-businesswoman, makakatulong ang chiropractic adjustment para maibsan ang pananakit ng katawan ng buntis, lalo sa bandang binti. Nakahiga naman daw ang buntis at hindi pinapadapa habang binibigyan ng treatment.
Ayon pa kay Patricia, narito ang ilang benepisyo ng chiropractic adjustment para sa mga buntis: "Mas madali ang delivery po ng mommy. When you’re pregnant, ang hips naa-align. Mas nago-open siya. Ang delivery time mas faster. It helps for more natural birth."
Mainam din na magsabi muna ang buntis sa kanyang ob-gyn bago sumailalim sa chiropractic adjustment o iba pang treatment.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.