embed embed2
10 Pagkain Na Sinasabing Nakakatulong Para Mabilis Manganak
PHOTO BY iStock
  • Sadyang napakahirap ang panganganak lalo na ang pagla-labor. Dito mo mararamdaman ang mga hindi maipaliwanag na sakit at kung ano ang gusto mong gawin para lamang mawala ang sakit habang naghihilab ang iyong tiyan. Ninanais din naman ng mga mom-to-be na makapanganak sila na vaginal delivery para hindi malaki ang gastos kumpara kapag cesarean delivery. Kaya naman nagiging concern ng mga mom-to-be kung may paraan ba o pagkain na makatutulong para mabilis ang panganganak.

    Sa Parent Chat ng SmartParenting.com.ph, marami mga moms ang nag-share ng kani-kanilang mga kinain para mapabilis diumano ang panganganak. Isang mommy ang nagsabi na nirekomenda ng kaniyang midwife ang pag-inom ng pinakuluuang luya o tinatawag na salabat nang kabuwanan na niya dahil pampalambot daw ito ng cervix.

    Ibinahagi naman ng isang mommy na pinainom siya ng kaniyang nanay ng unang itlog ng manok para daw mabilis lumabas si baby. Tandaan laman na paliwanag ng mga doktor para sa pagkain ng hilaw na itlog, delikado ito dahil salmonella infection na maaaring makuha rito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Mayroon ba talagang pagkain para mabilis ang panganganak?

    Narito ang mga pagkain sinasabing maaaring kainin sa panahon ng iyong kabuwanan para magkaroon ka ng sapat na lakas at ng kinakailangang nutrisyon:

    1. Dates

    Ipinapakita ng mga pag-aaral na kapag nagkonsumo ng anim na dates kada araw sa loob ng apat na linggo bago ang inaasahang petsa ng panganganak ay maaaring magkaroon nang maayos na pagla-labor. Ibig sabihin maikli lamang ang oras nito at mas mataas ang tiyansa nang mabilis na pag-dilate ng cervix.

    2. Red raspberry leaf tea

    Ang tatlo hanggang apat na tasa ng tsaang ito ang inirerekomendang inumin sa huling semester ng pagbubuntis. Mayaman daw kasi ito sa vitamins A, B, C, at E kasama na ang minerals gaya ng magnesium, potassium, at calcium na nakatutulong ito sa pagbabalanse ng hormones at uterus. Ayon sa mga pag-aaral nakatutulong daw ito sa pagpapaikli ng oras ng pagla-labor at nagpapababa ng mga interbensyong medikal sa panganganak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    3. Green leafy vegetables

    Maraming nutrisyon ang makukuha sa pagkain ng mga berdeng dahong gulay na mahalaga mula sa simula ng pagbubuntis hanggang sa panganganak.

    4. Balat ng manok at paghigop ng sabaw

    Makakakuha ka ng mga sustansiya na kakailanganin ng iyong katawan gaya ng calcium, magnesium, potassium, at phosphorus.

    5. Dried fruit at mga mani

    Mayaman sa mineral ang buto ng kalabasa na nakatutulong sa pag-regulate ng insulin. Mayaman din sa copper at zinc ang buto ng sesame. Puno naman ng vitamin E ang buto ng sunflower at ang almond. Kompleto naman sa protina ang quinoa at nagtataglay rin ito ng siyam na amino acids. Nakakatulong ito para maiwasan ang preterm labor at may benepisyong hatid lalo na sa may gestational diabetes.

    More from Smart Parenting

    6. Patatas at kamote

    Nakapagbibigay ang kamote ng pangangailangang starches at estrogen na makagawa ng hyaluronic acid sa katawan. Sa proseso ng paglalabor, makapagpapataas ito ng produksyon ng katawan ng estrogen, oxytocin, at prostaglandins.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    7. Saging

    Makatutulong din ito sa pagprodyus ng hyaluronic acid. Maganda rin itong mapagkukunan ng potassium at vitamin B at C. Maiiwasan ang sintomas ng preeclampsia na madalas alalahanin sa paglala-bor sa tulong ng vitamin B, potassium, at magnesium.

    8. Atay

    Mabisa raw itong pagkunan ng nutrisyon para sa lahat ng saklaw ng reproductive health gaya ng prenatal, labor, at postpartum. Sa pagkain ng atay, madali ang pag-absorb ng iron at lahat ng vitamin B na mahalaga sa produksyon ng red blood cells.

    More from Smart Parenting

    9. Melon

    Mapapanatili kang hydrated nito. Nakatutulong ang melon sa pagpapataas ng lebel ng iyong amniotic fluid. Gaya rin ng pipino at pakwan na mataas ang electrolyte at mineral. Syempre, mahalaga pa rin ang pag-inom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration.

    10. Grass-fed butter o yogurt at cultured foods

    Mayaman ang grass-fed butter sa cholesterol at vitamin A, D, E, K at iba pa. Kailangan ang tamang pagtaas ng cholesterol para sa produksyon at pagkilos ng hormones. Liban sa probiotics na makukuha sa cultured foods, nakatutulong din naman ito sa paggamit ng bitamina ng katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag nasa ika-36 hanggang ika-37 linggo ka na ng iyong pagbubuntis, nagmumungkahi ang mga ob-gyn na gumagawa ng ilang mga hakbang para makatulong sa iyong maayos na pagla-labor at madaling panganganak. Kasama rito ang paglalakad-lakad para matagtag at bumukas ang cervix.

    More from Smart Parenting

    Bukod dito, ipinapayo rin minsan ng doktor ang pag-inom ng profamol, eveprim o evening primerose oil. Ang profamol ay ininom ng isang mommy tatlong beses sa isang araw sa loob nang isang linggo noong 37 weeks na siya. Nakatulong ito sa kaniya na magpalambot at magpabukas ng kaniyang cervix.

    Kung minsan, ipinapayo rin ang pagkikipagtalik sa asawa na nakatutulong din sa pagbukas ng cervix. Bukod sa nabanggit, may angkop din na pag-e-ehersisyon na maaaring gawin para sa mabilis na panganganak. Gaya ng isang mommy na nag-kegel exercise siya araw-araw nang 50 beses. Sinubukan din niya ang squats nang 30-35 ulit. Iwasan din ang labis na pagtulog o paghiga-higa, kailangan talaga ang kumilos o gumalaw-galaw para matatag at madali ang pagbukas ng sipit-sipitan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Batay sa lahat ng mga nabanggit, mahalaga pa ring sundin ang ipinapayo ng iyong doktor. Huwag basta sumubok ng anuman makasasama sa iyo at sa iyong baby lalo na kung may medikal na kondisyon. Iwasan ding kumain ng mga pagkain na hindi ipinapayo sa iyo ng iyong doktor. Gayundin naman, huwag gumawa ng mga gawain o ehersisyo na hindi kakayanin ng iyong kalusugan. Tandaan lagi na mahalaga na sumangguni sa iyong doktor bago subukin o gawin ang anumang bagay.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles