embed embed2
  • Nagkaroon Ng Epekto Kay Baby Ang Pagiging Hypertensive Ni Mommy Na Nabuntis At 41

    Kasagsagan ng COVID-19 nang manganak si mommy sa hindi inaasahang due date niya via CS
    by Jocelyn Valle .
Nagkaroon Ng Epekto Kay Baby Ang Pagiging Hypertensive Ni Mommy Na Nabuntis At 41
PHOTO BY courtesy of Chona Ignacio Garcia
  • Pagkatapos makaranas ng miscarriage noong 2018, hindi nawalan ng pag-asa si Chona Ignacio Garcia na mabiyayaan siya at kanyang mister na si Erap Garcia ng anak. Tuloy-tuloy lang ang kanyang dasal at novena sa kanyang paboritong santo na si Padre Pio hanggang nalaman niyang nagdadalang-tao siyang muli ng last quarter ng 2019. 

    Isang buwang buntis at 41 years old noon si Chona, na nagtatrabaho bilang bank service officer, nang makumpirma ang kanyang kondisyon. Pagtungtong niya sa ika-anim at kalahating buwan, nagsimulang ipatupad ang community quarantine noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic

    Hindi natigil ang kanyang regular checkup dahil sa karamdamang hypertension bunsod ng pagbubuntis. Kaya mula sa kanilang lugar sa Taguig, maingat silang mag-asawang nagpupunta sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City para matignan ng obstetrics-gynecology doctor ang kalagayan niya at ng kanyang pinagbubuntis.

    What other parents are reading

    “Mask ako na doble every checkup ko,” lahad ni Chona sa SmartParenting.com.ph. “Dumadaan kami sa triage sa PCMC, and I want to praise them sa work ng mga frontliners do’n. Matiyaga silang nag-i-screen. Matagal [ang proseso], pero they are doing their job well.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Pag-uwi sa bahay, linis na agad ng katawan, ligo. Ang dami naming nauubos na alcohol for sanitation, ’tapos dami din naming stock ng Zonrox para panlinis sa floor. Takot kami lahat. Pati husband ko di makakalapit sa ’kin pag ’di pa siya naligo, if galing siya sa labas.”

    Nagkuwento din si Chona tungkol sa pinagdaanang karamdaman. Aniya, “My hypertension was affecting the growth of my baby. One week smaller daw [than the normal]. I only found out no’ng 27th week ko and no’ng magpalit ako ng OB. 

    "Naghanap kami ng doctor sa PCMC. I felt safe do’n kahit malayo kasi do’n ako nakahanap ng OB perinatology. Alam nilang i-handle mga high risk tulad ko.”

    Katulad ng mga nakaraang checkup day, sinamahan si Chona ng kanyang asawa sa ospital nitong April 14. Pero hindi na sila pinauwi dahil kinailangan nang mailabas ang sanggol kahit nasa 35th week pa lamang ito. Paliwanag niya, “Tinapos lang ang four shots na dexamethasone para mag-mature ang lungs ni baby.”

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    April 16 nang manganak si Chona sa pamamagitan ng Cesarean section, gaya ng advice ng kanyang OB bago pa dumating ang araw na iyon. Naging ganap siyang ina sa baby boy na pinangalanan nilang Alvier Kobe Pio.

    Paliwanag niya na nanggaling ang Alvier sa initials ng mga lolo at lola ng bata, na sila Avelino, Ligaya, Virgina, at Ernesto. Ang yumaong si Kobe Bryant naman ang paboritong basketball player ng asawa niyang si Erap. At siyempre pa nagbigay siya ng pagpupugay kay St. Padre Pio. 

    Nagpapasalamat si Chona na walang nagyaring complications habang at pagkatapos niyang isilang si Baby Alvier. May pagkakataon lang na bumaba ang hemoglobin ng sanggol at natugunan naman ito sa pagbibigay ng additional vitamins.

    Pero dahil premature birth, kinailangang manatili ni Baby Alvier sa neonatal intensive care unit (NICU) ng 3 weeks hanggang mailipat sa regular room at pumirmi doon ng 3 weeks pa.

    What other parents are reading

    Samantala, na-discharge sa ospital si Chona apat na araw matapos siyang manganak. Pagbabalik-tanaw niya, “Saw my baby sa NICU for the first time no’ng pauwi na ako. So fast, para lang ako nag-hi sa kanya, ’tapos pinaalis na kami agad ng NICU nurse. Bawal na pumasok, actually, pero consideration lang. Pauwi na kasi ako. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “No’ng time na ’yon, nakita ko ang baby ko na ang small niya, and may naka-IV [dextrose]…Nadurog ang puso ko. Birth weight niya is 1.12 kilos.” 

    Para sa mga expectant moms, may mga payo at paalala si Chona: “Strictly follow your OB, complete vitamins, and all. Pumili kayo ng OB na comfortable kayo kausapin. Dapat ready kayo sa lahat — physically and emotionally and financially — pag dating ng araw ng delivery kay baby. 

    “And save money lagi ng budget for C-section. Kahit normal [delivery] ang sasabihin sa inyo ng OB n’yo, you never know kasi madaming cases na pag na-cofine sa hospital, do’n malalaman na di kaya mag-normal delivery. I mean, mas okay maging ready.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close