embed embed2
Hindi Pa Rin Advisable Na Piliin Manganak Sa Bahay: Narito Ang Iyong Options
PHOTO BY Pexels
  • Kahit na pakiramdam ng isang buntis na mas ligtas siya sa kanyang bahay sa gitna ng COVID-19 pandemic, mas mainam na manganak siya sa isang health facility tulad ng ospital o lying-in clinic. Maayos na maisasagawa ang panganganak sa ospital at jung sakali mang magkaroon ng medical emergency, matutugunan ito kaagad ng doktor at medical workers doon kaysa ang home birth.  

    Ito ang payo ni Dr. Martha Aquino, isang ob-gyn, sa panayam niya sa medical program na The Doctor Is In na napanood nitong May 6, 2020 sa istasyong CNN Philippines. Dagdag ni doktora na kung ang buntis ay walang mapuntahang ospital na malapit o kaya naging COVID-19 facility na ito, maaari siyang manganak sa lying-in clinic. Basta daw piliin iyong rehistrado ng local government unit (LGU) kung saan ito matatagpuan para siguradong may business permit. Suriin din kung lisensyado ito ng Department of Health (DOH) at accredited ng PhilHealth

    Magtanong din daw ang buntis sa midwife ng lying-in kung meron itong accredited obstetrician na kabilang sa Philippine Obstetrical and Gynecological Society. Ang accredited obstetrician na iyon ang magsisilbing consultant kapag nagkaproblema sa panganganak at kailanganin na ilipat ang laboring mother sa ospital. 

    What other parents are reading

    Teleconsult o telemedicine para sa prenatal checkups

    Nilinaw naman ni Doktora sa tanong ng The Doctor Is In host na si Dr. Freddie Gomez ang lagay ng maternity care ngayon sa bansa. Aminado siya na limitado na ang in-person consultation o personal na pagkonsulta ng mga buntis sa kani-kanilang mga doktor bilang pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus. Kailangan daw gumamit ng ibang paraan tulad ng telepono (telemedicine) o internet (online consultation). 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi na bago sa mga Pinoy ang telemedicine o teleconsult, ayon kay Dr. Aquino na chairperson ng Obstetrics and Gynecology Department ng Asian Hospital and Medical Center. Marami sa mga pasyente noon pa ay tumatawag o nagte-text sa kanilang doktor para humingi ng payo o opinyon. Na-formalize lang daw ang ganitong sistema sa panahon ng COVID-19. Pero pag kailangan ng physical examination, pupunta talaga ang pasyente sa kanyang doktor.

    Ganyan na daw ang magiging “new normal” ng pagpapakonsulta sa doktor. Hindi na daw pupuwede ang gawain ng ibang pasyente noon na basta na lang susulpot sa clinic dahil biglang nagkaroon ng oras para magpatingin. Dapat may set appointment na para maiwasan ang pila dahil sinusunod pa rin ang social distancing.

    What other parents are reading

    Kailan dapat magkaroon ng prenatal checkup sa clinic o ospital

    Ipinaliwanag din ni Dr. Aquino  na sa ilalim ng new guidelines, ang isang babae ay kailangang magpakonsulta sa sandaling malaman niyang nagdadalang-tao siya. Puwede daw gawin ang prenatal checkup sa pamamagitan ng teleconsult, pero pagdating ng 11 hanggang 13 weeks ay kailangang in-person consultation na. Uulitin ito sa 20, 30, 32, 36, 37 weeks hanggang dumating ang araw ng panganganak. 

    Pansin ni Doktora na bilang hindi nagkakaroon ang mga buntis ng kanilang “usual encounters or consultations with their favorite healthcare provider,” nakakaramdam sila ng pagiging “lost” sa sitwasyon. Nagiging attached kasi sila sa kanilang mga doktor at malimit na magpakonsulta basta may kakaibang naramdaman. Ngayon, hindi na nila ito magawa, pati na rin ang magpa-ultrasound at iba pang procedure. 

    Sa loob ng bahay naman daw, problema ng mga buntis ang limited access sa masustansyang pagkain. Malamang, sabi ni Doktora, mas accessible sa kanila ang processed at junk food. Wala din daw oportunidad na makapag-exercise, ngunit puwede naman magsayaw mag-isa o kaya sundan ang beginner’s Zumba class sa YouTube. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Mga dapat paghandaan kung malapit na manganak

    Nagbigay din si Doktora ng ilang paalala sa mga malapit nang manganak. Unang-una daw ay kumonsulta sa doktor at sabihin ang eksaktong nararamdaman para malaman kung paano tutugunan ito. Halimbawa: May sakit bang nararamdaman? May unusual discharge ba? Hindi ba masyadong gumagalaw ang sanggol sa sinapupunan? 

    Nabanggit ni Doktora ang birth plan na gustong-gusto daw pag-usapan ng mga buntis. Lahad niya, “A birth plan actually encourages women to read about the birthing process and what to expect. But it’s not necessarily that what you plan, iyon ang mangyayari. It just gives us what you want to happen or what you desire to happen — if you have an anesthesia, what type of anesthesia, if you want to walk around.”

    Tandaan din daw ang mga bagong patakaran bunsod ng COVID-19 pandemic. Ilan dito na kanyang nabanggit:

    Bawal ang birth companion sa loob ng delivery room

    Mahalaga ito para mabawasan ang posiblidad ng pagkalat ng virus. Kaya sa simula pa lang ay sabihan na ang sino mang maghahatid sa buntis sa ospital na hindi ito puwedeng sumama sa delivery room.

    May COVID-19 questionnaire na pasasagutan

    Huwag ma-offend dito. Nais lang ng ospital staff malaman kung diretso ang paghatid sa regular birthing room o sa special room with negative pressure. Para ito sa kaligtasan ng buntis, ng hospital staff, at iba pang pasyente sa ospital.

    Para naman sa mga nagbabalak na magkaanak ngayon sa panahon ng COVID-19 pandemic, ang payo ni Doktora ay ipagliban muna ito. Kahit na daw nababalita na hindi malaki ang epekto nito sa mga buntis at, kung tamaan man ng coronavirus, hindi naipapasa ang sakit sa sanggol, hindi pa rin niya masasabi na advisable mabuntis sa panahon ngayon lalo na matindi ang pangangailangan sa mga healthcare providers.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close