-
Labor & Childbirth Why C-Section Moms Are Brave: The Serious Risks They Face During Delivery
-
Toddler Having Good Grades Is Not The Only Way A Child Will Excel In Life, Says Psychologist
-
Wellness Embracing Mom Bod! 6 Moms Say Bye To Insecurities, Hello Sexy And Strong Body
-
Family Fun The Peninsula Manila Has A Terrific Staycation Deal For Moms And Their Families
-
Nakakapayat Raw Ang Belly Wraps! Totoo Ba?
Narito ang ilang gabay sa pagpili at mga brands na pwede mong subukan.by Grace Bautista .

PHOTO BY iStock
Bilang mga buntis o bagong nanay, sagana tayo sa mga payo at babala mula sa mga taong nakapaligid sa atin. Pero sapat bang napag-uusapan kung gaano kalala ang trauma na dadanasin ng abdominal muscles natin sa pagbubuntis? Karaniwan ay naiintindihan na lang natin ito pagkatapos manganak, kapag naranasan na natin ang realidad ng napakalambot o lawlaw na tiyan, kakaibang kulat at itsura nito, at mahinang core muscles. Idagdag mo pa rito ang hiwa kung sumailalim ka sa cesarean section.
READ MORE STORIES ON BELLY WRAPS
- 3 Practical Tips To Help You Lose Your Post-Baby Belly
- How This Single Mom Lost 12 Pounds And Trimmed 5 Inches Off Her Waistline At Home
Kaya naman nagiging popular ang mga belly wraps o abdominal binders para sa mga nanay na bagong panganak, lalo na't nakakapayat pa raw ito. Pero ayon sa mga eksperto, hindi raw medically-proven na nakakatulong sa pagpapapayat ang belly wraps. Ganunpaman, napakaraming mga nanay ang nagsasabing malaking tulong ito sa kanilang postpartum recovery, pagbabawas ng timbang at pagpapaliit ng tiyan, normal delivery o C-section man ang kanilang naranasan. (Basahin dito ang ilan pang mga benepisyo ng paggamit ng belly wrap)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPaano pumili ng belly wrap
Malawak ang hanay ng mga belly wraps na mapagpipilian ngayon. Pero bago ka magdesisyon kung alin ang gagamitin mo, ito ang ilan sa mga tanong na maaaring gumabay sa iyo sa pagpili ng pinakamabisang belly wrap para sa iyo.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos1.May allergy ka ba sa anumang materyal?
Kung allergic ka sa mga synthetic na tela, mag-ingat na piliin ang belly band na gawa sa materyales na kasundo ng iyong balat upang maiwasan ang pangangati o pagsusugat.
2.Nakaranas ka ba ng labis na pagbigat o pamamanas sa iyong pagbubuntis?
Kung oo, maaaring mas makinabang ka sa mas advanced na siyensya na ginagamit ng ibang brands na magaling sa research at technology. Kung hindi naman, huwag nang gusmastos ng malaki para sa siyensyang hindi mo kailangan.
3.Alam mo ba ang tamang sukat para sa iyo?
Hindi pare-pareho ang sukat ng iba’t-ibang brands. Siguruhing nabasa mo ang size chart o mga gabay sa pagsusukat mula sa napili mong brand.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW4.Pwede ka bang gumamit ng pre-loved na belly wrap?
Depende sa paglalaba, pagsasampay, at pagtatabi ng belly wrap, maaring masira ang hugis at lubhang mabawasan ang elasticity nito. Siguruhing malinis at nasa mabuting kondisyon ang anumang pre-loved na gamit na bibilhin. Lagi ring tumingin sa ibang pagpipilian, baka may brand new na mas sulit!
4 belly wraps na pwede mong bilhin
Narito, inilista at pinagkumpara namin ang ilang belly wraps na pwede mong pagpilian:
1. Inay Moments Postnatal Tummy Binder Recovery Belt
Nagbibigay ito ng banayad na suporta sa tiyan pagkatapos manganak. Bilhin dito sa halagang Php320.PHOTO BY babymama.phADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWGawa ito sa malambot na elastic at wala itong latex. Madali raw itong suotin at hindi halata kapag suot sa ilalim ng damit. Isang size lang ito, kasya sa baywang na hanggang 34” ang sukat.Inerekomenda man sa iyo ng iyong doktor o personal na kagustuhan mo ang paggamit ng belly wrap, mabuting bumili ka na nito bago ka manganak, pero itanong mo rin sa iyong doktor kung kailan mo pwedeng simulan ang paggamit nito, lalo na kung C-section ang panganganak mo. Kung nababahala ka pa rin tungkol sa kondisyon ng iyong tiyan ilang linggo pagkatapos mong manganak, kausapin mo rin ang iyong OB/GYN tungkol dito sa iyong postpartum checkup.
2. Yabyab Tummy Sleek and Slim Post-Natal Belt Girdle Corset Shapewear
Ang girdle na ito ay gawa sa spandex kaya mas mura kumpara sa iba. Bilhin dito sa halagang Php598.PHOTO BY babymama.phADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng postnatal recovery girdle na ito ay gawa sa spandex. Naisasara ito sa pamamagitan ng hook-and-eye at mayroon itong boning o pampatigas para hindi ito rumolyo pataas. May apat na sizes ito (L, XL, 2XL, 3XL) at ang pinakamalaki ay kasya sa baywang na hanggang 36 inches ang sukat.
3. UpSpring Shrinkx Belly PostPartum Belly Wrap Ultra Slimming
Mayroon itong strap sa gilid na nagbibigay ng tamang lapat sa katawan. Bilhin dito sa halagang Php2,080PHOTO BY babymama.phADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng wrap na ito ay may triple compression design na ginawa para mabawasan ang pamamanas, mapabilis ang pagbaba ng timbang, at sumuporta sa core muscles pagkatapos manganak. Mayroon itong dalawang sukat: Small-Medium na kasya sa baywang na may sukat na 25”-43”, at Large-XLarge na para sa 44”-52”. Rekomendado rin ito ng mga OB/GYN.
4. Shrinkx Belly Bamboo Charcoal Postpartum Belly Wrap
Rekomendado ito ng mga OB/GYN! Bilhin dito sa halagang Php3,000PHOTO BY babymama.phADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng belly wrap na ito ay mas mabilis raw na nakakapagpaliit ng tiyan at baywang. May Bamboo Charcoal kasi ito na nagbibigay ng far infrared light. Habang suot ito, ang far infrared light ay nakikipagtulungan sa natural na init ng katawan upang pataasin ang pagdaloy ng dugo, pabilisin ang paggaling, at tanggalin ang pamamanas. Mayroon rin itong boning para suportahan ang lower back at kasya ito sa baywang na may sukat na 25 inches hanggang 44 inches.
READ MORE STORIES ON BELLY WRAPS
- 3 Practical Tips To Help You Lose Your Post-Baby Belly
- How This Single Mom Lost 12 Pounds And Trimmed 5 Inches Off Her Waistline At Home
Ano ang mga dos and dont's na dapat malaman sa postpartum recovery? Basahin dito ang payo ng mga eksperto.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network